“Dito ka muna kay Lola, ha...” saad ng isang taong nasa harapan ni Querencia. Hindi niya makita ang mukha nito at malabo rin ang kanyang paningin.
“Baba...baba...no...eshtay....” rinig niyang boses ng isang bata kaya kaagad siyang nagtaka.
“I'm sorry, but, Baba need to do something... It's for you anyway... I want you to be happy...” malambing nitong sabi habang hawak ang magkabila niyang pisngi.
“No, no, no, baba...” ani ng isang maliit na boses at nanginginig ito. Bigla nalang sumikip ang dibdib niya kapagkuwan. Biglang tumulo ang kanyang luha sa di malamang dahilan. She sob like a child. Hindi niya alam kung anong nangyayari. “No, baba, eshtay... Cia will behave, Cia behave... Dun leave Cia...” sabi na naman ng boses ng parang isang bata at ngayon pa niya napagtantong sa kanya pala ito nanggagaling. Habang nagsasalita siya ay pinipigilan niya ang hindi umiyak.
Inabot niya ang kamay ng taong kausap ngunit inalis nito ang pagkakahawak niya. Nanginginig ito at parang umiiyak narin. “I'm so sorry. Baba will come back. I promise you that. So please, bear it for the meantime...” humihikbing anito at saka hinawakan ang dalawang kamay niya. “I'll come back.” hinalikan nito ang kamay niya saka sa noo, ilong at pisngi.
Hindi na niya nakayanan pa at pumalahaw na siya ng iyak. Nagwala siya. “No! Baba eshtay! Eshtay! Cia scared! Cia alone! Cia good girl! Dun leave Cia! Dun leave! Cia dun bad anymore! Cia behave! Dun leave Cia alone!” sumalampak siya sa sahig at pinagsisipa-sipa ang mga paa ngunit pinigilan siya nito.
Niyakap siya nito ng mahigpit na mahigpit na para bang huli na nitong yakap sa kanya. “I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry. I'm really sorry. I'm really really sorry, Cia. But Baba need to. Cia's already a good girl. Baba loves you, okay? Please remember that.” saad nito at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa kanya.
Mas lalo siyang naiyak at may kasama na iyong sigaw. Kung mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya, siya naman ay mahigpit ding kumapit sa suot nito. “No!!!” buong lakas niyang sigaw nang akma na itong bumitaw sa kanya. Hinila niya ito para hindi ito makaalis ngunit mas malakas ito kaya naialis nito ang kamay niya sa damit nito.
“Cia scared! No! Cia alone! Dun leave Cia!” sigaw niya habang puno ng luha ang kanyang mga mata. Nanlalabo rin ang kanyang paningin dahil sa kakaiyak. “Pleash! Cia will be good girl! Dun leave Cia, baba! Cia scared!” sinubukan niya itong abutin ngunit bigo siya. Mayrong pumigil sa kanya mula sa kanyang likuran kaya nagpumiglas siya.
“Baba loves you so much, Cia. And Baba will come back, so please, wait for me.” huli nitong sabi at unti-unting nalang naglaho.
Napahagulhol si Querencia dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Hindi na niya ito kaya. Sumisikip ang dibdib niya at parang pinipiga ito ng lungkot at pagkalumbay tungo sa isang taong yun.
Nagising siya bigla nang mayrong mainit na bagay na dumampi sa pisngi niya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at tinitigan ang lalaking ngayon ay nasa harapan niya nakadungaw. May kakaiba itong ekspresyon sa mukha. Para itong nag-aalala. Pero bakit naman?
Umupo ito sa kama at inayos ang kumot niya. Pina-abot nito hanggang sa leeg niya ang pagkakakumot na para bang may sakit siya at baka malamigan.
“Go back to sleep.” mahina nitong sabi na ikinatitig niya lalo rito. Nagmumukha kasi itong malambing at maalaga sa paningin niya.
Akma itong tatayo kaya nabigla siya at pinigilan ito. Ayaw niyang iwan siya nito dahil takot siyang mag-isa. Sinumpong kasi siya ng pagiging matakutin dahil sa naging panaginip niya. Ni hindi nga niya alam kung totoo ba yun pero apektadong-apektado siya.
Hinawakan niya ang kamay nito “Can we sleep together, My Lord?” seryosong tanong niya at nakita naman niya ang pagtataka sa mukha nito kaya nagsusumamo siyang tumingin dito. Kung iiwan kasi siya nito'y siya nalang mag-isa.
Kumunot ang noo nito. “Why?”
Saglit siyang natigilan sa tanong nito. She already knew the answer yet she can't tell it. She wants to say that she felt safe when he's around.
“I'm afraid... I... I don't want to be alone.” gusto niyang may kasama siya at may karamay kung may mangyari man sa kanya. Her health is not good, mentally.
“Move aside.” biglang sabi the ng Archduke at hindi niya ito inaasahan. Bahagyan siyang nagulat dahil the sa naging tugon nito. Sobrang bilis din ng t***k ng puso niya.
Napakurap-kurap siya at nang mag-sink in na sa utak niya ang sinabi nito'y agad siyang gumulong patungo sa kabilang bahagi ng kama. Malaki ang kama at kasya ang apat dito kaya sobrang luwag nito dahil silang dalawa lang ang narito.
“There, My Lord.” nakangiti niyang sabi habang tinapik-tapik ang bakanteng bahagi ng kama.
Kung hindi siya nagkakamali ay mayrong dumaang emosyon sa mga mata ng Archduke. Mukha itong nasisiyahan sa panonood sa kanya. At kapagkuwan ay bigla nalang itong natawa. Tawa na kay sarap pakinggan. Hindi ito pilit at kusa itong lumabas sa bibig ng Archduke.
He's so handsome when he laugh...
Kapagkuwan ay napailing-iling ito saka sumampa na sa kama at tumabi sa kanya na mabilis naman niyang sinamantala. Niyakap niya ito nang walang pag-aalinlangan.
His body is so warm...
Isiniksik niya ang sarili sa katawan nito at napainat nalang siya ng katawan dahil sa sobrang komportable. If her memory serves her right, nasa kwarto parin siya ng Archduke. She's confused of why did he let her stay here. But, she'll just think of it tomorrow because she's still sleepy.
Mahina siyang napahikab at pinabayaan nalang ang sariling makatulog kahit na mayron siyang katabi at kayakap na lalaki. May tiwala naman siya sa Archduke na wala itong gagawing masama. Pero kung may gagawin nga ito, ito ang mananagot. She's just doing what he wants her to do at all— to behave. She behaved well.
AS THE SUN RISES AT THE EAST, Querencia was stirred from her sleep by the noise of the birds chirping outside of the room. She yawned then open her eyes.
“You're awake.” saad ng baritonong boses kaya napatingin siya sa nagsalita.
Kaagad nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ang Archduke ito. Bakit ito narito sa kwarto niya?! At magkatabi pa talaga sila!
Nakatihaya ang Archduke habang siya nama'y nakatagilid. Nakaunan siya sa braso nito at nakatanday ang kanyang paa sa binti nito, pero ang mas lalo niyang ikinagulat ay nasa loob ng damit nito ang isa niyang kamay. Nararamdaman niya ang init ng katawan nito at ang matipuno nitong dibdib, naka full display din ang mga pandesal ng Archduke dahil nakataas ang damit nito. Nasa likuran niya ang kumot nila!
Biglang namula ang kanyang mukha dahil sa kanilang posisyon ngunit pilit parin niyang hinila ang kanyang huwisyo. Kailangan niya ito para makapag-isip siya ng mabuti.
Napalunok siya nang masilayan ang mukha ng Archduke. He's so fresh. Mukha itong hindi galing sa pagtulog.
Kahit na nabibighani siya sa taglay na kagwapohan ng Archduke ay pinilit niya ang sarili na ngumiti at umaktong wala siyang nagawang nakakahiya para sa sarili niya.
“Good morning, My Lord.” nakangiti niyang bati at pasimpleng kinuha ang kamay niya mula sa loob ng damit nito. Inangat niya ito at hindi hinayaang mahawakan ang balat nito dahil baka mawala na siya sa tamang pag-iisip. Ang sunod niyang kinuha ay ang binti niya. Humiga siya ng tuwid.
Mukhang napansin naman ng Archduke ang ginawa niya dahil napailing-iling ito saka maingat na bumangon. Nakaunan sya sa braso nito kaya medyo umangat ang ulo niya.
Nakadungaw na ito ngayon sa kanya habang nakatukod ang isang braso dahil hanggang ngayon ay nakahiga parin siya sa kama. “Ang likot mong matulog, Miss Querencia.” naiiling na sabi nito.
Humaba agad ang nguso niya. “Pasensya naman, My Lord.” mahinahon niyang saad saka nag-iwas ng tingin. Hindi niya inaasahang magiging malikot pala siya ngayon sa pagtulog. Palagi kasi siyang parang walang buhay kung matulog dahil hindi siya gumagalaw base sa obserbasyon ni Marina sa kanya noon. At kung gumalaw man siya'y agad siyang nagigising.
Komportable ba siya rito kaya naging gano'n ang pagtulog niya?
Nabalik siya sa kanyang tamang huwisyo nang gumalaw ang Archduke at hinawi ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang noo.
“Mukhang kailangan mo pang matulog ulit, Miss. You're zoning out.” komento nito habang matiim na nakatingin sa kanya.
Saglit siyang napatitig dito dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Kalauna'y napakurap-kurap siya at napatingin sa paligid ng kwarto saka bumangon. Kwarto niya ito kaya nagtaka siya. Hindi ba't nasa kwarto sila ng Archduke kagabi?
“If you're wondering why we're here, I transferred you to your room but you didn't let me go so I stayed here and sleep.” biglang paliwanag ng Archduke sa kanya na ikinagulat niya. “You also sleep in my room so we're even.” dugtong pa nito.
Bahagyan siyang napanganga. Matindi ba talaga ang kapit niya kaya hindi ito makaalis?
Kapagkuwan ay sumilay ang nanunudyong ngisi sa kanyang labi. “Sabihin mo nalang na gusto mo akong makatabi, My Lord. Hindi naman ako magagalit.” tudyo niya habang tinusok-tusok ang tiyan nito ngunit ang matigas lang nitong katawan ang natutusok niya. Hindi nakikiliti ang Archduke. Mukha itong naka body armor.
Namamangha siyang tumingin sa tiyan nito at napunta na iyon sa pag-haplos. “Wow. Your body is really hard, My Lord. I can also feel your abs...” aniya habang nasa tiyan ang atensyon. Ang ganda talaga. Kahit na nakasuot ito ng damit ay mapaghahalataan paring maganda ang pangangatawan nito.
Habang sinusuri ang katawan ng Archduke ay nagtaas baba ang dibdib nito. Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Seems like you're enjoying my body, Miss.” madiing saad nito at hinawakan ang kamay niya palayo sa katawan nito saka sinamaan siya ng tingin.
Napanguso siya. “Pinapabayaan n'yo naman ako, My Lord, kaya sinamantala ko na.” aniya at kapagkuwan ay pilang ngumiti. Mayron na naman kasing pilyang ideya ang pumasok sa utak niya “If I behave well, My Lord, can I touch it whenever I like?” pabirong suhestiyon niya.
Naningkit naman ang mga mata nito at kapagkuwan ay napabuntong-hininga. He looks so done at her, but she's enjoying it anyway.
“I'll go now.” bigla itong tumayo kaya sinundan niya ito ng tingin. Mukhang ubos na talaga ang pasensya nito tungo sa kanya. “Baka kung ako pa ang magawa ko sayo.” mahinang dugtong nito kaya hindi niya ito narinig.
Hindi na hinintay pa ng Archduke ang magiging tugon niya. Mabilis itong naglaho kaya naiwan na siyang mag-isa.
Napakurap-kurap siya at sa ilang sandali'y tinignan ang kamay niya. She can still feel how hard his body is. It's really nice. Sa tanang buhay niya'y ngayon pa siya nakakita ng ganitong klaseng katawan. It looks so perfect.
Hinila niya ang kanyang unan saka isinubsob ang mukha rito at nagtitili.
His body is so perfect! His face is so damnn handsome! His personality is also a turn on! Gusto na niya itong gayumahin para mapasakanya na talaga 'to!
Argh! Why can't he just be hers?!
Nanlulumong napahiga siya sa kanyang kama saka napatampal sa kanyang noo. Kaya nga niya ito inaakit para makuha niya ito.
Napabuntong-hininga siya ng malakas. Kailangan niyang pag igihan ang pang-aàkit para magkatuloyan sila. Pero sa napapansin naman niya'y kaunti lang ang nagagawa niya.
When will he fall on her?