Chapter 5

1570 Words
"Lea?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Mom, bakit ka–" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa mabilis niyang pagyakap sa akin. Nakita ko rin ang paglabas ni Denice, mukhang alam ko na kung bakit nandito na sa bahay si Mommy sa ganitong oras. "It's okay sweetie, it's okay.." bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko Doon na ako napahagulhol sa iyak. Alam niya na ang kahihiyan ko. "I am sorry Mom.. Sorry po.." "Sshhh." Kumalas siya at hinakawan ang mukha ko "You gave your best Lea, and I am still so proud of you. Wag ka nang umiyak mahal ko." Hinalikan niya pa ako sa noo saka muling niyakap. Napasubsob na lang ako at nagpatuloy sa pag iyak. Iginiya niya na ako pagpasok at inabutan naman agad ako ng tubig ni Denice. "Mommy, diba working hours mo pa?" "Mas mahalaga pa ba iyon kaysa sa iyo. San ka ba kasi nanggaling? Pinag alala mo kami?" Bumaling pa siya kay Denice. Mas lalo lang tuloy akong nakokonsensiya dahil sa naisip kong gawin kanina. "Sorry pinag alala ko kayo. Gusto ko lang talagang lumayo. Kasi sobra po akong nahihiya. Mom, sorry if I dissappoints you." "Lea, 'wag mong sabihin iyan. Hindi ang pagiging CPA ang basehan para ipagmalaki kita. You're my precious daughter with or without those 3 letters." Hinalikan niya pa ang mga kamay ko. Kahit papaano ay napapagaan nun ang nararamdaman ko. Sa lahat ng tao, paano ko naisip na si Mommy pa ang hindi tatanggap sa akin? Isa talagang kahibangan ang naisip kong gawin kanina. "Denice, puwede bang samahan mo muna sa kwarto niya si Lea? Ipaghahanda ko lang kayo ng meryenda." Mabilis na tumango si Denice. Iginiya niya na ako sa kwarto ko. "Saan ka talaga nanggaling?" Nakapamewang pa siya sa harap ko. Tiningnan ko siya. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang kahibangang nagawa ko? Nagtaas ang kilay nito, okay kailangan ko ngang sabihin. Mas nagiging nanay na naman siya kaysa sa Mommy ko. "Sa Daliante Bridge." "And?" Mas lalong tumaas ang kaniyang kilay. "..and I almost jumped off the–" "Eleanor!" Napatayo ako at mabilis na tinakpan ang bibig niya. Pinandilatan ko siya, at bumaling ako sa pinto kung narinig ba ni Mom ang tili niya. Mabuti at hindi. "What the hell, Lea? Anong pumasok sa isip mo? Hindi ka naman suicidal na tao ah. Oh God!" Napapahawak pa siya sa sintido habang tuloy sa pagsasalita. "Hindi ko rin alam. Pinagsisisihan ko na nga na nagawa ko iyon. Kaya wag mo na lang banggitin kay Mom, will you?" Sinamaan niya pa ako ng tingin pero tumango tango rin tapos ay kinuha ang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mga mata. "Damn Lea! 'Wag mo ng uulitin iyon. Anong mararamdaman ni Tita ha? Mabuti at hindi mo tinuloy? Nauntog ka ba o ano?" "May nagligtas sa akin, random guy." Nag iba ang ekspresyon sa mga mata niya. Sumilay rin ang kakaiba niyang ngiti. Seriously? At this freaking moment Denice Austria? "Guwapo ba?" Psh! Sabi ko na e. "Denice!" Binawi ko pa ang kamay ko at pabagsak na naupo sa kama. "Joke lang. Anyways, thanks to whoever he is. Naisalba niya ang gaga kong friend." "He's Jacob. Siya rin ang naghatid sa akin." "Tapos ano pa?" masigasig niyang tanong Bakit ko pa kasi sinabi iyon. Psh! "Sinakay niya ako sa kotse niya at hinayaang umiyak doon then he gave me some positive advice, kesyo siya daw tatlong take bago nakapasa and may mas better na plan pa raw para sa akin si God." "He's on point huh. And he's really a gentleman para gawin yun sa isang total stranger." Hindi niya maitago ang makahulugang ngisi. I can't believe her. "Teka, bakit ba siya ang pinag uusapan natin. Eh diba nga ang isyu ay yung hindi ko pagpasa? Denice..." Muli na naman akong nilukob ng lungkot. Ganoon din ang mukha ni Denice. "Kahiya hiya ako, ano pang silbi ng pagiging magna c*m laude ko? Anong sense ng walang humpay na pag aaral ko? Denice, I am such a big failure." "Lea, you know that you can still work in our company with or without licensed. Alam ni Dad kung gaano ka kagaling, at isa pa hindi pa katapusan ng lahat ng pangarap mo. Kayang kaya mong bumangon, 'cause you are Eleanor Dela Vign." Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat saka ngumiti. Kung tutuusin ay maswerte parin ako, dahil kahit malaking kabiguan ang nakuha ko mayroon paring mga tao na malaki ang tiwala sa kakayahan ko. Pero ako sa sarili ko? Hindi ko na alam. "Denice, paano na yung pangarap ko? Paano yung oras na hinahabol ko? Denice naka-set na lahat e, kaya ang sakit na nangyari ito. Napaka-halaga ng tatlong letra na iyon, at kung sakali man na pumasa ako sa susunod. Hindi parin nun kayang takpan na bumagsak ako ngayon. Bakit di na lang kasi umayon sa kagustuhan ko ang nangyari? Bakit?!" Hindi ko na mapigilang ilabas kay Denice ang hinanakit ko. Kahit ano kasing sabihin nilang positibo, hindi nun matatakpan ang pagkabigo ko na ito. "Eleanor! Alam ko napaka-hirap para sa 'yo ang nangyaring ito. Nakita ko lahat ng efforts mo, pero anong magagawa natin? Nangyari na diba? And who knows, baka nga may mas magandang plano sa 'yo ang Diyos." "Eh bakit yung plano ko ba hindi maganda? Bakit kailangan pang plano niya ang masunod, ako naman ang nagpakahirap ah?!" "My God, Lea. Naririnig mo ba ang sarili mo?" Nanlalaki ang mga mata niya. Humahangos na ako. Pinagsisihan ko rin agad ang mga lumabas sa bibig ko. Why am I becoming stupid? "This is the reality of life, Lea. Minsan kailangan mo huminto para tanawin kung gaano kana kalayo mula sa unang hakbang mo. Ikaw kasi hindi pa tapos yung ngayon, yung kinabukasan na agad ang iniisip mo." sermon niya pa Denice may be lucky go lucky person, pero ang totoo mas deep ang understanding niya sa buhay kaysa sa akin. But still, hindi niya nauunawaan ang pinanggagalingan ko. Magkaiba kami. Total opposite. "Denice, magkaiba tayo ng estado sa buhay at pamilya. Ikaw kahit di ka magtrabaho, ayos lang. Hindi tayo magkatulad." Nagpakawala siya ng buntong hininga saka ngumiti na may pagkairita. "Ako pa talaga ang hindi makaintindi sa 'yo? Eh alam ko nga kung bakit ganoon ka ka-desperada na pumasa at maging successful. The truth is, ginagawa mo iyan para sa Dad mo. Am I right? Huh?" Napaiwas ako ng tingin pero pinilit niyang harapin ko siya. Minsan nakakairita rin talaga siya. "So what kung ginagawa ko nga ito para sa kaniya? Masama ba kung gusto kong ipakita na kaya kong maging successful kahit wala siya? Mali ba na gusto kong lamangan ang yaman ng babaeng dahilan upang iwan niya kami? Mali ba na gusto kong umangat para sila naman ang titingala sa amin? Mali ba iyon? Masama ba iyon?" Pinipigilan kong magtaas ng boses habang ibinubulalas kay Denice ang sagot sa tanong niya. Ang sakit kasi e, ako na yung nasa baba pero bakit ako pa ang mas pinahihirapan? Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang mga luha ko. Ang sakit parin sa tuwing naaalala ko ang araw na mas pinili ni Daddy ang babaeng iyon kaysa sa amin. Kaya masama ba kung gustong maging matagumpay para ipakita kong sino ang tinalikuran niya? Pinunasan niya ang pisngi ko saka saglit akong niyakap. "Sorry Lea.. Ayoko lang naman na maulit pa ang ginawa mo kanina. Masiyado ka nang na-obsess sa pangarap mo. Susuportahan kita sa pangarap mo, but please take it slow. Hmm?" Hindi ko magawang sumagot dahil ang puso at isip ko ay isa lang ang alam. Gagawin ko ang lahat para lang magtagumpay, hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita ang pagsisisi sa mukha ni Daddy. Kinuha niya ang kamay ko saka tumitig ng diretso sa akin. "We only live once. So please, wag kang mabuhay sa galit at paghihiganti. It will never be worth it. At alam mo ba, pag nandoon kana sa point na inihihinga mo na ang huli mong paghinga, ang masasayang memories lang yung maaalala mo. Look at me, I maybe mababaw or happy go lucky person. But I am living my everyday life to the fullest. Sa tingin mo ba magiging masaya ka pag natupad mo na ang plano mo?" Napatameme ako sa mahaba niyang litanya. This is the very first time na nagsalita siya ng heartfelt talaga. Nakukuha ko kung saan siya nanggagaling, Denice is a cancer survivor. She experienced a life and death situation kaya naman araw araw siyang nabubuhay na parang iyon na ang huli. "Ang drama ko tuloy, ikaw kasi e nakakatakot kaya yung ginawa mo. Nakakabahala na. What if may kasunod pang failure? Ano magpapasagasa kana? Gaga ka talaga, ang sarap kaya mabuhay." Nagulat pa ako noong makitang umiiyak na siya. Sobra ko siguro siyang napag alala at natakot dahil sa kahibangan ko kanina. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang likod. Napaka-halaga ng buhay para kay Denice. "Don't worry hindi ko na uulitin yun, promise. At saka pag iisipan ko yung mga sinabi mo. 'Wag kana umiyak, love ko naman ang buhay ko e." Pareho kaming nagpupunas ng luha noong magkalas kami sa pagkakayakap. Gustong gusto kong iabsorb ang lahat ng positibong salita na binibigay nila sa akin, pero sa tuwing maiisip ko ang pangarap at oras hindi ko maiwasang magbreakdown. Paano ko ito sisimulan? Paano ko haharapin ang kahihiyan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD