Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago ko harapin ang bulletin board kung nasaan ang list of board passers.
Dela Cruz..
Dela Merced..
Dela Vega..
Ejercito..
Inumpisahan ko ulit na basahin ang listahan pero wala talagang Dela Vign Eleanor na pangalan. Sinubukan ko rin na tingnan ang iba pang mga papel doon pero kahit ilang ulit ay wala talaga. Mas dumodoble na ang kabang nararamdaman ko.
"Oh my God! I passed!"
Nakuha ng tili ni Denice ang atensiyon ng lahat. Dali dali siyang yumakap sa akin.
"Congrats Denice." Masaya ngunit mas nangingibabaw ang kaba na bati ko.
Nangunot ang kaniyang noo, siguro ay napansin ang hitsura ko.
"What's with that face? Tara na magcelebrate na tayo. Hell, I never expect that I'll pass." Niyuyogyog niya pa ako dahil sa kasiyahan.
Gustohin ko mang ipakita kong gaano ako kasaya para sa kaniya ay hindi ko magawa. Mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman ko.
"Denice... I can't find my name.."
Agad nawala ang mga ngiti niya at napalitan ng pagkunot noo.
"Baka naduling ka lang. Wag kang kabahan, ikaw pa ba? Come, tulungan na kita maghanap."
Tumango tango na lang ako. Sana nga naduling lang talaga ako.
Bumalik na kami sa paghahanap ng pangalan ko, pero kahit anong ulit ang gawin kong pagbasa ay wala talaga. Pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao dahil kanina pa kaming paulit ulit sa pagtingin sa list. Oh please, wag n'yo naman po akong biruin ng ganito.
Nanginginig na ang mga kamay ko at pabilis ng pabilis ang t***k ng aking puso. Please this can't be.
Halos nalukot na yung mga papel dahil sa ginagawa ko. Bakit wala?
"Denice.."
Naiiling akong napabaling sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong nanggigilid na. At hindi man sabihin ay bakas na ang pagkupas ng positibong aura ni Denice.
"Let's look for it again."
Bumalik sa paghahanap si Denice at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Kahit sampu pa kaming maghanap kung hindi ako nakapasa, hindi talaga makikita ang pangalan ko roon. Pero bakit? Bakit?!
Hindi ko na nakayang manatili pa. Tumakbo ako palayo, gusto kong tumakas dahil ang hirap sa kalooban.
Hindi ko pinansin ang mga matang nakasunod sa akin, kailangan kong makalayo sa traydor at mapanakit na listahan na iyon.
Ang sakit sakit.
Bakit?!
"Lea!"
Hindi ko nilingon si Denice, nagpatuloy ako sa pagtakbo na walang direksiyon. Hindi ko maunawaan. I already gave my best. Binigay ko lahat ng kaya ko, nag aral akong mabuti. Kaya bakit hindi ako nakapasa? Bakit?! Bakit?
Huminto ako sa pagtakbo noong marating ang tulay na nagdurugtong sa dalawang bayan. Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa pagod at pag iyak. Gusto kong sumigaw, gusto kong malaman kong bakit. Paano na yung pangarap ko? Paano na yung oras? Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi puwedeng ma-delay. Hindi puwede...
Parang pinipilipit sa sakit ang puso at buong pagkatao ko.
Ibang iba yung sakit bunga ng matinding dissapointment.
Napahawak ako sa railings ng tulay dahil kung hindi ay babagsak ako sa aking mga paa. Nakita ko ang ilog na banayad na dumadaloy sa ibaba, at kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang luha kong walang patid sa pagdaloy, nalulunod ako sa pagkadismaya sa aking sarili.
I am such a big dissapointment. I graduated as a magna c*m laude pero bumagsak ako sa board. I am so sorry Mommy. I'm sorry..
Dumoble pa ang pagpiga sa puso ko noong maalala ko si Mommy. Nakakahiya.
Muling inagaw ng lagaslas ng tubig ang atensiyon ko. Ang banayad at comforting niyang pagmasdan. Wari'y tinatawag ako nun.
Mas tumindi ang pagbuhos ng luha ko noong tumapak ako sa unang baitang ng railings.
Should I go and hug those comforting water below?
Nanginginig ang aking katawan. Ipinikit ko ang mga mata ko. I am sorry Mom..
Umakyat pa ako ng isa pang hakbang. Nasa posisyon na ako ng pagpapakahulog sa tulay noong may kamay na humablot sa akin.
Napamulat ako noong bumagsak kami sa kalsada.
"Miss, nababaliw kana ba?"
Napaangat ako ng tingin at nakita ang mukha ng isang lalaki. Napahagulhol na lang ako dahil sa sinubok kong gawin. Nababaliw na nga yata talaga ako. Pero sinong hindi mababaliw sa sitwasyon ko?
Inalalayan akong tumayo noong lalaki at iginiya sa kaniyang sasakyan. Wala akong kapasidad na umalma o magtanong kung sino siya. Gusto ko lang umiyak nang umiyak.
"Uminom ka muna para kumalma ka."
Inabutan niya ako ng tubig pero hindi ko iyon pinansin. Pinanatili ko ang pag iyak habang nakatuon sa bintana. Bahala na kung saan niya ako dadalhin. Wala akong pakialam.
"Sa labas na muna ako. Tawagin mo na lang ako pag kalmado at tapos ka nang umiyak." Tinapik niya pa ako sa balikat bago lumabas ng kotse.
Huminto na pala kami sa isang parke, sandali ko siyang sinulyapan tapos ay bumalik na ako sa pag iyak. Paano ako uuwi? Paano ko haharapin si Mommy? Isa akong kahihiyan, hindi lang kay Mom kundi maging sa University at mga kaklase ko. Isang magna c*m laude na naglugmok sa pag aaral pero hindi pumasa sa board exam? At muntik pang tumalon sa tulay. I am a big mess. Kahiya-hiya!
Paano na yung pangarap ko? Yung oras na hinahabol ko. Ang dami kong tanong, napakarami. Pero ang kaya ko lang gawin sa ngayon ay ang umiyak.
Umiyak nang umiyak nang umiyak.
Why is this happening to me?
Maging ang mga luha ko ay naubos na rin yata, maging sila ay ayaw na rin sa katulad kong isang kahiya hiya.
Noong wala na talagang luhang lumalabas ay sinulyapan ko ang lalaking nagligtas sa akin. Nakaupo lang siya roon at matamang naghihintay sa akin. Dissapointment na nga, nang iistorbo pa ng buhay ng iba.
Pinunasan ko ang mata ko at nagbuntong hininga muna bago lumabas ng kotse. Nahihiya akong nagtungo at naupo sa tabi ng lalaki. Sino ba kasi siya?
"S-Sorry.."
"Ayos ka na ba?" tanong pa niya saka nag abot ng tubig
Walang pag aalinlangan na tinanggap at ininom ko iyon. Malapit na nga yata akong matuyuan sa kaiiyak.
"Medyo. Salamat nga pala."
Hindi ko siya magawang tingnan, nahihiya ako. Pero alam kong nakabaling siya sa akin.
"Don't mention it. Masaya ako na nailigtas kita. Wag mo nang gagawin ulit iyon ah."
Mabilis akong napasulyap sa kaniya. Kung makapag salita ay akala mong close kami. Napaiwas din agad ako, nakakahiya ang mugto kong mga mata.
Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin sa kaniya. Nanatili kaming tahimik sa loob ng ilang minuto. Ewan ko ba kung bakit naglulustay siya ng oras sa akin.
"You know, I passed the board exam.."
Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko siya tiningnan. Anong ibig niyang ipakahulugan? Iniinsulto niya ba ang pagbagsak ko?
"This is my third take anyway."
Hindi ko na napigilang mapabaling sa kaniya. Simple siyang nakangiti sa akin. Alam niya ba ang dahilan kung bakit muntik na akong tumalon?
"Nakita kasi kitang tumatakbo mula University kaya sinundan kita."
Napayuko na lang ako. Ang dali sigurong basahin ng ekspresyon ko.
"Alam mo noong unang bumagsak ako, grabe rin yung dissapointment na naramdaman ko. Pero imbes na magmukmok, nag aral ako ng mas mabuti para mag retake. Kaso bagsak ulit e. Pero sorry na lang siya, dahil hindi ako hihinto hanggat di ako pumapasa."
Mukhang sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko.
"Hindi mo naiintindihan. Grumaduate akong magna c*m laude at nagsunog ng kilay sa review center, kaya hindi ko maintindihan kung paanong hindi ako pumasa. I just don't understand it."
Naramdaman ko ang pagtayo niya tapos ay nasa harapan ko na pala siya.
Yumuko siya sa level ko.
"Ibig sabihin nun, may iba ka pang kailangan na gawin. Mayroon pang ibang nakalaan para sa 'yo. It's God plan, and all you need to do is to trust Him."
Sinalubong ko ang mga tingin niya saka ako ngumiti ng may pagkairita.
"That's unfair.."
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko upang mapigilan ang pagbulalas sa nararamdaman ko. I believe in Him, at ayoko ng magkasala pa dahil sa walang habas na pananalita.
"Nasasabi mo lang iyan dahil sa emosyon."
Muli na siyang naupo sa tabi ko. Bakit ba ayaw niya pa akong iwan?
"Naistorbo na kita, puwede mo na akong iwan. Salamat ulit."
Tumayo na ako para pormal na magpaalam sa kaniya.
"Wala iyon. At saka ihahatid na kita, para masiguradong hindi ka na talaga tatalon sa tulay na iyon."
"Huh? Hindi–"
"I insist." matigas niyang sabi
Nahihiya at nag aalangan man ay tumango na lang ako. Napakadami niya namang oras para sa isang estrangherong talunan na tulad ko.
"I am Jacob nga pala." Naglahad pa siya ng kamay. Nababasa niya ba ang isip ko?
"Lea." simpleng sagot ko at tinanggap ang kamay niya
Ngumiti pa siya at iginiya na ako papasok sa sasakyan. Hindi parin tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari sa araw na ito.
Habang nasa biyahe ay nakapilig lang ako sa bintana. Nagsasalita lang ako para ituro ang direksiyon.
"Dito na lang."
Agad naman siyang huminto sa tapat ng gate ng bahay namin.
"Salamat ulit Jacob at pasensiya na talaga sa istorbo." Sinikap kong magpakita ng simpleng ngiti.
"Eh? Kanina ka pa nagpapasalamat. Basta, pag nalulungkot ka o may problema, 'wag na 'wag kang tutungo sa tulay ah? Hindi pa naman ako superhero para mailigtas ka anytime."
Bahagya pa akong natawa sa huli niyang sinabi. Tumango tango na lang ako at bumaba na sa sasakyan niya.
"Bye, Eleanor." nakangiti pa siyang kumaway
Kumaway rin ako at simpleng ngumiti.
Teka?
Anong tinawag niya sa akin? Malayo na siya noong mapagtanto ko pagtawag niyang Eleanor sa akin. As far as I remember, Lea ang pagpapakilala ko.
Sino ba talaga yun?