LUCY'S POV:
Gulat akong napamulat ng may maramdaman parang may gumagapang sa paa ko. Is it a leech? Caterpillar? Worms. Yuckkkk!
Ang natatandaan ko magkatabi kami ni Luna sa kwarto ko matulog pero bakit parang may matigas na bagay ata akong hinihigaan.
Nakikita ko ang bughaw na langit sa taas. Maaliwalas at magandang tignan. Birds who are happily chirping and a lots of fine long tre------
W-wait what?
Tree?
(๏_๏)
Birds?
๏╭╮๏
Sky??
(┛❍ᴥ❍)┛*┻━┻
Oh my God
Mabilis akong bumangon at mas lalong nagulat ng makitang nandito ako sa.. Gubat?? What the heck!!
Where are we? Where is Luna? How did we get here? My God!! What the hell is happening here?
Kahit nagtataka ay mabilis akong tumayo kaya nahulog ang bagay na nakadikit sa hita ko. Yuckkkk. Kadiri worms.
I easily remove it from my legs at tinapon sa kung saan. Nasaan na ba ko? At si Luna? Magkatabi kami diba? Nasaan na siya?
Napatingin ako sa suot ko. 'Yun pa rin ang suot kong pantulog kagabi. Am I dreaming? Kinurot ko ng sobrang lakas ang braso ko pero nasaktan lang ako.
"O-ouchhhhhh"
Oh my Gosh! Then it's true? Nasaktan ako, e. Pero kung hindi ito panaginip nasaan ako. Am I hallucinating?
Inabot ko ang medyo malaki-laking tangkay sa gilid ko at kinuha. In case na may dumating. It is forest. It is not impossible that there's a lot of wild animal in here.
Nagsimula na kong maglakad sa gubat habang hawak hawak itong tangkay sa kamay ko. Naka-pwesto ako na parang aatake para kung sakali man na may ahas dito o kahit na anong hayop mabilis kong mahahampas. Nasaan na ba kasi ako? Ano bang nangyayari?
"LUNA" Sigaw ko.
"LUNA. NASAN KA NA?"
Walang sumasagot. Naririnig ko lang ang mga ibon at ilang kuliglig. Sa tingin ko alas-syete pa lang ng umaga dahil hindi pa gaanong tumitirik anng araw.
Nasan na ba siya? Or nandito nga ba siya? Luminga-linga ako sa paligid at nakikiramdam. Delikado pa man din. Hindi ko alam kung nasan kami.
Nagdere-derecho lang ako at hindi na ulit sumigaw. Kahit naman sumigaw ako dito ng ilang beses kung tulog mantika ang hinahanap ko wala ring kwenta. Mag-aaksaya lang ako ng boses. Tsaka baka marinig pa ako ng mga hayop o kahit na ano mang nilalang dito. Sunggaban pa ako.
I saw a thick bush so I decided to enter it knowing na baka makita ang kaibigan ko. At hindi nga ko nagkamali. There she is. Natutulog sa isang malaking bato. Nakasandal siya at nakabuka pa ng konti ang bibig.
Katulad ko ganon pa rin ang suot niyang damit noong natulog kami. Hindi ko na alam ang nangyayari. Nae-engkanto ba kami? My God! Wag naman sana. Mabilis ko siyang nilapitan at malakas na hinampas sa kung saan-saang parte ng katawan niya.
Kailangan niya yan para magising.
"HOY BABAE GUMISING KA NA. BILIS. ANO BA GISING NA. GISING"
Niyugyog ko pa siya ng ilang ulit.
"M-mm"
Hindi ko siya tinigilan. Tinadyakan, sinampal, at hinampas ko na siya pero walang epekto. Nakalimutan ko na napakahirap niyang gisingin lalo pa kapag sa kwarto ko siya natutulog.
Sisimulan ko na sana ulit siyang gisingin ng makarinig ako ng magagaang yabag hindi kalayuan samin. Naging alerto ako at dahan-dahang itinayo si Luna. Isinakbit ko ang kanang braso niya sa balikat ko para maalalayan siya.
Tatlong daang metro.
Sigurado ako na tatlong daang metro ang layo nila mula sakin. Mas hinigpitan ko ang pag-alalay kay Luna dahil baka bumagsak siya. Kahit nabibigatan ako ay dahan-dahan akong naglakad sa makakapal na halamanan para doon magtago.
Hindi iyon hayop.
Mariin kong pinikit ang mata ko na magbakasakaling na sa pag mulat ko ay nasa kwarto na ulit kami ni Luna. Natatakot na ako. At nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng luha sa mata ko. Ano ba kasi talagang nangyayari? Nasaan na ba kaming lupalop ng mundo. Natutulog lang naman kami pagkatapos pagkagising ay napunta na kami sa isang gubat.
Nabalik ako sa wisyo ng maramdaman ang tatlong tao. I tried to remained as calm as possible. There's no helping if I panicked and all I can do is to protect myself from any possible danger out there.
Dalawang babae at isang lalaki.
Niyakap ko ng mahigpit si Luna at takot na idinikit ang ulo ko sa likod niya. Sa ganitong pagkakataon si Luna ang maasahan. Mas matapang siya kaysa sakin kaya natatakot ako na baka patayin kami ng mga tao na iyon.
Kung nasa panaginip nga ako sana naman magising na ako o di kaya sana nagpalit kami ni Luna at siya ang gising at ako ang tulog.
Pinikit kong muli ang mata ko at hindi inaasahang makita ko sila. 'Yung mga tao. Mas malinaw ko silang napagmamasdan. May hawak silang mga weapons. Yung lalaki may nakasakbit na bow and arrow. Tapos 'yung isang babae ay may whip na dala and yung isang pa ay may espada.
Who are they? Manganagaso? Hunters? Taong-gubat? Papatayin ba nila kami? At papunta na sila dito sa direksyon namin.
Alam ba nila na dito kami nagtatago.? Panic strikes me. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Luna na walang ka-alam alam sa nangyayari.
Malapit na sila. Hindi nandito na sila. Sa mismong harapan ng bush na pinagtataguan namin. Did they found us?
Of course. Lucy. Don't be so stupid. Nararamdaman mo na nga na may huminto sa harapan mo diba? Wag ka ngang tanga. Mas lalo akong na-frustrate sa sinabi ng utak ko. Sinabunutan ko pa ang buhok ko dahil sa kaba.
Napahinto ako sa ginagawa ng isang boses ang namayani sa paligid.
"Labas na diyan"
"We know that you are here. Hiding behind the bushes" dagdag pa nito pero hindi ako nagsalita.
"Are you deaf? Can't you hear us?"
"Tss. Is she really that stubborn?" Narinig kong bulong nung isa.
Kahit alam kong nandiyan sila sa ay hindi ako umalis sa pwesto ko.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas yung bush na pinagtataguan namin. Tama tatlo sila. Mabilis akong tumayo at kinuha anng tangkay na hawak ko kanina. Matapang akong tumingin sa kanila habang nakatayo sa harapan ni Luna na para bang pinoprotektahan siya.
"W-who are y-you? Are you g-going to kill u-us?"
Pinatapang ko ang mata ko para hindi nila mapansin na natatakot ako. Pero tinaasan lang ako ng kilay ng isang babae na para bang sinasabi pa na 'She is really stupid'
"A-alis. K-kung hindi i-itatarak ko sa i-inyo tong k-kahoy na to. I-i swear. I'll k-kill all o-of you if s-someone make a w-wrong move." Patawad lord. Hindi ko gustong sabihin ang mga salitang iyon pero mukha bang may choice pa ako.
Hindi sila nagsalita at tiningnan lang ako na para bang isa akong baliw na babae na nakatakas sa mental. Umalis na kasi kayo dito.
Instead of answering me lumapit iypng babae na may hawak na whip sakin. Papalapit sakin.
T-teka.
Lalatiguhin ba niya ko? Pero hindi iyon ang ginawa niya instead tinaas niya ang kaliwang kamay niya na walang hawak at itinapat sa bibig ko.
Nagtataka ako sa ginagawa ng babaeng to. Akala ko lalatiguhin niy-----
Nagulat ako sa sunod na nangyari. Sa isang iglap para akong mamatay. Unti-unti akong nawawalan ng hininga at hindi ako makalanghap na kahit na anong hangin. Napahawak ako sa leeg ko at nanlalaking matang tinitigan siya.
"A-accckk"
W-what's h-happening?
Ang kaninang palad niya na nakabuka kanina ay unti-unting pumuporma sa kamao. Napaluhod ako at hinawakan ang leeg ko. I can't breath.
Kasabay ng pagsara niya ng kamao ay ang unti-unti kong pagkawala sa ulirat. This is just a dream
∆ ∆ ∆
Sikat ng araw ang bumulaga sakin pagkagising ko. Napahawak ako sa ulo at hinimas-himas iyon. Ang weird ng panaginip ko.
T-teka.
Panaginip? H-hindi panaginip 'yun. Si Luna? N-nasan.. "H-hmmm" Napalingon ako sa gilid ng hinihigaan ko at doon nakita si Luna. Nakahilata. Natutulog. Naglalaway.
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Wala na kami sa gubat. I closed my eyes and think what just happened.
Nagising ako sa gubat.
Hinanap ko si Luna.
Nung nahanap ko may tatlong presensya akong naramdaman.
Nagtago kami.
Nahanap nila ako at si Lun-lun
Yung babaeng may whip. Pumunta sa harapan ko.
Tinaas ang kamay. Tapos bigla na kong nawalan ng malay.
Ano bang nangyayari? Kung nasa panaginip ako. Please! Pakigising ako. Tiningnan ko ang sinag ng araw sa labas ng bintana. Maaga pa rin? Kung tatantyahin mo ang nilalabas na liwanag nito. Alas-otso na. Ibig sabihin isang oras akong nawalan ng malay? O di naman kaya nagdaan na ang isang buong maghapon tapos bagong araw na?
Nalilito ako. Ano na ba talagang nangyayari? Bat kami nandito sa kwarto? Sinong nagdala samin? Yung tatlo ba kanina? Ano ba sila? Masama? Mabuti? Bakit nung tinaas ng babae yung kamay bigla akong nawalan ng hininga?
Are they some what alien? Hindi ko alam. Please someone answer my question.
"WAAAHHHHH" sigaw ko. I don't know what to do. Nafa-frustrate ako.
"A-ano ba Lucy. Wag kang maingay. Natutulog yung tao, " si Luna.
She's awake. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyugyog siya sa balikat. "LUNA. OH MY GOD! YOU WON'T BELIEVE ME. I HAVE SOMETHING TO TELL YO------"
"Teka nga!! Pwede ba kumalma ka?" Inis niyang saad habang kinukusot pa ang mata. Nagtaka siya ng makita ang paligid.
"W-wait. Kaninong kwarto to?" Tanong niya.
"That's what I want to tell you. Na-engkanto tayo Luna"
Ilang segundo niya akong pinagmasdan kapagkuwan ay tinaasan ako ng kilay. "Sinong naniniwala sa engkanto?"
"Luna I swear. Pagkagising ko kanina nasa gubat ako tapos hinanap kita kaso tulog ka. May mga alien pa nga kanina, e. Tatlo sila tapos—"
"Lucy sabi mo na-engkanto tayo? Eh bakit may alien?"
"Luna, seryoso nga ko. Balak pa nga akong patayin kanina nung babaeng may latigo, e. Come to think of it, babae? Tapos may latigo. Luna. Alien sila. You hear me? Aliennnn!!!"
Ilang segundo ulit siyang natahimik pagkatapos ay bumuntong hininga. "Baka nananaginip lang ako. Ang malas ko lang at nasama ka sa panaginip ko."
Hinigit ko ang braso niya ng akma siyang ulit na matutulog.
'Bakit ayaw niyang maniwala?' Pag talaga namatay ako dito dahil sa kanya. Siya talaga ang una kong mumultuhin..
Nilingon ko ang paligid at nakita ko na kakaiba itong kwarto. Masyadong makaluma. 'Yung pader parang kahoy lang. Tapos 'yung ilaw dito lampara lang. May lamesa sa gilid na gawa sa kahoy at nakapatong doon ang ilang libro. Hindi yata to kwarto.... parang bahay na. Maliit na bahay. Nasan ba kami? Anong trip ba to ha?
Naramdaman kong inalis ni Luna ang pagkakapit ng kamay ko sa braso niya. Bumaba siya sa kama at lumabas sa maliit na bahay na ito.
"AAAHHH"
Nagulat ako sa sigaw ni Luna kaya dali-dali akong bumaba sa kama at pinuntahan siya. Binuksan ko ang pinto at ganon na lang din ang gulat ko sa nakita.
Yung babaeng may latigo. Nakalutang o mas tamang sabihin lumilipad siya.
Please someone.. tell me that this is only a dream.
"S-SINO KAYO HA? Anong kailangan niyo sa'min?"Sigaw ni .
Patakbo siyang lumapit sakin at kumuha ng isang malaking kahoy pagkatapos ay tinutok ang kahoy sa kaharap namin.
"We are not an alien"
"ANONG HINDI ALIEN. BAKIT LUMILIPAD YUN?" Alam kong nagf-freak out na si Lun dahil kahit sumisigaw ay nanginginig ang kamay nitong hawak ang kahoy.
"Please, calm down"
"HUMINAHON?" Nakatingin lang samin yung dalawang babae at kalmadong nagmamasid.
"How many times do I have to tell you that we are not some kind of an alien" mukhang nauubusan na siya ng pasesiya samin dahil nagsisimula na siyang mainis.
"Look. We are just trying to help you. We're not bad as you think"
Napantig naman ata ang tenga ko sa sinabi niya. Not as bad as you think?Eh halos patayin na nga ako nung kasama niyang babae kanina. Not as bad as you think pa rin? Eh hayop naman pala tong mga to eh.
"Lucy, pagkabilang ko ng tatlo. Takbo." Mahinang bulong niya.
"Please, we need your cooperati-----"
"ISA. TAKBO"
Mabilis akong tumakbo sa kanan ng marinig ko ang sigaw ni Lun samantalang sa kabilang direksyon siya sa kabilang daan. "Hezra, Vemery, follow her" rinig kong utos ng lalaki.
Mas binilisan ko pa ang pagtakabi dahil baka mahabol nila kami. Hindi pwede yun. Mukha silang mapanganib.
May nakita akong malaking puno di kalayuan sakin. Dali akong pumunto doon at nagtago. Hihingal-hingal hingal akong napasandal dito at pagod na hinawakan ang tuhod ko. Naligaw ko na kaya sila?
Sumilip ako ng bahagya sa gilid ng puno at nakitang walang tao. Napagdesisyunan ko na lumabas sa pag-aakalang hindi na nila ako mahahanap.
Pero laking gulat ko na lang ng.
Biglang lumindol ng malakas. .
'What the f*ck is happening?'
Napayakap ako ng mahigpit sa isa pang puno at takot na bumitaw. Napakalakas. Gumagalaw lang ng malakas ang lupa pero hindi nagbibitak-bitak.
Please kung panaginip man ito I need to wake up right now.
Dito yata ako mamatay. Maya -maya ay nakita ko yung lalaki. Lumilipad siya sa itaas ng puno sakay sa isang malaking bato.
Ano bang nangyayari????????
Please. Stop this!
*****
A/N:
Ethermoore Forest in the Multimedia