CHAPTER 4

1510 Words
LUNA'S POV: Magkadikit kaming maglakad ni Lucy habang 'yung tatlo ay nasa unahan lang namin at sobrang tahimik papunta sa kung saan man. Bahala sila. Matapos ang nakakapagod na habulan kanina ay nahuli nila kaming pareho ni Lucy. Ano bang klaseng nilalang ang mga ito? Yan ang paulit ulit na tanong ko sa utak ko. Sinong ba naman kasing baliw ang magpapalindol ng malakas gamit lang ang mga kamay. Kahit nagtataka at nalilito ay mas pinili naming sumama sa mga nilalang na ito. Si Lucy ay tulad ko na nagtataka ay nanatiling walang kibo na lang. Kung nasa ibang pagkakataon lang siguro kami baka nagsisigaw na 'to dahil sa mga nangyari pero mas mabuti na rin ito.para hindi siya maging hysterical. Ang daming tanong pero alam kong hindi nila sasagutin iyon. "We're almost there" usal nung isang lalaki Habang patagal ng patagal pasukal ng pasukal ang dinadaanan namin. Gubat pa ba to? Nakakatakot na. Naramdaman ko ang pagkapit ng naginginig na kamay ni Lucy sa braso ko. Binigyan ko naman siya ng nag-aalangang tingin na sinuklian niya ng isang maliit na ngiti. Ang tatlo naman ay parang walang pake na naglalakad sa masukal na daan kahit na maraming tinik at putol putol na sanga. Mukhang sanay na sanay na sila dito. Huminto silang tatlo kaya napahinto din kami ni Lucy. Tumigil kami sa isang napakalaking puno. Ano bang puno ito? Puno ata ng balete. Ganoon na lang ang panlalaki ng nga mata namin ni Lucy ng unti unti itong humati sa dalawa. "A-anong" Nilingon kami nung isang babae, "I will explain everything after we arrive in Phasellus" Alanganin pa kaming dumaan ni Lucy sa nahating puno. Hindi naman literal na nahati kasi parang gumawa lang ito ng parang kweba o tunnel. Kaya ng nasa loob na kami wala kaming masyadong makita. Madilim. At sobrang tahimik. Isama mo pa ang mga taong nasa unahan namin na parang yelong walang pakiramdam. Kung tao nga ba sila. Ilang saglit pa kaming nagalakad at nang makita na namin ang pinakadulong bahagi nito ay dahan dahan kaming lumabas. Sa sobrang liwanag ay napapikit tuloy ako saka kinusot-kusot ng bahagya ang mata ko. In-adjust ko pa ang paningin ko para makita kung ano itong nasa harapan namin. "Lucy, Luna. Welcome to Phasellus Academy" Isang napakalaking school ang bumungad samin. Gate pa lang sobrang laki na. May dalawang demonyong estatwa ang nakapwesto sa magkabilang poste ng gate. May hawak itong isang malaking sibat o espada, naka-cross na para bang pinoprotektahan ang eskwelahan. May kulay red na shield na nakalagay sa pinakagitna ng gate. Kapansin-pansin din ang dalawang nakasabit dito na mukhang pakpak. Nakakalula ang nagtataasang mga building sa likod ng gate na akala mo ay babagsak. Pero isa lang ang nakapansin ng atensyon ko. Iyon ay ang napakalaking espada na nakatayo sa pinaka-mataaas na building. Kumikinang ito ayon sa pagtama ng repleksyon ng araw. Napakaganda nito. Napakaganda ng school nato. Hindi ko napansin ang kusang pagbukas ng gate at paghiwalay ng dalawang sibat na naka-cross lang kanina. Hindi ito kapani-paniwala. Parang automatic itong bumukas ng sabay sabay itaas ng tatlo iyonng kanang kamay nila. "What are you waiting for, Lucy, Luna?" Sabi nung isang babae. Teka lang, paano niya nalaman pangalan namin? Nauna ng maglakad ang dalawa niyang kasamahan. Dahan-dahan lang kaming naglakad ni Lucy. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahit ata siya. Parang paraiso ang lugar na tinatapakan namin ngayon. "Make it faster. Kanina pa tayo hinihintay ng Headmaster" Sabi niya. ∆ ∆ ∆ "WHAAATTTT?" Sabay naming sigaw ni Lucy. "Nagkakagaguhan naman yata tayo dito. Ano kamo? Kami? Mag-aaral? Dito? Ni-hindi nga alam ng magulang ko kung nasaan mang lupalop na kami ngayon tapos gusto niyo kaming mag-aral dito? HINDI.. NARINIG MO ANG SINABI KO HA? HINDI" sigaw ni Lucy. Hindi ako makapaniwala. Gusto ng matandang ito na mag-aral kami sa paarang to dahil dito daw na babagay ang mga katulad namin. Wait? Anong katulad namin. "Ha ha ha ha! You're so funny iha! Ha ha ha. You even cursed me. How amusing." Natatawang sabi niya. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa lamesa at matiim kaming tinitigan. Nawala na ang ngisi sa kaniyang labi, ako naman ay pinagmasdan din siya. Nakasuot lang siya ng isang plane black tshirt at pants. Clean cutted ang buhok nito at may mangilan-ngilan akong nakitang puting buhok. Kung ta-tantyahin nasa mid 40's na ata ang edad ng isang to. At kung hindi din ako nagkakmali. Siya ang headmaster na tinutukoy ng mga naghatid sa'min papunta sa lugar na ito. "Teka nga.. Nasan na ba talaga kami ha?" Litong tanong ni Lucy. Dahan-dahang syang tumayo sa swivel chair at papunta sa gawi namin. Ngayon ko lang napansin ng tuluyan ang malaki niyang office. Para ngang hindi ito office dahil sa sobrang ganda. Pagkapasok namin kanina ay agad na makikita ang isang puno sa gilid na parte ng opisina niya. Hindi ito ordinaryong puno. Halata naman. Saan ka ba naman makakakita ng puno na may dahon na kukay asul pagkatapos parang may glitters pang nagbabagasakan sa pinaka-ugat nung puno. "Ahh. Yeah right. Wala nga pala kayong ide-----" "Malamang" "Ha ha ha ha. Ikaw talaga iha ang bastos mo. Ha ha ha" prangkang sabi niya at tawa pa rin ng tawa. "Tch." "So yun na nga. Ang lugar na tinatapakan niyo ay school" "Alam namin. Academy nga diba? Ang gusto naming malaman ay kung paano kami napunta dito" saad ni Lucy. "So yun nga. School to n------" "OO! JUSKO NAMAN PAULIT-ULIT? SCHOOL TO.. OO. ALAM NAMIN. ANG TANONG ANONG KLASENG SCHOOL.. ANG HIRAP MONG KAUSAP NA MATANDA KA.!!!" Sigaw ni Lucy n siguradong nag f-freak out na. "Ha ha ha. Let me finish my sentence kasi. Excited much" "This is Phasellus Academy: School of Magics" A-ano? Ano kamo? "Pffftt- Hahhahaha" napalingon ako kay Lucy dahil sa bigla niyang pagtawa ng malakas. "A-ano kamo hahhah school of hahhahhah magic hahhahah. Lakas mong mantrip tanda. Bwahaha. Hindi mo naman agad sinabi sakin na isa ka pa lang joker." "You don't believe me?" Nakangiting tanong niya. "Hahhah kahit sinong tao hindi maniniwala sa joke mo bwahahahha. Nice. Napatawa mo ko. Hahhahha" Napahawak pa si Lucy sa tiyan dahil sa sobrang tawa. Samantalang namatili akong tahimik, pilit na pinoproseso ang mga nalaman? Is that even possible? School of Magic? "Sige nga.. Patunayan mo sakin na School of chubachuchu tong school niyo." Paghahamon sa kanya ni Lucy. Tinignan ko siya at derecho lang siyang nakatingin samin "Ano? Nasan na ang magi-------WAAAHHHHHHHHHHH" Nataranta ako ng biglang lumutang sa ere si Lucy at halos maabot na niya yung kisame. What the-- "AAAHHHHH. IBABA MO AKO. AHHHH" Sigaw ng kaibigan ko. "So? Are you now convinced?" "A-AHHHH BAKA MAHULOG AKO. WAAAHHHHH" "Oh my God!" "I'm asking you if you are now convinced" "A-AAAAAHHHHHHH. O-OO... O-OO. . IBABA M-MO NA KO. PLEASE. WAAAHHHHH. MAHUHULOG NA KO" Walang humpay na sigaw nung isa. Mariin na lang akong pumikit habang sini-sink in yung nangyayari. Hindi nagtagal dahil sa pagmamakawa ni Lucy ay binaba na rin siya nung headmaster. "So, starting next week. Dito na kayo mag-aaral okay? Sa ngayon dun muna kayo sa bahay ni Ma'am Reenham. Don't worry ipapadala ko sa inyo ang uniform, card, etc. na kakailanganin niyo para sa pag-aaral niyo dito. Understand? Lucy? Luna?" Wala miski-isa samin ni Lucy ang sumagot sa kanya. "Nice. So it settle then. Mr. Tyvrik?" Wala pa kaming sagot ngunit nagulat kami ni Lucy ng biglang lumitaw mismo sa harapan namin iyong Mr. Tyvrik. Walang lakad-lakad. Litaw agad. Ibig sabihin hindi talaga ordinaryo ang lugar na ito. "You know what to do Mr. Tyvrik" "Follow me" walang emosyong lintanya niya. "Go on. Follow him" Sabi nitong lalaking . Wala na kaming nagawa ni Lucy kung hindi ang sundan ang lalaking may pangalang Mr. Tyvrik. Kahit maraming tanong sa isip ko na alam kong mahirap sagutin. Ayaw kong mag freak out dahil wala na namang magagawa yun. Nag-aalala ako kina Tita Liesel at Tito Hertim, baka hinahanap na nila kami ngayon. Nag-aalala din ako pag-aaral namin ni Lucy? Baka ma-expell kami. Aarrggghh Tahimik lang si Lucy sa tabi ko. Tulad ko siguradong naguguluhan din yan. Parang ang hirap paniwalaan ng mga nangyayari. Natutulog lang ako tapos paggising ko eto na. Kung ano-ano na ang nangyayari. Parang hindi totoo. Eto na ata ang pinaka-weird na nangyari sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming mag-aral dito gayong sabi na nga mismo nung matanda. This is a School of Magics. Sa mismong bibig na mismo niya nanggaling pero bakit kami nandito? Anong meron? Wala ako o kahit si Lucy na kapangyarihan. Kapangyarihang mang-trip. Meron. Marami. Meron pa ngang naka-stock eh. Hindi man lang pinaliwanag samin kung pano kami nakapunta dito. Saang parte ba to ng Pilipinas at ng maka-alis na. Parang sasabog ang utak ko sa dami ng nangyari ngayong araw. Ayokong paniwalaan. Bakit ba kasi nangyayari sakin ang lahat ng to. Sa'min ni Lucy. Parang ang hirap lang i-digest itong nangyayari. Normal lang naman kami kapaon. Nag-aaral. Kumakain. Nanti-trip. Pero bakit ganito? Anong bang naghihintay samin sa paaralang ito. .......... A/N: Phasellus Academy in the Multimedia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD