LUNA'S POV:
Mabilis akong tumatakbo sa hallway ng school namin.
Time check, 7:33 A.M
13 minutes na akong late. Grabe! Anong oras ba ko natulog kagabi? Alam ko mga around 10 ata pero na-late pa rin ako. Lagot talaga ako kay Sir Chua. Siya ang baklang lecturer namin sa Literature. Napaka-terror ng isang 'yun kaya naman napaka-daming estudyante ang takot na takot sa kanya.
Sigurado ako na pagpasok ko dun puputakin at papagalitan na naman ako ni Sir.
Habang tumatakbo ay inayos ko na ang nagulo kong buhok nung sumakay ako ng jeep kanina. Pati na rin ang bag ko at palda.
Nang nasa tapat na ko ng room namin agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa hindi maipaliwanag na katahimikan. Kalimitan kasi ay sine-sermonan kami ni Sir Chua kapag umaga. Ni-wala daw kaming assignments. Ang tamad tamad pa daw namin na hindi na naman namin pinapansin dahil sanay na kami.
Nakasarado ang pinto ng room kaya nagdadalawang-isip pa ako kung papasok pa ako o hindi na lang. Kung hindi ako papasok mismo sa time niya mas lalo akong pag-iinitan 'non. Alam naman ng lahat na ako yata ang favorite ni Sir ngayon.
Favorite pahiyain.
Nag-decide ako na kumatok na lang tsaka nandito na naman ako. Nag-aaalala din ako na baka may dumating pang ibang teachers at makita ako. Edi double kill.
Kumatok na ako ng tatlong beses at naghintay pa ng ilang saglit. Nagulat ako ng si mismong Sir Chua mismo ang nagbukas ng pintuan para sakin. Paglingon ko sa mga kaklase ko ay nakayuko sila na waring may sinusulat. Essay ata. Ang mas nakakagulat don. Tahimik sila.
As in silang lahat.
"Oh Luna. Sige pasok ka na" nakangiting bati sakin ni Sir Chua.
Nag-alangan ako sa ngiting ibinibigay ng teacher na 'to. Nakapagtataka. Ang masungit s***h terror s***h lagi akong pinapahiya sa klase ay naka-ngiti mismong bumati sakin.
Pilit naman akong ngumiti sa kanya at pumasok na sa loob. Ngayon ko lang napansin na may ibang tao pa pala sa room namin. Si Mrs. Javier, yung Principal namin.
Nakangiting nakatingin siya sakin kaya nginitian ko rin siya pabalik. Napaka-bait talaga ni Mrs. Javier.
Kaya rin naman pala tahimik ang mga kaklase ko kasi Observation ngayon ni Sir. Umupo na ko sa Row 3 Column 2 . Bale may limang Row dito at tatlong Column and since nasa Column 3 ako, nasa gitnang parte ang upuan ko.
Bumalik si Sir Chua sa White Board pagkatapos isara ulit ang pintuan. Sinulat niya ang next activity yata namin. Katabi ko sa kanan si Lucy. Nakita kong nagsusulat rin siya sa yellow pad niya kaya nagtataka ko siyang kinulbit.
"Ano daw ba gagawin?" Mahinang bulong ko.
Nilingon niya naman ako at masama akong tinitigan, tinutukan ng ballpen at tinaasan ng kilay.
"Le-late late ka tapos tatanungin mo ko diyan kung anong gagawin? Aba! Kung wala lang sa likuran natin si Principal Javier kanina pa kita binatukan." Balik na bulong niya sakin pero may halong inis.
Nakalimutan kong sabihin na si Lucy ay ang best friend ko kaya ganyan na lang niya ako pagalitan. Umiling na lang ako at dahan-dahang ibinaba ang sukbit sukbit kong bag.
"Bat ba ang init agad ng ulo mo diyan ha?"
"Tch. Sinong di mag-iinit ang ulo, e pinuntahan kita kanina sa inyo tapos ginising kita pero di ka man lang nagising. Ngayon. Sabihin mo nga sakin kung sino ang di mag-iinit ang ulo nun ha? Tulog mantika?"
Napangiwu naman ako sa tinuran niya. Totoo naman kasi na mahirap talaga akong gisingin kaya palagi tuwing umaga badtrip yan sakin. Hindi ko siya pinansin at tiningnan na lang Essay na sinusulat niya. 'My Precious'.
'Tula?'
"Gagawa ng tula?" Tanong ko.
"Opo mahal na senyora. Kaya kung ako sayo magsimula ka na dahil magtatawag na si Sir miya-miya"
Bumalik na ang atensyon ni Lucy sa tula na ginagawa niya at di na ulit ako pinansin. Kala ko pa naman Essay. Kinuha ko na din ang yellow pad sa pinaglumaan kong bag at nagsimula ng magsulat.
∆ ∆ ∆
LUNCH...
Isa-isang nagsisilabasan ang mga kaklase ko sa room papuntang Canteen para bumili na sarili nilang pagkain. Yung iba naman ay umuwi para doon sa bahay nila mismo kumain habang kami ni Lucy ay nagpa-iwan dito dahil may baon ako-este siya pala na pagkain.
Alam kasi niya na hindi ako nagbabaon ng pagkain kasi aksaya sa pera kaya siya na lang ang bumibili o di kaya nagdadala para samin.
Inilabas na niya ang lunch box niya sa bag at binigay sakin yung isa.
"Ano naman kaya ang ulam natin ngayon" pabiro kong sabi.
"Oh naghanda si Mommy ng Sinigang at adobong manok. Sabi ni Mommy damihan mo daw yung pagkain ng taba para lalo kang tumaba. Hahahaha" pagbibiro niya habang nagsisimula ng kumain.
"Ang mataba sa malusog." pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"Parehas lang kaya. Bleh" Napailing na lang ako sa paga-asal bata niya.
Si Lucy Lasinley ay best friend ko na simula pa lang pagkabata. Siya na ang kasa kasama ko sa lahat. Malaki ang pagkakaiba naming dalawa. Sobrang magka-iba. Very opposite ika nga.
Siya mayaman. Samantalang ako simula pagkabata nagsimula ng maghirap.
Maputi ang porsela niyang balat samantalang ako ay kayumanggi at minsan pa nga'y nangingitim kapag sobrang nabibilad sa araw. Ang height niya ay hindi nalalayo sa height ko. Manipis at tuwid din ang kulay tsokolate niyang buhok samantalang maikli naman ang akin.
Buo ang pamilya niya. May tatay na abogado, may nanay na doktor at may kuya na nagta-trabaho sa ibang bansa bilang isang Executive Director sa isang sikat na kompanya at ang ate niya na pinag-aaralan ngayon ang Fashion Designing.
....habang ako ni hindi ko nakilala ang mga magulang ko.
In short siya langit. Ako lupa.
Pag pinagdidikit kami. Siya palagi ang tinuturing na reyna at ako naman ay alipin lang niya.
Kung ikukumpara mo siya sakin na sobrang ganda ibang iba ako. May pekas pa nga ng kaunti ang pisngi ko. Pero hindi hinahayaan ni Lucy na maging ganoon ang nararamdaman ko. Hindi rin naman ako naiinggit at hindi rin naman ako naiinis. Siguro talagang nasanay na lang ako na mag-isa sa buhay. Walang matatawag na ina, ama, o kapatid man lang.
Isa akong bata na galing sa orphanage. Ang kwento ng buhay ko, isang taga-orphange ang nakakakita sakin malapit daw sa basurahan at dinala ako sa pinagta-trabahuhan niya kaya naalagaan nila ako sa halos apat na taon.
Pero nung nag 4 Years Old ako nasunog ang orphanage na tinitirhan namin kaya walang nagawa ang mga tao doon kung hindi ang ipaampon kaming lahat dahil hindi na rin nila kayang suntentuhan kami. Pero hindi ako nagpaampon. Ayoko. Naalala ko pa na ang tanging dala ko lang ay ang isang kahon na naglalaman ng ilang gamit.
Nagpaggala gala ako noon sa lansangan ng ilang linggo. Nasubukan kong magnakaw ng pagkain sa ilang sari-sari store at kahit nga sa restaurant na nakita ko.
Pinagsiksikan ko pa ang sarili kong katawan sa isang makipot na daan para lang makapasok sa mamahalin na restaurant.
Doon ko unang nakilala si Lucy. Kumakain sila noon. Kasama pati ang Lolo, Lola, Tita, Tito at halos buong pamilya niya. Napaka-gara ng mga suot nila na parang isa sila sa mga hari at reyna. Matagal ko silang pinagmasdan.
At doon ako unang nakaramadam ng pangungulila, pinagmasdan ko sila hanggang ako na mismo ang magsawa pero noong papalabas na ako sa restaurant na 'yun ay siya namang pagkahuli sakin 'nung guard. Pinagtatabuyan ako ng gurad hanggang sa makita ako ni Lucy.
Lumapit siya doon sa guard at kinausap, binigay sakin ang pagkain na kinakain at nginitian pa ko.
Simula noon araw-araw akong naghihintay sa labas ng restaurant para lang makita siya. At hindi naman ako nabigo dahil nadadaanan nila ang kalsada na katapat ng restaurant kaya palagi ko siyang nakikita. Palagi niya akong binibilihan ng pagkain.
Doon din nagsimula kung paano kami naging magkaibigan hanggang sa dumating ang punto na ampunin na nila ako dahil hindi na kami halos mapaghiwalay ni Lucy. Pero nung mag fifteen ako ay sinabi ko kay Tita Liesel na gusto ko ng sariling matitirhan. Si Tita Liesel ang ina ni Lucy.
Pero pinagbigyan parin nila ako kaso kumuha sila ng bahay na di kalayuan sa mansion nila dahil ayaw nilang malayo ako sa kanila. Hindi lang best friend ang turing ko sa kanya. Si Lucy.... pamilya ko siya.
"Hoy Luna. Earth to Luna. Earth to Luna"
Nabalik ako sa wisyo ng makita na nagwe-wave sa harapan ng mukha ko ang kamay ni Lucy.
"Ano.. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"
Kumunot ang noo niya. "Wala pa akong sinasabi. Ano bang iniisip at nakatulala ka riyan? Ang scary mo, a"
"Mga bagay bagay?"
"Pfft. Mga bagay bagay daw. Ano naman kaya 'yun"
Natawa siya sa tinuran ko at tinuloy na lang ang pagkain.
Malapit na kaming matapos sa kinakain namin ng biglang dumating si Lorraine. Isa sa mga schoolmate namin sa school na 'to. Kilala ko siya dahil kilala siya sa lahat. Kung hindi ako nagkakamali, sikat siya dito sa loob at labas ng campus.
"Do you need anything Lorraine?" Tanong ni Lucy.
"Actually Lucy I don't have anything problem with you kaso diyan sa magaling mong alalay.. meron" mataray na wika nito at tinaasan pa ko ng kilay.
Same old Lorraine.
The Bully.
Simula nung mag-transfer ako dito sa school ni Lucy ay ako na ng ako ang pinag-iinitan niya. Di ko na lang pinapansin kasi alam kong wala akong mapapala. Isa pa, puro salita lang kasi ang alam ng isang ito.
"What's with you Luna? Ang landi mo naman yata para ahasin ang boyfriend ko. Look at yourself. Hindi ka ba nahihiya ha? Mataba. Maitim. Pandak. Noob. "
Hindi ko siya pinansin at inayos na lang ang pinagka-inan ko at nilagay sa loob ng bag.
"Hoy Luna. Huwag mo akong tinatalikuran ang bastos mo, a. Ganyan ba talaga ang ugali mo? Pang-bundok"
Tamad akong humarap kay Lorraine at saka siya kinausap.
"Ano ba 'yun?"
"Haahh! What a s**t. Eh ano yung nakarating sakin na nakikipag-usap ka daw kay Jerzy. Ano yun? Patagong pang-aahas"
Ang tinutukoy siguro nito ay 'yung kinausap ko si Jerzey na varsity player kasi pinapatawag ni Ma'am Cruz. Wala lang naman iyon pero bakit nakarating sa kaniya? Iba na talaga ang tenga ng isang ito. Wala akong masabi.
"Nababaliw ka na ba? Alam mo ba ang buong istorya?"
"Sa oras lang talaga na makita kong harap-harapan mong nilalandi ang boyfriend ko lagot ka talaga sakin. You will definitely see the definition of Hell. Got that?" Ani sa matinis na boses.
Umirap pa siya sakin at kekembot kembot na rumampa paalis sa harapan namin.
Umiling na lang ako kapagkuwa'y napabuntong-hininga.
"Hahaha. Ang hilig talagang maghanap ng away ang babaeng yun" si Lucy.
Inayos na rin niya ang sariling lunchbox at nilagay sa sariling bag.
"Class, Before I leave ay topic natin bukas ang Environmental Issues. I want all of you to take a picture na may kinalaman sa Environment. Understood?"
"Yes Ma'am Candice"
"Okay Class Dismissed. Goodbye Diamond"
"Goodbye Ma'am Candice"
Pagkatapos ay mabilis na nagsipuntahan ang mga kaklase kong babae sa harapan ng salamin at naglagay ng kung ano-ano sa mukha.
Lip tint.
Clay Blush.
Powder.
Ako naman ay kinuha na ang bag at hinintay sa labas si Lucy na nakikipag-usap kay Gerald. Manliligaw niya. Hindi alam nina Tita Liesel at Tito Hertim na may manliligaw ang bunso nilang anak.
Ako lang talaga ang nakaka-alam dahil ayaw niya pang ipa-alam sa sariling magulang, palibhasa bawal pa.
"Oh bat nasa labas ka?" Tanong ni Lyca. Kaklase ko.
"May hinihintay?" natawa lang siya sa naging sagot ko.
"O sige, kitakits bukas"
Tiningnan ko si Lucy na masayang nakikipag-tawanan kay Gerald. Kapag talaga sinumbong ko ang isang 'to malalagot talaga siya. Ilang beses na siyang sinabihan na bawal pang pumasok sa relasyon, e.
"Tapos na ba kayo? Baka pwedeng umuwi na tayo"
Nauna na akong lumabas sa classroom at sumabay na lang sa ibang estudyante na naglalakad. Naramdaman ko ang pagtawag ni Lucy kaya agad akong tumigil.
"Alam mo Luna kung ako sa'yo maghahanap na rin ako ng ibo-boyfriend at magkaroon man lang ako ng love-life. Para hindi boring ang buhay ko, no""
"Igagaya mo ko sa'yo?" Natatawang tanong ko.
Tumawa siya ng malakas kaya napatitingin ang ibang estudyante sa'min.
"Alam mo talaga feeling ko kapag naging kami ni Gerald. Feel ko talaga siya na e, siya na ang The One ko. Tignan mo naman ang sweet sweet namin. Palagi kaming naglalambingan---"
"Lampungan ang tawag dun"
"Bat ba ang bitter mo? Maghanap ka na lang din ng lalaki na babagay sa'yo ng hindu ka maging ampalaya forever. Tsaka 'wag mo ngang sirain ang perpekto kong lovelife okay?"
Malapit na kami sa gate ng School ng bigla naman dumating ang sundo namin ni Lucy kaya hindi ko na lang siya ulit kinausap. Isang Limousine ang bumalandra sa harap namin at oo ganyan sila kayaman.
∆ ∆ ∆
Hinatid lang ako ni Mang Berto sa mismong tapat ng bahay na tinutuluyan ko.
Pumasok na ako sa maliit kong bahay at nagsimula ng magbihis ng leggings at maluwag na t-shirt. Mas komportable kasi kapag ito ang damit ko.
Ako mismo ang pumili sa bahay na to dahil presko ang hangin. Maliit lang ang bahay ko. Kapag bukas mo agad ng pinto ay bubungad agad sayo ang pang-isahang tao na kama. May sofa rin ako sa gilid at sa bandang kaliwa ay ang kusina na katapat naman ng C.R. Wala masyadong gamit dito kung hindi ang aparador na wala rin naman masyadong laman at cabinet na naglalaman lang ng kaunti kong damit.
At makikita lang din sa likod ng bahay ko ang malawak na bukirin na pag-aari din ng pamilya ni Lucy.
Hindi noon pumayag si Tito Hertim na tumira ako dito dahil ayaw talaga nila akong napapalayo sa kanila at wala pang nagbabantay sakin. Pero pumayag din kalaunan.
Napaisip ako habang inaayos ang ilan kong gamit sa eskwela. Dahil Sabado na sa susunod na araw ay magta-trabaho pa ko sa bayan. Hindi ko hinahayaan na puro sina Tito at Tita ang gumastos para sakin kaya suma-sideline ako sa bayan. At dahil disi-syete na naman ako ay pinayagan akong mag-trabaho ng Boss ko. Hindi naman mabigat kaya ayos na sa'kin iyom.
Di nagtagal ay narinig ko na ang sigaw ni Lucy sa labas.
"HOY LUNA LABAS NA DIYAN"
"Okay."
Lumabas na ko pagkatapos kong magsuot ng tsinelas. Nakita ko si Lucy na nakatayo sa harap ng kotse nila.
'Kanina Limousine. Ngayon naman kotse. Big time'
Soot niya ang isang floral dress na off shoulder at pinartneran ng pink na doll shoes. Naka-braid din ang mahaba nitong buhok at nakasabit sa leeg ang DSLR na gagamitin namin para sa pangkuha ng mga. pictures
Lumapit ako sa kanya at pumasok na sa kotse.
∆ ∆ ∆
"Oh ayan kuhanan mo rin yan"
"Eto din oh. Maganda"
"Ayy may ibon. Dali picturan mo kasama nung burol"
"Ano ba Lucy! Ang bagal mo. Makakalipad na yung ibon oh" galit kong sabi sa kanya.
"WOW HA!! GRABE ANG LAKI NG TULONG MO! "
"Ayusin mo kasi ang pagkakahawak mo sa camera. Hanapan mo ng magandang angle hindi iyong basta ka click. Nasasayan lang sa'yo itong camera, patingin nga. Titignan ko kung may maganda kang kuha."
Tinignan ko isa isa ang mga picture sa DSLR niya.
"Ano bang kuha 'to?" Inis kong usal sa sarili.
Sinubukan kong tignan ang iba pang litrato pero kahit saan tignan mong anggulo wala talagang magandang kuha. Hindi maganda ang perspective at shots. Kung ito ang ipapasa namin hindi magdadalawang isip ang teacher namin at bibigyan kami ng mababang grades.
Humarap ako kay Lucy na may galit na ekspresyon pero kataka-taka na sa ibang direksiyon siya nakatingin.
"Hoy Lucy, ano ba sa tingin mo itong mga kinuha mo? Please, take this assignment seriously."
Hindi man lang niya ko nilingon bagkus ay nakatingin lang siya sa gilid.
"Lucyy." Winagayway ko pa ang kamay ko sa mukha niya.
Hindi siya natinag kaya nagtataka na ko sa kinikilos niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa gilid namin at hindi doon inaalis ang paningin.
Nilingon ko naman ang kanina niya pa tinitingnan pero wala akong nakita kung hindi ang umiihing aso lang pala.
Napalingon ako kay Lucy at ganon pa rin ang tingin niya. Pero hindi siya derechong nakamasid sa aso. Ano bang ginagawa ng isang to?
Bahagya ring naka-noot ang noo niya. Hinintay ko na lang ang susunod niyang gagawin dahil hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.
Nagulat na lang ako sa sunod na ginawa niya. Bigla niyang hinablot ang braso ko at mabilis na tumakbo.
"T-teka Lucy. Ano bang nangyayari?" Sabi ko habang tumatakbo.
Dahil nasa taas kami ng gubat nahirapan kaming bumaba.
"Luna, May lalaki. May hawak siyang baril."
Nagtaka ako sa sinabi niya.
"Ano kamo? Wala naman akong nakita, a"
"Ikaw wala."
Mas binilisan pa niya ang pagtakbo at halos hindi na ko makasabay. Buti na lang at hawak niya ang kanang braso ko.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kanya dahil wala naman akong nakitang lalaki at walang may b***l. Puro puno lang at huni ng ibon ang nakikita at naririnig ko sa gubat na ito.
Malapit na kami sa papalabas ng gubat ng biglang..... nakarinig kami ng isang umaalingawngaw na putok ng b***l.
∆ ∆ ∆
A/N:
Luna Nargorthon in the Multimedia (photo_(photo_not_mine)