LUNA'S POV:
"Oh pano ba yan hanggang dito na lang ako. May iniutos pa kasi sakin si Mr. Tyvrik kaya dito ko na lang kayo ihahatid. Alam ko naman na medyo malinaw na sa inyo ang nangyayari kaya wag na kayong masydong magulat kung may makita kayong parang halimaw dito o parang multo o para---"
"Ano ba Reenham. Hindi nakakatulong yang pinagsasabi mo. Umalis ka na nga lang dito" singhal ni Lucy kay Ma'am Reenham.
Mukhang mainit ang dugo niya dito, ah.
Limang araw na ang nakakalipas nang mag-stay kami sa bahay niya. Bumalik kami dito sa Phasellus Academy dahil pinapa-punta daw kami dito ng Headmaster.
Time check; 2:36 PM
Friday ngayong araw at sinabi na samin ni Ma'am Reenham na sa Lunes na daw kami magsisimulang mag-aral dito.
"Let's go Lucy . Baka hinihintay na tayo ng Headmaster"
Sabay naming binuksan ang magkabilang pinto ng Headmaster Office at nadatnan namin ang Headmaster na nakaupo lang sa upuan niya.
"Oh Lucy, Luna. I've been waiting the both of you since this morning. Ha ha ha ha"
Ano bang nakakatawa at tawa siya ng tawa?
Ganito pa rin ang office niya. Una ko pa ring nakita ang punong may kulay asul na dahon at may naglalaglagang mga parang glitters. Nakangiti siya samin sabay muwestra sa katapat na upuan niya. Agad naman kaming tumalima ni Lucy at umupo.
"So how was your stay in Ma'am Reenham? Is it good?"Hindi ko alam kung ako o si Lucy ang tinatanong niya pero ako si Lucy ang unang sumagot.
"Hindi. Parang baliw ang isang yun gaya mo. Walang problema sa bahay. Yung babaeng yun lang talaga. Ang amo ng mukha pero palamura. Tapos si Luna lang ng si Luna ang binibigyan niya ng pansin. May favoritism ang isang yun. Nakaka-inis siya" Parang batang sumbong niya.
"Ha ha ha ha ha. Is that so?" Natutuwa niyang saad.
"A-ah. Headmaster, ako naman po walang masydong problema sa pag-stay ko sa bahay ni Ma'am Reenham. I made myself comfortable as what she said." Lintanya ko.
"Hmm. Then that's good." Tatango-tango niyang lintanya.
"A-ah Headmaster. Nakausap niyo na po ba yung magulang ko? Ano pong sabi ni Mom?"
"There's nothing to worry about Ms. Lucy Lasinley. They believed that you are going to enter an International School and they agree to that."
"Woww. Ang galing. Napaniwala niyo si Dad? Kasinungalingan level 9999." Natatawa sabi ni Lucy.
Sabagay kung ako 'yun hindi agad ako maniniwala. International school at biglaan pa. Nakapagtataka na pumayag agad ang mga magulang ni Lucy.
"By the way Ms. Nagorthon, where is your parents? Hindi sila nakausap ng mga inutusan ko kaya ipinagpa-alam ka na lang din sa parents ni Lucy"
Dahil sa sinabi niyang iyon parang may biglang bumara sa aking lalamunan. Magulang?
"Wala akong magulang" saad ko sa mahinang boses.
Hindi ko alintana ang nararamdaman kong simpatya niya at yumuko na lang. Kapag pinag-uusapan ang pamilya pakiramdam ko nagiging outcast ako bigla.
Naiinggit ako sa mga ibang bata o kaedad ko na may matatawag na ina o ama. Palibhasa ni minsan hindi ko naramdaman kung paano alagaan ng isang magulang. Impokrita ako kung sasabihin kong hindi ako nangungulila.
"A-am, So mabalik tayo, ayos na ang lahat. Nasabi na naman siguro sa inyo ni Ma'am Reenham na mag-aaral na kayo ngayon dito starting this Monday. Don't worry about the uniform kasi pinadala ko na yun ngayon ngayon lang kay Mr. Tyvrik sa bahay ni Ma'am Reenham. Tig limang pares kayong dalawa. Complete uniform na yon kaya no worries. From the shoes, boots, bags, training suits and other necessities ay inihanda ko na lahat. "
"Meron pa ba?" Tanong ni Lucy.
"Ang totoo niyan ngayong Monday pa lang talaga ang simula ng pinaka-klase niyo dito. Dahil bakasyon pa rin ang mga estudyante ng Phasellus. Baka bukas ay magsisimula ng magsidatingan ang mga tao dito. And one more thing, may dorm dito kaya bukas pa lang o sa Linggo ay magsimula niyo ng ihanda ang mga gamit niyo kasi may occupied na rooms na para sa mga student" mahabang paliwanag niya.
"Ahm I have a question" si Lucy.
"Ha ha ha . What is it Lucy? Ha ha"
"Ano pong pangalan niyo. Hindi niyo pa kasi samin sinasabi eh"
"Oh my name!! I'm Headmaster Hagalbar Fintis. Call me whatever you want kung saan kayo komportable. Ha ha ha"
"Kahit tanda?" Lucy
Siniko ko ng malakas ni Lucy dahil sa naging saad niya kaya nakarinig ako ng daing galing sa kanya "Bastos" mahinang sabi ko.
"Sabi niya kahit na ano daw, e. Masunurin lang ako" balik niyang bulong sa akin.
Ewan ko lang kung bulong ang ginawa niya kasi parang gusto niyang iparinig sa Headmaster ang pinag-bubulungan namin .
"Ha ha ha. If that's make you comfortable. Then call me that way. Ha ha ha"
"Nakss. Oh yun naman pala eh"
Bumuntong hiningana lang ako at hindi na kinontra siya.
"So kung wala na kayong tanong you can now go back to Ma'am Reenham house. Nasa labas naman si Mr. Tyvrik kaya siya na ang maghahatid sa inyo"
Tumayo na kami ni Lucy. Pero bago tuluyang maka-alis may pahabol pa si Headmaster
"And nga pala kabilang kayo sa Eribourne. Okay. Bye"
At tuluyan ng nasara ang pintuan niya.
Ano na naman kaya anng term na yan? Pansin ko lang na ang hirap i-pronounceng mga salita dito lalo na yung pangalan. Katulad ni Mr. Tyvrik. Akala ko Tayv-rik ang basa hindi pala. Ty-rik daw with silent 'v'.
∆ ∆ ∆
It's Monday.
Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Lunes na kaya ang ibig sabihin unang araw namin sa Phasellus Academy.
"Ano ba Luna pwede bang bilisan mong mag-sapatos? Napaka-bagal mo kahit na kailan" si Lucy na naka-upong pinagmamasdan lang ako. Ang sama ng tingin niya sakin.
Malalim akong bumuntong hininga dahil napapansin ko na palagi na lang mainit ang ulo niya.
Kanina pa siya tapos mag-ayos ako na lang talaga ang hinihinatay niya. Hindi pala.... Binabantayan niya baka daw kasi kung ano-ano na naman ang gawin ko at ako pa ang dahilan ng pagka-late namin.
Pagka-uwi namin dito nadatnan agad namin ang dalawang malaking box sa sala ni Maam Reenham. At tama nga si Headmaster nandoon ang lahat ng mga gamit namin. Nagtaka nga ako kung bakit may damit na nakalagay samin na parang jumper suit. Iyon yata ang training suits na sinasabi niya.
Sa wakas tapos na kong mag-sapatos. Agad akong humarap sa salamin at talagang namamanghang pinagmamasdan ang suot kong uniporme.
Magsimula tayo sa blouse. Hindi pala blouse kung hindi long sleeve. May tigdalawang linya sa magkabilang uniform. Kulay gold ito. Sa kanang bahagi ng blouse ay may nakatatak na P.A pero sa baba noon ay may logo ng Phasellus Academy. Ito yung shield na kulay pula na may parang pakpak sa itaas. Ito din yung nakalagay sa gate ng Phasellus kung hindi ako nagkakamali. May blazer ang uniform ng namin kulay black at may tig isang kulay puti namang guhit sa magkabilang side. Hindi tulad sa panloob ay iba ang nakatatak sa blazer. Shield din to pero kulay gold. Sa gitna ay may stripe pang kulay na white, blue at red. May kulay red din na ribbon sa blouse. Ang palda naman sa suot namin ay kulay blue. Dark blue. At 2 inches above din ito.
Ang itim na medyas naman namin na lumagpas hanggang tuhod na may nakaguhit na dalawang puting linya vertically. Parang ganito yung uniform ng mga napapanood ni Lucy sa K-drama. Pero all-in-all komportable naman siya. Akala ko magiging mainit siya sa balat pero hindi naman.
"Oh ano tapos ka ng pagpantasyahan yang uniform?" Nakataas na kilay na tanong ni Lucy.
"Bilisan mo na diyan at baka ma-late pa tayo"
Umalis na siya sa harapan ko dala-dalaa ang isang malaking bag at sinukbit iyon sa balikat niya sabay labas ng kwarto.
Ang dami dami pa naman naming oras pero nagmamadali na siya. Sabagay kanina pa siya naghihintay
"LUNA NYEMAS NAMAN OH."
Taranta ko namang kinuha iyong malaking bag ko din na naglalaman ng mga pinadala ni Headmaster at mabilis na ring lumabas.
"Tara na nga" sabay hila sa braso ko.
Pagkalabas namin ng bahay ay bumungad samin ang--- ang---
ang....
...
"Karwahe?" Ako.
"Walang driver?" Tanong ko parin.
"Sabi ni Reenham flying carriage daw iyan. Hindi daw tayo magsasa-sakyan ngayon kasi yan yata ang pinaka-service ng mga estudyante. Kaya tara na. BILIS"
Pagka-sakay namin ni Lucy ay mabilis na lumipad papahimpapawid itong flying karwahe daw. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Kung kinakabahan ba ko. Kung masaya ba ko. Kung natatakot ba ko.
Pero isang pakiramdam ang nangibabaw sa sistema ko.
"NAE-EXCITE AKO"
..........
A/N;
Headmaster Hagalbar Fintis on the Multimedia.(photo_not_mine)
Phasellus' School Uniform
___
/
/
.