KABANATA 23 [ANG NAKARAAN]

1332 Words

DAHIL sa pagmamadali ni Hanna, hindi niya kaagad napansin ang sasakyang paparating. Ganoon na lang ang pamumutla niya sa isiping mababanggaan siya nito! Nangatog ang mga tuhod ni Hanna kasabay nang pagpikit niya at hinintay na lamang ang pagtama ng sasakyan sa katawan niya. Ngunit agad siyang napaangat nang tingin ng biglang huminto ang sasakyan. Ramdam ni Hanna ang panginginig ng kanyang mga kamay! Sa kabila ng takot, nagmamadali siyang tumungo sa tapat ng bintana ng sasakyan upang makahingi ng paumanhin. Ramdam pa niya ang bahagyang pamamasa ng kanyang mga mata at muntik na talaga siyang maiyak kanina! "Pasensya na ho, nagmamadali po kasi ako. Sorry po!" Kabado si Hanna habang humihingi ng paumanhin sa driver, ngunit narinig niya ang isang lalaki. "Sige na, hija. Mag-iingat ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD