LUCY'S POV:
"You will stay here until next week. Bale isang linggo na muna kayo dito para makapag-adjust. I know it's really hard to accept na may ganitong nage-exist na school. We are not forcing the both of you naman to believe in this kind of sh*t. Ha ha ha. Just enjoy your stay here in my house. Tawagan niyo lang ako kung may kailangan at dadating ang maganda niyong si Ma'am Reenham. Oh! and nga pala mamayang dinner ko sasagutin ang lahat ng tanong na nasa isip niyo. For now, just rest or sleep or whatever basta magpahinga kayo. I know that you are tired. Okay?" Mahabang usal niya at walang ano-anong biglang naglaho sa harapan namin.Ang amo ng mukha niya pero nagmumura. Sayang.
Kung hindi lang nangyari sakin 'yung kanina paniguradong maglulupasay ako ngayon dito sa takot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit ba kasi nagka-ganito?
Nilingon ko si Luna sa tabi ko. Tahimik lang siya pero mahahalata mo sa mukha niya ang pagtataka, pagkagulat, at pagkalito.
I sighed in frustration. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang dami kong iniisip.
Yung pag-aaral namin ni Luna. At sina mom and dad. Wala silang kaalam-alam na nandito kami sa hindi kapani-paniwalang lugar na hindi mo alam na nag-eexist pala. Ano na lang ang mangyayari sa'min nito.
Kinulbit ko si Luna, "Ano kaya pa? Hehe"
Hindi niya magawang tumawa sa joke ko. Nakakunot lang siyang humarap sakin. "Ano sa tingin mo?"
Naiintindihan ko siya.
"Tsskk. Kahit ako naman eh. Hindi ko alam kung pano tayo makakabalik satin. Ni hindi ko nga rin alam kung saan bang lupalop ito ng Pilipinas."
"Mas nag-aalala ako sa mga magulang mo Siguradong hinahanap na nila tayo"
"Itanong na lang natin dun kay Reenham ba yun? Tama ba Reenham?" Tanong ko.
"Yeah. Ma'am Reenham" walang kabuhay-buhay na sagot niya.
"Oh edi itanong na lang natin mamaya sa kanya yun. Wag ka ng masyadong mag-alala diyan Luna. Pinapangako ko sayo na makakabalik tayo satin. Okay?"
Pilit kong pagpapanatag sa kanya pero mukhang hindi yata nakatulong sa kanya yun dahil lalong mas kumunot ang may pimple niyang noo.
"I wish"
*(FAST FORWARD)*
DINNER
Nasa harapan namin ngayon si Reenham. Naghahanda ng pagkain. Siya lang ang nag-aasikaso samin ngayon. Pinagmamasdan ko siya habang pinapalutang niya ang mga plato sa harapan namin at marahang nilalapag sa lamesa.
So anong kapangyarihan niya? Levitation? Pero kanina naglaho siya diba? Edi marunong din siyang magteleport?
"So anong gusto niyong ulam? Cioppino?Chicken Fried Steak? Biscuits 'n' Gravy? Fajitas? Come on! Wag na kayong mahiya. Kain lang kayo diyan. Ang dami ng pagkain oh. Ako pa man din nagluto"
Siya----- ^_^
Napangiwi ako doon. Ano ba tong mga pagkain na to? Parang delikadong kainin.
Kumuha si Luna nung parang pork kaya ganun din yung kinuha ko. "So. What do you want to ask? Magtanong na kayo." Siya habang nakangiting nakaupo sa harapan namin ni Luna.
"A-ahermm. Una, nasang parte kami ng Pilipinas?" Ako na ang unang nagtanong.
"Pffftt- hahaha. Wala kayo sa Pilipinas iha. Haha"
Nagulat kaming napabitaw ni Luna sa kutsarang hawak namin.
"A-ano kamo??" ako at si Lucy.
O_____o
"Nandito kayo sa lugar ng Pyreacre specifically sa Brickelwhyte. Wala kayo sa Pilipinas. You are in different dimension. Para di na kayo magtanong diyan ng kung ano-ano, I will tell all about this place. So sabi ko nga this place is called Brickelwhyte. At ang nakita niyong school kaninang umaga ay Phasellus Academy also known as the School of Magics, Witchcraft, Sorcery, and such. Malalaman niyo na lang 'yun kapag nag-aral na kayo dun sa school na 'yun. And mabalik tayo sa Pyreacre. Pyreacre was divided into 7 division: Anfauglith, Aquarin, Wintergale, Wolfsrealm, Vertrock, Brickelwhyte and Taur-in-duinath. I won't tell about the difference of that 7 division coz' I'm sure sasakit lang ang ulo niyo. Pero sinabi ko na sa inyo ang basic info ng Pyreacre para may alam naman kayo kahit papaano.." she paused.
"At kung tinatanong niyo kung bakit napunta kayo dito sa Pyreacre? I really don't know the specific explanation but I'm sure. You have powers na nababagay sa eskwelahan na nandito. Hindi naman kasi kayo dadalhin o kukuhanin ng Irragin kung wala kayong abilities, e. Nasaan ka mang lupalop ng mundo kapag na-detect ng Irragin na iba ka at hindi normal kukuhanin ka niya agad-agad-----"
"W-wait... Wala akong mainitindihan sa mga sinasabi mo. Pero ano ba yung Arigin na yan?" Tanong ko.
"Irragin Lucy hindi Arigin. Halatang di nakikinig eh. Tskk"
"Whatever. Ano nga 'yun?"
"Irragin. This is what we called the Finder. Finder kasi.. siya ang naghahanap ng mga kagaya niyo na kakaiba"
"Anong kakaiba? Kayo!! Kayo ang kakaiba."
"Tch. Wether you like it or not kapag nahanap kayo ng Irragin. Isa na kayo samin" siya
"E, ano nga ba kayo?" Si Luna na mukhang nagkakaroon na ng intereste sa kinu-kwento nitong si Reenham.
"As I was said earlier this place is far from what you've expect. People lived in this place are most likely witches, wizards, sorcery, vampires, werewolves, oblins, monsters and especially the elemental users".
What?
"Ang Phasellus Academy na papasukan niyo next week ay ang School of Magic. Alam niyo na naman 'yun diba? Ito ang humahawak sa mga taong may iba't ibang klase ng abilities----"
"T-teka teka t-teka nga. Bat ba kami papasok sa school na yun? Wala namang espesyal samin ah? Wala kaming kapangyarihan. Wala kaming magic----"
"Hayy naku. Di ka ba nakikinig? Ang sabi ko pag dinala kayo dito ng Irragin. You are automatically one of us."
Naguguluhan na ko.
" I just want to ask something Ma'am Reenham. Paano namin malalaman kung ano o sino ang Irragin na siyang nagdala samin dito?"
Nilingon ko si Luna na nagtanong. Hindi na siya kumakain ngayon at seryosong nakikinig na lang sa kwento ni Reenham. Himala. Nagkaron na yata siya ng interes dito.
"Nice question Luna. but the truth is walang nakaka-alam ng totoong form ng Irragin. Papalit-palit ito ng anyo. Minsan hayop. Minsan bagay. At minsan tao. Like for example, nakakita ka ng bola at kusa tong gumalaw papunta sa kung saan. It means that nagchange ng form ang Irragin into a ball. Ginagawa niya yun para sunda--------"
"OH MY GOSH! I REMEMBER LUNA KUNG SAAN KO NAKITA YUNG IRRAGIN NA YUN" Nagulat silang dalawa ni Reenham sa bigla-an kong sigaw.
"Huh?"
"Remember nung pumunta tayo ng National Bookstore? Yung hapon ng uwian ng dahil kay Gerald? Natatandaan mo yun? I remember nung namimili ako sa Book Section may isang libro na paulit-ulit kong nakikita sa kahit na anong parte doon. Sa Romance Novels, sa Action Novels, sa Adventure Novels. Lagi kong nakikita anng libro na yun" gulat na sabi ko sa kanya.
Hindi kaya. Yun yung arigin?
"A-ano bang libro?"
"Yung libro na tinapon mo sa basurahan ko. Sabi mo pa nga walang kwenta kasi walang laman na kahit na anong words diba? Natatandaan mo na?"
"Ibig sabihin hindi pala aksidente na napunta kami dito sa lugar niyo?" Tanong ni Luna.. At humarap kay Reenham.
"SA WAKAS! MAY NAKAINTINDI DIN SAKIN. NYAHAHHA" Masayang sabi ni Reenham
Baliw din ata ang isang to.
"Tama ka Luna. Siguro nga hindi niyo pa alam ang meron kayo ngayon.. pero siguradong lalabas yan sa Phasellus Academy."
"Pano naman ang naiwan namin sa bahay namin. Yung Mommy ko, si Daddy. Pano kung hanapin nila kami?" Nag-aalalang tanong ko.
"Don't worry about that iha. The Headmaster will take care of it sasabihin na lang namin sa magulang niyong dalawa na may isang International School na gustong doon kayo pag-aralin."
^_^. ------ Siya.
"My father won't believe that lies. Hindi maniniwala yun agad-agad lalo na't bigla kaming nawala ng parang bula sa baha------"
"Then we don't have a choice but to use our powers against them." Serysong sabi ni Reenham.
"YOU WILL KILL THEM????" Galit na sigaw ko.
"Of course not iha. We don't do that kind of sh*t. Aalisin lang namin ng temporary ang ala-ala nil---"
"NO!! YOU WILL NOT DO THAT TO MY PARENTS"
Napa-buntong hininga naman yung isa.
"Hayyy naku. As I was saying gagawin lang naman namin ang bagay na yun kapag wala kaming choice. Pero kung sigurado ngang di sila maniniwala we will do our best para ipaintindi sa kanila ang nangyayari"
Unti unti kong naiintindihan ang pinupunto ni Reenham kaya agad din akong. huminahon.
"Ang amin lang naman kinuha kayo ng Irragin at dinala dito. Hindi para gawin ang kung ano-ano. Dinala kayo dito para mahasa at maggamit niyo sa tama ang meron kayong kakayahan. Lalo ka na Lucy. Naramdaman ko na naggamit mo na ang isa sa abilities mo"
Wehh?? Ako??
Di nga?
Kahit si Luna nagulat din.
"Ilapit mo ang ulo mo sa kamay ko. May gusto lang akong makita"
Sinunod ko ang sinabi niya. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng ulo ko. At ilang minuto pa ay tinanggal n din niya.
"Sa gubat mo unang nagamit ang ability mo diba? You sensed that there was an incoming danger kaya dali-dali kayong umalis sa pwesto niyo. Another is nung nasa Ethermoore Forest kayong dalawa.. Same ability. Kaya nakapagtago kayo agad sa mga Elemental Users na naghahanap sa inyo. Right Lucy?"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nitong si Reenham. Naalala ko nga iyon. Yun ang time na kumukuha kami ng litrato para sa assignment namin. Pati na rin sa sinasabi niyang forest.
"T-that"
"I know that you can feel it to Lucy. Don't denied it"
Bigla namang sumingit si Luna.
"Sabihin niyo nga sakin kung anong pinag-uusapan niyo? Nakakahiya naman sa inyo? Kayo lang nagkaka-intindihan."
Sabay namin siyang nilingon.
"Ipaliwanag ko man ang punto ko. Di mo rin maiintindihan kasi slow ka. Hahahaha"
"Hahahha. Just kidding Luna. Ang sinasabi ko lang naman.. itong si Lucy ay may hidden powers kung baga na lumalabas kapag kailangan"
"So ibig sabihin may powers talaga si Lucy?"
Eh?
"Yup. That's exactly my point"
I sigh.
I really don't believe in magic/sorcery or what. Kung bakit napunta kami sa lugar na ito at kung bakit kami kinuha ng librong binili ko na siya pa lang arigin. But some part of me is seeking for something, kung ano man ang bagay na iyon ay parang may naghuhudyok sakin na hanapin ito.
The shot g*n in the forest.
Isa ba ito sa senyales para mapadala kami dito? Dahil naradaman ko na may paparating na panganib. Kung totoo ngang may kapangyarihan man ako na hindi ko lubusang maisip na meron man, hahanapin ko ang mga sagot na nabubuo na sa aking isipan.
.......................
A/N:
Ma'am Reenham