LUCY'S POV:
I believe that there are two type of friends in this world. Una, mga kaibigan na mabait pag kaharap ka. Iyong pupuriin nyo ang isa't isa para maging magkasundo kayo pero pag hindi mo na nakikita ang mga mukha nila saka ka sasabihan ng masasakit na salita.
Pangalawa, iyong tipo ng kaibigan na lalaitin ka, sasabihin sayo lahat ng hindi kaaya-aya na salita para masaktan ka.
Kung papipiliin ako sa two type of friend na yon I'd rather choose the second one dahil ganoon kami ni Luna. We say hurtful words towards each other pero hindi iyong offensive.
Pero..
Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong klase ng bagay gayong nagsisimula na ang klase? Palibhasa nagra-rambulan na ata ang brain cells ko sa utak kaya kung ano ano na lang ang iniisip ko.
Itinuwid ko ang upo ko at saka nakinig sa mga sinasabi ni Sir Vadim. Naalala ko kaagad ang pangalan niya dahil sobra ng kakaiba. Well, halos lahat ata ng naririnig kong pangalan dito ay mga hindi pamilyar.
"You cannot use your ability if it is not needed. You're just allowed kapag sinabi namin." Si Sir.
"Sir" may nagtaas ng kamay.
'Sino nga ba ang isang to?'
"Yes?"
"What if kung may ability na hindi kayang pigilan like nung kay Lucy Lasinley. Those ability are present everytime right?"
'Dinamay pa ko.'
"That's different issue. Kaya nga nandito kayo para mahasa ang bawat ability niyo. We will make sure na hindi kayo aalis sa school na to ng walang natututunan"
That's good.
Ayokong mawalan ng saysay ang pag-aaral namin ni Luna dito.
"Since this is the first day of your school. Puro demostration lang ang gagawin natin. Kaya wala tayong masyadong gagawin"
"Sir question"
"Yes?"
"Ano pong ituturo niyo samin? Or anong klase kayo ng teacher?"
Her question make sense.
"Hmm. I am your teacher in History at the same time in Hand-to-hand Combat. If you're asking what kind of history. Ituturo ko lang sa inyo ang pinaka-history ng school natin. Ng bayan. Ng Pyreacre. Ng Brickelwhyte. Lahat ng may kinalaman sa lugar na to. Mamayang hapon ang combat training pero gaya nga ng sabi ko wala tayong gagawin ngayon. Mas magandang gawin niyo ay maglibot. Familiarize Phasellus Academy for you not to get lost. Understood?"
"YESSSS" kaming lahat.
"Before I forgot. This year will be the special one. We were having the Summoning Dragon in the first month. Summoning Pixies after we summon dragons. And last, we we're having the Dueling Combat between the Eribourne, Pavv, Axmar, Fallenedge, Avaglade, and the Zeffari"
A-ano daw?
"Really?"
"My God! I'm not prepared."
"Ibig sabihin makakalaban natin ang limang main at sub division?"
"I can't believe this. Baka mapatay ako ng Zeffari"
"I will practice my ability hangga't maaga pa. I'll make sure na hindi ako matatalo"
"Okay Freevales, calm down. Calm down. Matagal pa ang Dueling Combat kaya marami pa kayong time"
Isang Duel?
Teka nga...
"SIR! SIR!" Sigaw ko at itinaas pa ang aking kamay ng bonggang bongga.
May gusto lang akong malaman tungkol sa duel duel na yan.
"Yes?" Tanong ni Sir Vadim.
"Anong combat yun sir? May premyo ba dyan ha?"
Nakita ko sa peripheral vision ko na pa-face palm si Luna. Narinig ko din ang ilang bungisngisan ng mga kaklase ko ng marinig ang tanong ko.
Nagtaka tuloy ako. May mali ba sa sinabi ko.?
"E-ehemm. Of course. There's a price for those person who will come to the last part of-----"
"ANONG PREMYO?" Mas malakas na sigaw ko.
Sa totoo lang kung totoo yung mga napapanood kong anime. Pag may laban syempre may premyo diba? Parang 'yung sa ghost fighter lang.
"Actually, it depends on you. You are the one who will decide what price do you want t-----"
"WEHHH?"
Depends on us daw? So pag sinabi kong gusto kong maraming pera sila na bahala?
"HAHAHHAHAH" umalingawngaw na ang tawanan sa room namin.
"We are not kidding Ms. Lasinley. I assure you that"
"Hehe. Okayy" alanganin kong ng it I.
∆ ∆ ∆
"Wooooowwwww"
Hindi talaga kami tinitigilan ng Phasellus na gulatin kami. Dumaan na ang dalawang oras kaya kailangan lahat ng estudyante ay nasa Hall na. This hall will serve as our Breakfast, Lunch and Dinner hall. Dito kami dederecho kapag kailangan naming kumain.
Napaka-laki ng Hall na to .As in kapag sinabi kong malaki. Malaki talaga. Parang ganito yung sa Harry Potter, e. Kaso mas malaki talaga to. Triple ang size. At siguradong kakasya kaming lahat dito.
May tatlong chandelier sa itaas. Mas lamang nga lang ang chandelier sa gitna. Sobrang makinang. Anim na mahahabang table ang nakalagay dito at nakahanda na ang sobrang dami ng pagkain. Nakakapagtaka lang dahil iba iba ang kulay ang gamit nila.
White.
Orange.
Red.
Blue..
Violet.
At ang last naman ay mixed color ng Gold at Black. Bakit yun lang ang naiiba?Ang White table at Orange table pa lang ang kompleto dito.
Naalala ko ang sabi ni Sir Vadim na ang table daw ng Eribourne ay kulay white kaya doon kami dumerecho sa white table ganon din ang iba kong mga classmate.
Nagtaka ko ng nagpalinga-linga si Luna na parang may hinahanap. "Huy. Bakit ba naga-ala giraffe yang leeg mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya man lang ako nilingon at nagpatuloy pa rin sa kakalinga.
"Hinahanap ko si Tamrin. " I sighed.
I felt that Luna wants to have more friends. I-ibig sabihin ayaw niya na kong maging friend huhu. Sa isiping yun parang gusto kong maiyak. Paano pag iwan niya ko tapos maging iba na yung bestfriend nya.
Oh noes..
"Ayun siya oh" busangot kong saad sabay turong kay Tamrin na kakaupo pa lang.
Mabilis siyang lumingon at tumakbo sa kinaroroonan ni Tamrin. "Hi Tamrin" masayang sabi ni Luna at umupo na sa katabi niya.
Huhu. She left me..
ಥ⌣ಥ
"H-hi"
"Alam mo ang kyut kyut mo talaga Tamrin lalo na ang tenga mo " si Luna.
"T-thanks. I-ikaw pa l-lang ang unang n-nagsabi niyan"
"Seriously?"
"O-oo eh"
"Edi mabuti din pala yun kung ganun. Oh pano ba yan Tamrin. Kaibigan ka na namin ah?"
('◉⌓◉') --- si Tamrin
"A-ako?"
"Oo naman."
"Diba Lucy?" At nilingon pa ko.
"Yoko nga" Sabi ko sabay irap.
Hinarap niya naman ako at binigyan ng isang nakakamatayna tingin. Yung tipong parang binabato niya ko ng kutsilyo gamit lang ang mga mata niya.
Napa-pout tuloy ako at nag peace sign. Karibal na kita ngayon Tamrin.
(Insert evil smirk) bwahaha.
Umupo na ko sa tabi ni Luna at hindi na sila pinansin. Saka ko lang in napansin ang pagkain. Maryland Crabcakes, Jambalaya, Corn Bread, Cob Salad, Key Lime Pie, Chocolate Pudding at sobrang dami pang iba.
Seryoso ba silang ipapakain nila samin yan? Eh halos napaka-mamahal ng mga pagkain na yan, e.
Tinignan ko lang si Luna na nagsisimula ng kumain saka muling binalik ang tingin sa mga nagsasarapang pagkain dito. Kumuha na ako ng zillion dollar lobster frittata saka ito sinubo.
My Auntie is a cook kaya marami akong alam na iba't ibang side dishes. Palagi niya kasi akong sinasama sa pagmamay-aring Restaurant at pinapakain ng mga specialty niya doon kaya ang dami ko talagang alam sa pagkain.
Kasabay naming kumain ang iba pang Eribourne at kung hindi ako nagkakamali ay ang nasa Orange table ay mga Pavv. At sa totoo lang ang iingay nila. Napaka-lakas ng bungang------
BAAAAAAAGGGGGGG
Umalingawngaw ang isang nakabibinging kalabog sa loob ng Hall.
Ang kaninang maingay na Pavv ay biglang tumahimik. Ang malilikot na Eribourne ay biglang napatigil. Kahit ang walang tigil kong pagkain ay napahinto pa. Anak ng!!? sino ng ponciong pilato na iyon ha. Sinagabal ang aking paglamon este- pagkain.
Lahat kami ay napalingon sa pintuan.
Apat na tao ang nakatayo sa harapan ng isa pang lalaking ngayon ay naka-lupasay. Ang lalaking nakapwesto sa unahan ay walang emosyong tinititigan ang lalaki sa harapan niya.
'Siya ba ang gumawa niyan?'
Pero hindi yun ang nakapagpahinto sa aming lahat.
Kung hindi ang sobrang lamig niyang boses na nakapanghindig balahibo sa bawat parte ng aming katawan . Ang kaniyang boses na nakakatakot na para bang hinukay pa sa pinaka-kailaliman ng lupa.
"Pathetic"