LUNA'S POV
Nandito ako sa kwarto at nakakunot noo'ng tinitignan ang kisame. Tama nga si Lucy. May b***l nga. Ang ibig kong sabihin putok ng b***l.
Kanina ay nakarinig na lang kami ng malakas na putok na b***l sa itaas na parte ng gubat at sigurado ako na doon kami mismo galing. Nakakapagtaka lang at nalaman iyon ni Lucy gayong hindi naman niya nakita kung sino man ang may gawa noon. Kahit nga rin siya ay nagtataka sa nangyari pero hindi na lang namin ulit iyon pinag-usapan pa.
Lumipas pa ang dalawang linggo at tuluyan na naming nakalimutan ang pangyayari sa gubat at ngayon nga ay nasa hallway kami para bumili ng pagkain sa cafeteria. Normal naman ang nasa paligid kaya sa palagay ko ay wala na ngang dapat pang ipag-alala. Baka nago-over think lang ako.
"Samahan mo ko" saad ni Lucy ng makapasok kami.
"Saan naman?"
"Edi san pa? Sa room ni Gerald." Parang obvious na sagot niya at parang biglang nagkaroon ng heart shape sa mata niya. Buti na lang at wala namang nagbago sa kaniya pagkatapos ng mga pangyayari. Mukhang wala dapat akong ipag-alala.
"Ano namang gagawin natin d? Aksaya sa oras" tamad kong sabi sa kanya.
Buti na lang at lunch na ngayon kaya nakakapag-usap kami ng malaya ni Lucy. Ewan ko ba dito. Ang ganda ganda pero nagkagusto lang kay Gerald. Wala naman talagang problema kay Gerald maliban sa pagkakaroon niya ng sobra-sobrang kumpiyansa sa sarili. Nagmumukha kasing mayabang.
"Ano? Sama ka ha?" Napalingon naman ako dito at tinaasan siya ng kilay. Napabuntong-hininga na lang ako at tumango tanda ng pagsang-ayon.
"Yaaahhhh!! Sabi ko na nga ba eh. Love 'ya Lab lab . Mwahh. Mwahhh" Nagtatalon pa siya na parang isang bata.
"Ayy oo nga pala. Darating si Ate mamaya sa bahay. Punta ka ha?"
"Bat naman ako pupunta?"
"Duhh.. Syempre Welcome Party kay Ate Lezka. Kasi naman isa na siya ngayong ganap na Fashion Designer. KYAAAHHHH!!"
Napatakip ako ng tenga dahil sa matinis na sigaw niya na naging dahilan para may mangilan-ngilan na tumingin sa amin. Hindi ako ngumiti sa kanya.
Bakit pati naman kasi ako ay makikisali sa celebration nila, e para sa pamilya 'yun. Tsaka hindi maganda ang relasyon namin ng ate ni Lucy.
"Hayy. Galit ka pa rin ba hanggang ngayon kay Ate Lezka?"
"Malamang." derecho at walang pakundangan kong saad sa kanya.
"Luna, Alam mo ang tagal-tagal na yung issue niyo ni Ate di pa rin tapos?"
"Lucy,... sinasabi ko sayo kapag pumunta ako sa party na yan. Baka makagulo lang ako kaya wag na lang. Isa pa, ayaw ng ate mo sa'kin. Mas mabuting hindi niya muna ako makita ng ilang araw pagkauwi niya."
Hindi natuloy ang pag-uusap namin ni Lucy ng makarinig kami ng malakas na sigawan sa labas ng room namin. Mukhang may nag-aaway naman.
"FIGHT"
"FIGHT"
"FIGHT"
Mabilis tumakbo ang ilan kong kaklase palabas. Hindi na sana ako makikisali pero nacu-curious ako kung sino ang nag-aaway sa hallway. Iniwan ko si Lucy sa loob at nakipagsiksikan na din sa mga nagkukumpulang mga estudyante.
"Doon ako kay Larry. Limang daan"
"Haha. Ako kay Gerald. Pusta ko dalawang libo"
"Bagsak na manok niyo. Haha"
"Kay Larry ako. Walong Daan."
"FIGHT"
"FIGHT"
"FIGHT"
"FIGHT"
Nakipag-siksikan parin ako sa kapwa ko estudyante. 'Yung iba may hawak na cellphone at vini-videohan ang suntukan ata. Ang iba naman ay hiyawan ng hiyawan na parang nanonood talaga ng isang matinding labas.
"Excuse me, padaan." Hindi man lang ako pinansin nung iba.
"Oh my God. Tumawag na kaya tayo ng teacher. Baka magpatayan pa yung dalawa oh"
"Hindi!! Hayaan niyo yan. Away lalaki. Wag pakelaman." Gusto kong sumang-ayon sa sinabi nung isang kuya. Dahil sa sobrang hilig kong manood ng action movies, kahit simpleng away gusto kong makita. Tulad lang din naman kasi ako ng ibang estudyante dito. Medyo natutuwa kapag may nagkaka-initan.
"HAYOP KA GERALD! TARANTADO KA. PATI SYOTA KO PINAPATOS MO. ANONG KLASE KANG KAIBIGAN"
"HAAAA. AKO? TRANTADO? SORRY DRE HA. HINDI KO ALAM NA MALANDI RIN YANG GIRLFRIEND MO. NAGPAPALANDI"
"GAGO KA TALAGAAA!!!"
"BAKIT? TOTOO NAMAN, AH. MALANDI YANG GIRLFRIEND MO. GUSTO ATANG MAGPAKATE"
Teka lang, hindi ba't boses iyon ni Gerald. Pagkapunta ko sa unahan ay nakumpirma kong si Gerlad nga. Ang tanong bakit siya nakikipag suntukan kay Larry?
Kung kanina medyo natutuwa pa akong akong pumunta dito ngayon naman sobrang nanlalamya ako. Kinulbit ko ang katabi kong lalaki na may hawak ding cellphone at nagvi-video. "Kuya. Ano bang nangyare? Bat nagrarambol 'yang dalawang iyan?" Tanong ko sa kanya.
"Hayy naku Miss. Nakita kasi sa akto ni Larry na hinahalikan yung Gerald ata. Yun ata ang pangalan ng kalaban niya. Nakita niya na hinalikan ni Gerald yung Gf ni Larry. Kaya yan."
"Sigurado ka kuya? Baka nagkakamali ka lang?"
"Ah.. Hindi ah. Kaklase ko si Larry kaya nakita ko ang buong nangyare"
'Anak ng' Sana lang wag dumating dito si Lucy kung hindi malaking g**o 'to.
Napaharap ako bigla sa harapan ng makitang sinuntok ni Larry si Gerald sa panga.. "WOOOOHHHHH" Kahit ako nakisali.
Masakit ang suntok na iyon sigurado. Pinanood ko lang kung paano magpalitan ng suntok, tadyak at murahan ang dalawa. Wala namang pumipigil kaya nagpatuloy lang sila.
Nang makitang halos hindi na kayang lumaban ng dalawa ay naglakad ako papuntang gitna. Nagtataka namang tiningnan ako ng karamihan. Pero hindi ko sila pinansin at itinuon ang atensyon kay Gerald na halos basag na ang mukha. Nakahiga siya ngayon at hirap tumayo. Tumigil ako sa mismong harapan niya Kaya dahan-dahan siyang tumunghay.
Kinuha ko ng marahas ang kaniyang kwelyo at madiin na hinawakan sa braso at sinandal siya sa poste na nasa likod niya. Walang pagdadalawang isip kong pinilipit ang siko niya pagkatapos ay inilapit ko ng bahagya ang bibig ko sa kanang tanga niya at marahang bumulong.
"Nasisiraan ka na ata ng bait Gerald. Noong una akala ko mali lang ang first impression ko sa'yo pero mukhang totoong isa kang malaking hangal. Alam ba 'to ni Lucy?"
Mababakas sa mukha niya ang takot. Hindi takot sa sinabi ko kung hindi takot na malaman ng kaibigan ko kung anong kagaguhan ang ginawa niya.
"L-luna w-wag mong s-sabihin----"
Hindi ko siya hinayaang tapusin ang sinasabi niya at binigyan na lang na malakas na sipa sa sikmura.
Napasinghap ang mga taong nanood habang napaluhod naman sa sakit si Gerald. Sa pakikipagsuntukan kay Larry mukhang wala na siyang lakas para tumayo man lang. Bibigyan ko pa sana ulot siya ng suntok para man lang maiganti ang kaibigan ko pero bigla naman dumating ang ang mga lecturers kaya wala akong nagawa kung hindi ang umatras at makihalubilo sa mga estudyante na pabalik sa kani-kanilang mga classroom bago pa man makita ng nga teachers.
That was close.
∆ ∆ ∆
"I can't believe this. He fooled me. Hayop siya" si Lucy nagda-drama dito sa C.R ng school. Wala akong nagawa kung hindi ang makinig. Iyon lang naman ang dapat kong gawin.
Nandito lang ako sa gilid niya at hinahayaan siyang maglabas ng sama ng loob. Hindi ko alam kung pano niya nalaman ang mga nangyari. May nagsabi ata? Hindi ko alam.
Isang bagay lang din ang ayaw kong nangyayari kay Lucy. Ayokong nakikita siyang umiiyak. Literal na ayoko talaga.
Hindi dahil sa nasasaktan ako kapag nakikita kong may lumuluha sa mga mata nito kung hindi makita kung gaano kasama ang mukha niya kapag sumasabay ang sipon sa iyak niya. Masakit pero iyon talaga ang opinyon ko.
"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo. Tignan mo nga ang itsura mo. Ang pangit mo na nga. Lalo ka pang pumangit" pagbibiro ko at pinag-krus na lang ang braso sa dibdib.
"Gago ka!! Mas pangit ka naman kaysa sakin."
"Bakit napunta sa'kin? Ikaw naman kasi, sinabi ng lolokohin ka ng tao nagpaligaw ka pa rin." derechang sabi ko. Walang paligoy ligoy. Mas lalaong lumakas ang pag-iyak niya ng marinig ang sinabi
Wala akong nagawa kung hindi mapairap lalo pa ng makitang may lumalabas na sipon sa ilong niya.
"HWAAHHHHHH"
Hinayaan ko lang siya diyan. Alangan naman pati uhog niya ako ang magpupunas.
Natigil sa pag-iyak si Lucy ng makarinig kami ng katok sa pintuan. Pinunasan niya ang luha at ilong gamit ang tissue na binili namin kanina. Halata mong namumugto ang ilong at mata. Sumisinghot singhot pa rin siya dala ng pag-iyak.
Ako ang nagbukas ng pinto ng makita kong ayos na siya. Physically. Pero pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako ng bumungad sakin ang dead bull este si Gerald. Puno ng band-aid ang mukha at may malaking blackeye sa kaliwang mata.
"Anong ginagawa mo dito?" Si Lucy.
Naglakad siya papuntang unahan ko at siya ang humarap kay Gerald. Halata pa rin ang pamumula ng gilid ng mata niya.
Hindi makatingin ng maayos si Gerald at nakatungo lang. Malamya ang mata at parang gustong umiyak. Napa-ismid naman ako.
"ANG SABI KO ANONG GINAGAWA MO DITO" mas malakas na sigaw ni Lucy.
"L-lucy"
"Huwag mo kong ma Lucy-lucy. Ang kapal naman ng mukha mo para magpakita pa sakin gayong ginago mo ko ng patalikod."
"I-im sorry. I d-didn't----" Si Gerald.
"How dare you to make fool of me. Hindi mo ba kilala ang binabangga mo ha? Isang Lasinley"
"I-im really s-sorry---"
"Nanliligaw ka pa lang pero ang lakas na ng loob mong manloko. Sino ka ba sa akala mo? Hindi ka naman kagwapuhan pero kung umasta ka kala mo famous ka."
Napigil ko ang gustong kumawalang ngisi sa labi ko dahil sa tinuran ni Lucy.
"I said I'm sorry" malakas na usal ni Gerald.
"Don't shout at me you lousy bastard. Baka gusto mong ipalapa kita sa mga piranha sa bahay namin"
Pero mukhang ng dahil doon ay natakot naman si Gerald sa sinabi ni Lucy kaya bigla itong tumahimik at tumungo. Pero agad ding tumunghay.
"Wag ka ring umasta na akala mo girlfriend kita. At ikaw na rin mismo ang nagsabi na manliligaw mo lang ako. Pero bakit kung makangawa ka diyan kala mo mag-on tayo?" Napataas ang isang kilay ko sa tinuran niya.
"WHAT DID YOU SAY?"
Derechong tinignan ni Gerald si Lucy sa mata. "Tss. Kasalanan mo rin yan. Nagpa-uto ka, e" at biglang lumabas sa Girl's Comfort Room.
Gulat at di naman makapaniwala si Lucy sa narinig. Kahit ako naman, e.
Napatingin ako kay Lucy at mababakasan mo dito ang inis at galit. Inis dahil ang lalaki pa mismo ang nag-walk out at galit dahil nauto siya.
∆ ∆ ∆
"'Yan ba ang nagagawa ng broken hearted? Nagpapaka-busog?" Tanong ko kay Lucy na kumakain ng burger. Nandito kami sa Jollibee. Dito agad kami dumerecho pagka-dismissed ng klase.
"Tss. Hindi ako broken. Naiinis ako. Naiinis ako. Naiinis ako. Arrgghh"
"Oo nga. Nakikita ko." Mahinahong saad ko.
"Pwede ba Luna. Umayos ka nga. Magbigay ka ng mabuting advice hindi 'yung puro katangahan yang tinuturo mo sakin" prangkang sabi niya at tinutukan ako ng fries sa mukha.
"Mabuting advice ba kamo?" Humawak pa ko sa noo ko at kunwaring nag-iisip.
"Alam ko na"
Napalingon siya sakin ng may nanlalaking mata.
"T-talaga?"
Seryoso akong tumingin sa kanya at nilapit pa ng bahagya ang mukha ko sa mukha niya. Napalunok naman siya na waring hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Kuha ka lubid. Magbigti ka"
Dahil sa sinabi ko lalo ata siyang nainis.
"What the----"
"Siya relax. Galit agad" muntik pa kong batuhin ng kutsara.
"Wala ka talagang sense kahit kailan"
"Tanggapin mo na lang kasi ang totoo na malas ka sa lalaki Lucy. Maganda ka nga. Wala namang nagtatagal. Kung ako sa'yo umuei ka na lang sa bahay niyo at magbalat ka ng kamote." Pang-aasar ko sa kanya.
"Ewan ko sayo. Puro kagaguhan alam ng utak mo. Alam mo ba yun? Walang sense ang mga sinasabi mo hindi nakakatulong"
"Akala ko ba gusto mo ng advise."
"Tumahimik ka na nga lang.
Pagkakain namin sa Jollibee ay dito kami pumunta sa National Bookstore. Kumpara sa iba ay mas malaki at mas malawak ito. Halos kumpleto na ang mga gamit dito.
Si Lucy ay nasa book section at balak atang bumili ng libro ako naman dito sa Art Section. Libre ako ni Lucy ngayon. Lagi naman, hindi katulad ko ay mahilig magbasa si Lucy ng mga novels kahit comics binabasa niyan.
Isa naman sa pinagmamalaki ko ang talent sa pagdo-drawing. Kasali kasi ako editorial cartooning kaya doon nahasa ang husay ko sa pagguhit.
Kinuha ko ang pinakamalaking pastel, small size na canvass, acrylic paint, poster paint at iba pang kakailanganin ko para sa pagpipinta. Tapos na ko sa pagpipili ko ng makita ko si Lucy at may dalang limang libro. Tapos na rin ata siyang mamili.
"Yan na lahat?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Eh yung iyo? Yan na lahat?"
"Bakit gusto mong dagdagan ko pa?" Ako
"Wag kang abusado." Siya.
Sabay kaming naglakad sa Counter para bayaran itong binili namin. Nung nasa Counter na kami ay nilagay na namin ang mga ito isa-isa sa harap ng cashier. Patapos na siya sa pagke-kwenta ng makita naming magtaka siya sa isang libro. Humarap siya samin at nagatatakang tumingin.
"Ma'am, Saan niyo po nakita itong libro?"
"Kasama po nitong apat na books." sagot ni Lucy na nagtataka rin. "Ah eh kasi naman Ma'am wala po kasi akong natatandaan na may pinagbibili kaming ganitong libro"
"Ehh??"
"But don't worry Ma'am. Kung gusto niyo talaga itong libro. Just paid another 400 pesos since ang karamihan po ng libro dito ay worth 400 pesos. If it just fine with you po" nakangiting lintanya.
"Of course, It will be fine." Matapos niyang magbayad ay pumunta na kami sa kotseng nakaparada sa labas at pumasok na.
Pagkauwi ay sa bahay nina Lucy ako dumerecho. Malawak kasi ang kwarto niya kaya kung magd-drawing man ako, kahit papaano maganda ang settings doon.
Inilabas na namin ang pinamili namin para maayos na. Habang inaalisan ni Lucy ng balat ang mga libro nay isang librong nakapukaw sa atensyon ko. Iyon ang libro na sinasabi ng cashier kanina, 'yung hindi daw ibinebenta.
Kinuha ko iyon at agad na binuklat pero ipinagtaka ko ang bawat pahina.
"Wala namang nakasulat." Papaano miski isang letra wala akong nakita sa buong pahina ng libro. Makapal nga ang libro na ito wala namang nakasulat.
"Tingin nga" Kinuha sakin ni Lucy ang libro at tinignan.
"Meron?" Tanong ko.
"Wala. Bakit walang laman 'to?"
"Sayang ang 400 pesos" sabi ko at hinayaan na siya doon sa libro.
Hindi niya ko pinansin at nanatiling nakatingin sa mga pahina. Unang tingin pa lang wala ng kadating-dating. Yung cover isang plain black lang at wala na kaya siguro walang bumibili ng librong to.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lucy dahil dito ako matutulog. Napagdesisyunan naming mag sleep over kaya heto ako ngayon. Tutal sabado naman bukas.
Pinalibot ko ang tingin sa bong kwarto ni Lucy habang sinusuri niya ang nabiling libro. Mahalata mo na babae ang gumagamit sa kwartong 'to dahil purong pink ang kulay na makikita mo. Mula sa kulay ng bed sheet, sa pader, sa kisame. Halos Lahat.
"Oo nga no. Wala talaga" mahinang usal niya.
"Oo nga Lucy. Akin na na nga yan" pahablot kong kinuha ang libro sa kanya at pabalyang tinapon sa basurahan niya dito sa kwarto.
"Teka.. bakit mo naman tinapon?"
"Hayaan mo na lang yan Lucy. Wala rin namang saysay kasi walang laman kaya kung ako sayo.. matutulog na ko dahil maghahanda pa bukas para sa pagdating ng bisugo mong ate" Natawa siya sa sinabi ko at tumabi na sakin sa kama.
Bukas din kasi ang dating ng ate niya kaya dapat maaga siyang gumising para makapaghanda.
Pinatay na niya ang lamp shade sa side table ng kama. Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Ngunit bago tuluyang mawalan sa realidad nakaramdam ako na parang may humahablot sa paa ko papunta sa kung saan... Papunta sa lugar...
....na hindi ko alam.
∆ ∆ ∆
A/N:
Lucy Lasinley in the Multimedia(photo_not_mine)