CHAPTER 7

3414 Words
LUNA'S POV: Pagkababa namin sa flying carriage... isang napaka-ganda, napaka-engrande att napaka-sosyal na Phasellus ang bumungad samin. Ibang iba ito noong pumunta kami dito nung Biyernes. Talagang pinaghandaan. Ang pinaka-gate ng Phasellus ay sobrang linis hindi katulad nung nakaraan may kakaunting lumot. Ang dalawang demonyong bantay sa pagkabilang gilid ay nangingintab sa sobrang pagka-silver. Ang shield sa pinaka-gitna ang siyang walang pinagbago. Malinis ito noong una rin naming kita. Hindi katulad 'nung nakaraan. Automatic na nakabukas na ang gate kaya malaya kaming nakapasok agad sa school. Katulad namin ni Lucy may nakakasabay na din kaming pumasok na kapwa estudyante dahil sa uniform na suot nila na kapareho namin. Papasok na kami ni Lucy sa loob.. pero bago yun lumingon ulit ako sa likod ko. Hindi kalayuan samin ay may nagsisiba-baan na din na lumilipad na karwahe. Katulad na katulad din ito ng sinakyan namin ni Lucy. Ito siguro ang pinaka-service namin. Ngayon ko lang napansin ang mga maliliit na puno sa may gilid namin. Hindi ko to napansin dati kasi natataranta ako. Ngayon ko lang talaga napagmasdan ng maayos. Tanaw sa kinatatayuan namin ang isang napakalaking pintuan. Dito na ata yung school. Sa totoo lang hindi pa talaga kami nakakapasok sa loob ng Phasellus dahil puro kay Headmaster lang naman ang punta namin. Ang Headmaster's Office ay nakabukod sa Phasellus Academy nasa may parteng kaliwa iyon kung hindi ko nagkakamali. Nakalimutan kong banggitin na pagkalagpas mo ng gate ay eentrada sa mata mo ang pagkalaki-laking banner sa taas. 'WELCOME TO PHASELLUS ACADEMY' "Wowww! Is this really the Phasellus Academy?" "It's huge. Not bad" "Look Lynorr. Look at the tree. That's the Brilthor tree right? Pixies house" "Shut up Annihya. Napag-hahalataang new comers talaga, e" "I really love Phasellus na. It so beautiful" "I guess I will enjoy my four years stay here" Ilan lang yan sa mga bulungan na naririnig namin. Ibig sabihin hindi lang pala kami ni Lucy ang baguhan na nandito. Ayos din. Tinignan ko ang hawak na papel sa kamay ko. Nakita ko 'to kahapon sa kahon na pinadala ni Headmaster. Nung tinanong naman namin si Ma'am Reenham tungkol dito ang sabi niya lang ito daw ang magsisilbing guide namin. Maliit lang ang papel kaya hindi naman mahirap dalhin. Ang nakalagay dito kailangan pagdating agad namin ay dumerecho daw kami sa Ashdrift. Ang tanong nasaan ang tinatawag na Ashdrift. "ALL OF THE STUDENTS IN PHASELLUS ACADEMY! GO TO THE ASHDRIFT NOW! I REPEAT ALL OF THE STUDENTS IN PHASELLUS ACADEMY! GO TO THE ASHDRIFT NOW!" Hindi lang ako ang napahinto ng marinig ang isang boses ng lalaki... kung hindi ang lahat na naglalakad na mga kasabayan namin. "Mind link?" narinig kong bulong ni Lucy. "Huh?" "Kinakausap tayo by using their mind." "Edi wala pa lang nagsalita?" "Meron. Sa isip nga lang natin" "Paano mo naman nalaman?"taka kong tanong. Napangisi naman siya at humarap sakin, "Napapanood ko yung mga ganito, e. Sa Ilang k-drama. You know" Tinapos na namin aming usapan dahil nagsisimula ng maglakad ang ibang estudyante na kasabayan namin papunta ata sa likod na parte ng Phasellus. Mukhang alam nila kung nasan ang Ashdrift. Sinabayan namin sila sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na katulad namin ni Lucy, may sukbit-sukbit din silang malaking bag sa balikat. 'Mga new comers nga' Lahat naman sila mukhang normal gaya namin. Nagtataka lang ako kung may powers din kaya sila? Kung meron? Ano? Gusto ko ng malaman. Hanggang ngayon ay ang kay Lucy lang ang lumalabas. Sabi naman ni Ma'am Reenham, baka late bloomer lang talaga ako tsaka lalabas at lalabas din naman daw iyon kapag kinakailangan. Nagdere-derecho lang kami sa paglalakad at hindi pinapansin ang ilang pagbubulungan ng mga nasa tabi namin. "We're almost there Karin. Get ready" Nagtaka ako sa sinabi nung isang babae. Get ready? Para saan? Mukhang nasagot nito ang tanong ko dahil. "AAAAHHHHHHHHH" Sigaw naming lahat ng may malaking taong lumipad sa itaas namin. Tao ba yun!? Eh mala-higante na ang size ng kadadaan lang sa'min. Nabalik ang tingin ko sa harapan at ito ang bumungad samin. Isang...... Napaka-laki. Napaka-lawak. At napaka-daming tao sa parang Arena. Ito na ba ang Ashdrift? Sobrang daming tao. Ilan ba kaming mag-aaral dito? Libo? Halos sakupin na ng mga estudyante dito ang Ashdrift . Kakasya pa ba kami diyan? Nabaling ang atensyon ko sa isang lalaking papalit-palit ng anyo. Biglang naging Leon. Naging agila. Naging ahas at naging pagong. Anong KLASENG tao yan? Yung isa namang babae ay parang walang habas na kinakain anng metal na tubo na hawak niya sabay dighay ng malakas. Napunta naman ang atensyon ko sa babaeng naka-indian sit sa lumulutang na bag niya? Okay?? Ang we-weird ng ability nila. "MUKHANG NANDITO NA ANG HINIHINTAY NATIN AH. WELCOME TO PHASELLUS ACADEMY' NEW COMERS" malakas na sabi ng isang lalaki sa isang itaas na gusali. Kinakailangan pa tuloy naming iangat ang leeg namin para makita kung sino iyong nagsalita. Hindi siya ang Headmaster. Pero iyon boses niya ang narinig ko sa utak ko kanina. Ibig sabihin siya ang taong iyon? Naka-suot siya ng tux para siguro maging pormal. May hawak siyang microphone at iyon ang ginagamit para makausap kami. "Okay Freevales, go back to your respective lines at nakakahiya sa ating mga panauhin" Wala pang limang segundo ng biglang umayos ang kaninang magulong pila. Kami naman na dumating ay pumunta sa pinaka-dulo dahil doon ang malawak na space. Pumila din kami sa ayos gaya ng pagkakapila nila. Kahit ayos na ang line ay hindi nito nabago na sobrang dami pa rin ang nagkalat na estudyante. Nakakapagtaka lang at parang very well-disciplined silang lahat. Sa school kasi naman pag sinabing pila. Kung saan saan pu-pwesto mga walang manners kung baga. "Mukhang ayos na ang lahat. Pwede na ba kong magsimula?" May nagsabi ng yes, may of course, may go on. Ngayon ko lang napansin na maraming tao sa likod nitong lalaking nagsasalita. Sino sila? Inisa-isa ko ang mga mukha nila. May nakakatakot na itsura. May sopistikadang tignan. May terror na mukha. May mukhang mangkukulam. Meron pang isang lalaki na may nakapalibot na ahas sa leeg. Mga teachers ata sila dito. Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iisa sa mukha nila at nagulat ng makita si. "Ma'm Reenham?" Gulat kong sabi. Napalingon ang mga nasa tabi ko at nagtataka akong tinignan. "Ah- eh sabi ko may Ham. N-nagugutom na kasi ako, e" humawak pa ko kunware sa tiyan ko. Inirapan lang ako ng iba at bumalik na ulit ang tingin sa unahan. "Wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya oh" inis na bulong ni Lucy sa likod ko. "Apology" Hindi na niya ko pinansin at tumingin na lang din sa unahan. Nilingon kong ulit si Ma'am Reenham. Kasama siyang naka-hilera sa ibang mga matatanda na nandoon. Anong ginagawa ng babaeng yan? "Dahil bago ang ilan dito I would like to formally introduce myself. I'm Council Tezrek Domilhar. I'm one of the Head Trainers of Freevales. For those who are under in Eribourne you're lucky coz' you will see my handsome face everday" "Hahahhahah" Eribourne? Parang narinig ko na ang salitang yan. Tama. Yan ang sinabi ni Headmaster na kami daw ay kabilang dun. "Alam kong karamihan sa mga Eribourne dito ay hindi pa familiarize sa Phasellus Academy. Don't worry about that. You have a lot of time para malibot ng buo ang buong eskwelahan." Matamaan lang akong nakikinig sa kaniya. "Hindi na ko magsasabi pa ng kung anong bagay dito. Ma'am Rennham will take care of it and tell all about na kailangan niyong malaman" Si Ma'am Reenham? "For the Freevales Pavv. Alam kong alam niyo na ang gagawin niyo. You already know the do's and don'ts. Sana lang wag na ulit mangyari ang nangyari last year. Sa lahat pa man din kayo ang pinaka sa mga pinaka. I don't want to heard something bad that is all about you. I'm tired seeing your faces in my office. Got that? Pavv?" "YESSSS" Bat parang sinesermunan niya iyong Pavv? "For the Freevales Azmar. My favorite... Stay cool. Wag gagaya sa Pavv. Bad influence. Ha ha ha" "Walang ganunan Council" "Ang daya " "You have favoritism Council Tezrek" "Pshh. Azmar na naman" "Okay Freevales. Calm down. Calm down. Love ko din naman ang Pavv." "Yownnn oh" "Nakss naman Council" "Pero mas mahal ko ang Azmar. Ha ha ha" Tapos nagsimula na namang umingay ang Ashdrift dahil sa angal ng Pavv. "Okay quite na. We are wasting a lot of time. Naiinip na ang Fallenedge. Baka mamaya sumabog ang mga ito ako pa ang pasabugin. So Freevales Fallenedge I don't need to explain everything. But the room of yours will change. Instead in Lothlann you will go to Ecrian. We need to secure your safety because it is not safe anymore in that place. We noticed that the barrier in Lothlann will destroy any moment and we know what is the reason behind that. Ayaw lang namin na may mapahamak." "Avaglade. I hope you will not make any moves to our New Comers, Eribourne. I repeat. No moves to our New comers. Understood?" "YESSSS" Ang dami niyang sinasabi pero wala talaga akong mainitindihan. Nakikinig lang ako kapag sinasabi niya ang Eribourne dahil doon ako kabilang pero bukod don? Wala na. "As you can see, wala dito ang mga Zeffari. They are in mission right now. Baka next week pa sila makarating kaya medyo magiging maayos ang unang linggo natin. For those who didn't know about Phasellus Rules sasabihin sa inyo yon ng trainer niyo kaya makining ng mabuti. Ngayon, you can now go to your respective rooms. And once again Welcome to Phasellus Academy, Eribourne" At bigla na siyang umalis. Nakita ko kung paano inilabas ng iba ang kani-kanilang ability para maka-alis ng mabilis dito sa Ashdrift. Hindi ko pa rin mapigilang humanga. Ang galing lang talaga. "All Freevales Eribourne. Come and follow me" Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Reenham. Ibig bang sabihin isa siyang trainer dito? Ang kaninang punong-puno ng estudyante sa Ashdrift ay parang bulang biglang naglaho. Kami na lang ang nandito. Sa tingin ko mga kapwa ko Eribourne ang mga makakasama ko. Kung tatantyahin ng mabuti, parang umaabot kami ngayon sa mahigit isang daan. Ang dami naman yata namin? Pero kung titignan mo rin kanina walang wala ang isang daan sa halos isang libong estudyante dito sa Phasellus. Wala pa daw yung iba diyan ah. Nakita kong nagsisunudan na ang iba kaya ganun na din ang ginawa namin ni Lucy. Bumalik kami sa dinaanan namin kanina. Nagulat ako ng buksan ni Ma'am Reenham ang dalawang malaking pintuan at bumungad sa harapan namin ang. Ang lugar kung saan pwede mo ng ipang-tapat sa isang palasyo. "Wwooowwwww" Hindi lang ako ang napa-wow kung hindi kaming lahat. "Welcome Eribourne. This is the real Phasellus Academy" Makikita ang isang napakalaking chandelier sa pinaka-itaas na parte ng kisame. May fountain din dito sa gitna. Ang nakakabilib ay ang hugis ng fountain na to. Ito rin yung design na nakita ko sa labas ng Phasellus. Ito yung nakalagay sa pinakataas na building. Isang espada. At mula sa pinakatalim nito ay doon lumalabas ang tubig. May dalawang naglalakihang hagdan sa magkabilang parteng bahagi ng school. Hindi ko alam kung school pa ba ang tawag dito o ano eh. "Let's go. Nasa ikalawang palapag pa ang room niyo" narinig kong sabi ni Reenham. Nagsimula na kaming maglakad sa nakakahiyang sahig ng Phasellus. Purong marmol ito at halos kayang makita ang perpekto mong anyo kapag tumingin ka. Daig pa ang isang plain mirror. Nakakamangha. Nasa ikalawang palapag daw ang room namin kaya kinakailangan pa namin umakyat sa sobrang linis na hagdan. Ako na ang nahihiyang umakyat dahil sobtang linis talaga. Nag-aalala ako na baka madumihan ko. This is really magical. Inakyat namin ang mahabang hagdan ng Phasellus. At habang binabagtas namin ang pataas hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng ilan. Halatang namamangha din sila gaya ko. Hindi ko sila masisisi dahil talagang nakakamangha. Kahit saang parte ka tumingin. Lahat kumikintab. Lahat malinis. Lahat ng nakikita ay parang hindi kapani-paniwala. Sa wakas na-akyat nadin namin 2nd Floor. Saka ko lang napansin na may dalawa pang hagdanan sa may bandang kaliwa. Ibig sabihin may 3rf Floor pa? Ilang saglit la kami naglakad at tumigil kami sa harapan ng isang room. 'DUSKENDALE' Yang ang nakalagay sa itaas ng pintuan. Ibig sabihin ay Duskendale ang pangalan ng room na to? "Hahatiin ko kayo sa lima dahil 150 kayong lahat." Napalingon naman kaming lahat sa kanya. "Let's start from you. Count 1" Nagsimula na kaming magbilang at ng matapos hanggang 150 ay saka siya nagpaliwanag. "Ang numbers 1-30 ay sa Doveshire. Ang 31-60 ay sa Duskendale. 61-90 ay sa Suilwen. 92-120 - Silverkeep. At ang 122-150 ay sa room ng Rhaunar." 45 ako. 46 si Lucy. Ibig sabihin sa Duskendale kami. "Come on. Pumunta na kayo sa mga room niyo. Magkakalapit lang yan. Faster." Mabilis kaming pumasok ni Lucy sa Room ng Duskendale. Walang katao-tao parang kami pa lang ang unang papasok dito. "Tara dun tayo Luna" Pinili naming ang upuan sa may bandang likod. Ang room namin ay parang ordinaryong room lang. Parang yung sa mga Universities. Umupo na rin yung iba naming kasabayan. Tahimik lang sila kaya tumahimik na lang din kami. Nakakahiyang magsalita sa ganitong klase ng sitwasyon. Ang awkward. Napag-usapan pa man din namin ni Lucy na magiging maingat kami habang nasa loob kami ng Phasellus lalo na at hindi namin alam kung ano ang kakayahan nila at lalong hindi namin alam ang kakayahang meron kami. Baka kasi mapahamak pa kami kaya mabuti ng nag-iingat. "Ang tahimik" Hindi ko mapigiling ungas. Hindi ako sanay sa ganitong atmosphere. Mukhang kumpleto na kami kasi occupied na lahat ng seats. Hinihintay na lang namin dumating iyong trainer daw namin. Napalingon ako sa babaeng nasa unahan namin ni Lucy. Siya ang pinakakakaiba. Paano ang tenga niya ay mas mahaba kaysa samin hindi lang pala ang tenga niya ang kapansin pansin kung hindi ang height nito. Kahit nakaupo ay maliit siya. Nasa tatlo o apat na talampakan lang ata to. Ano ba siya? Elf? Dwarf? Nakayuko lang siya at hindi nagsasalita. Hindi na ko nakatiis at kinulbit siya. Halata ang paninigas nito ng kulbitin ko ang balikat niya. Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Lumingon lang pero hindi nagsalita. "Hi, ang tahimik mo naman. Alam ko naman tahimik talaga dito pero ikaw kasi ang parang pinaka-walang kibo. Wala ka bang kasama?" Usal ko. Hindi man lang niya magawang tignan ako sa mata. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo? Pero bago yun ako nga pala si Luna Nargorthon at ito namang katabi ko si Lucy Lasinley" Ayaw niya talaga akong kibuin. "Luna, wag mo ng kausapin. Baka biglang dumating na amg teacher natin" Sa halip na sundin mas kinulit ko pa tong cute na babaeng to. Ang cute kaya ng tenga niya. "Hindi ka ba marunong magsalita? Ayos lang yan ako nga natuto lang magsalita ng tuwid nung 6 years old ako kaya naiintindihan kit------" "A-ako s-si T-tamrin C-c-ciscra. N-nice t-t-to m-meet y--you L-l-una" "Hi Tamrin. Nice to meet you" inilahad ko ang palad ko para pormal man lang kaming magkakilala. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko pero nginitian ko lang siya. Ako lang ang nagsasalita sa classroom. Kaya boses ko lang ang maririnig mo. Kakausapin ko na sana ulit si Tamrin ng biglang pumasok ang isang lalaki sa classroom. Napalingon kaming lahat sa kaniya. Siya yung may nakasakbit na ahas sa leeg. "Hey Duskendale Eribourne. I'm Sir Vadim Graffuie." Derechang sabi niya at pumwesto sa pinaka-gitna. Ngayon ko sobrang napagmasdan si Sir Vadim. Malaki ang pangagatawan, kitang kita ang tattoo niya sa leeg. Hindi ko lang mapin-point kung anong klase ng tattoo meron siya. May patubong bigote at balbas sa mukha niya, may suot siyang parang jacket o vest. Ang alam ko may suot ding jacket si Ma'am Reenham. Iyon na ata ang pinaka-uniform ng mga teachers dito. Ako lang ba ang nakakapansin o parang nakakatakot talaga siya? Iba ang klase ng pagtingin ang ginagawad niya samin. Hindi siya nagsasalita at tinitignan lang kami isa-isa. Bakit hindi pa siya mag-discuss? Mauubos lang ang oras namin dito kung hindi pa siya magsisimula. Tinignan ko ang table sa unahan. Wala ba siyang lesson plan? "Okay let's start from you. Tell all about yourself. Your name. Your ability. Where family did you came from. How did you get in here. ALL!" Turo niya sa lalaking nasa pinaka-unahan. Hambog namang tumayo ang lalaki at maangas na naglakad papuntang gitna. Si Sir Vadim naman ay pumwesto sa likod. " I'm Kagran Hendas. 18 years of age. My ability? I can shift into wild and dangerous animal. I'm a type of person who don't want any kind of noise. I came from a well-known family of Hendas and my great grandfather is the former trainer of this school." Sabi niya. So kaya niyang mag-transform bilang hayop? Parang katulad pala niya ang nakita ko kanina. Shifter. "Oh! So you're the grandson of Mr. Kanghd Hendas. You must be great I guess. I'm looking forward to you then." Napalingon ako ng magsalita si Sir Vadim na derechong nakatingin lang kay animal shifter boy. "Thanks" iyon lang at umupo na siya. "Next" Dahil nasa pinakahuli pala kami ni Lucy ay huli din kaming magsalita. At ...Wala pa kong naiisip na sasabihin. "I'm Shanrylian Corry from the family of Corralia. I can turn bubbles into a bombs so beware. Got that b*tches?" Maarte at mabilis lintanya niya at kekembot kembot na bumalik sa upuan. "I'm S-snowleeigh M-millstone. I have the a-ability to t-turn e-everything i-into i-ice. 16 y-years o-of a-age. I w-wish w-we can be f-friends a-all. A-and p-please take care o-of me" "Woaahhhhh" "Millstone? That family is really great" "She may look shy but she's one of a hell'a strong here. I guess" "We need to be careful on that girl especially that she is Millstown" Bakit bigla naman ata silang natakot dun sa babaeng kayang mag-turn ng ice? Kung tutuusin parang ang cool niya. Malapit na pala ang turn ko, si Tamrin muna susunod tapos si Lucy tapos ako. Naglakad ng nakatungo si Tamrin sa unahan. Tama nga ako maliit lang siya. Halatang sobrang mahiyain pa niya. "I-im T-t-tamrin C-ciscra. I-im a-a -a h-healer. A-as y-you c-can s-see I-im f-from t-the f-family of d-dwarfs o-or e-elves. P-please b-b-be n-nice t-to m-me" Walang salita ang hindi siya nautal. Sobrang mahiyain. "Weak" narinig kong bulong nung isang babae. "Next" si Sir Vadim. Nakita ko kung paano manginig ang bawat daliri ni Lucy kaya hinawakan ko siya sa balikat bago tumayo. Pampa-lubag loob man lang. Alam kong kinakabahan siya. Pero mas kinakabahan ako. Hindi ko nga alam kung anong ability sasabihin ko, e. Sa wakas at nakarating na din siya sa unahan. Malakas siyang bumuntong hininga at saka nagpakilala. "M-my name is Lucy Lasinley. 17 years old. I don't really know what exactly my ability or powers. But I think I can sense danger gaano man ito kalayo. Even if it is 1 kilometer far away. Or two. Or three. I can smell it right away. I agree to study here because I know, myself that I'll learn a lot. So please, teach me well" Hindi lang ako ang napahanga ni Lucy sa sinabi niya kung hindi ang lahat ng nandito. "Can she be the Oracle?" "I guess so. She said that she can sense danger daw eh" "Her ability is very rare." "Woahh! I can't believe that. She must be powerful" Mas lalo akong kinabahan sa naririnig ko eh. Ano bang pwede kong sabihin? "N-next" Dahan-dahan lang akong naglakad sa unahan at ng makarating sa gitna ay lalo akong na-presssure. Lahat sila nakatingin sakin. "You can start" si Sir Vadim Eto na. Nagpakawala na muna ako ng isang malakas na buntong hininga at mariing pumikit. Ng pakiramdam ko ay unyi unti ng nawawala ang kaba ko nagsimula na akong magsalita. "Erm. Luna Nargorthon. 17. M-my power is unknown like Lucy and I don't have any idea about it at all, but I will look for ways to find it. At habang nandito ako sa paaralan na ito I will not waste time for such thing and make it meaningful. A-and p-please treat me well" Hindi ko napansin na medyo napalakas pala ang boses ko kaya napalunok ako. Hindi naman siguro nakakahiya iyon diba. Hexk. "Okay Ms. Nargorthon. You can now take your seat" saad ni Sir. "Ahm t-thank you". Malakas akong bumuntung hininga dahil sa nangyari. Nginitian naman ako ni Lucy na sinuklian ko din agad. Sana lang maging maayos ang lahat. .......... A/N: Another boring chapter.. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD