chapter 1:
"I steal your lips and I ran far away,I'm troublemaker."
(c) Troublemaker
....
Malamig.
Malamig ang simoy ng hangin sa America, pero mas malamig doon ang presensya ni Ren. Kasama nila ito ng kanyang anak pero ang isip nito ay lumilipad sa malayong lugar, dama iyon ni Eunice dahil sa malalalim na buntinghininga nito.
"Ren, magpahinga ka na, tulog na rin naman si Henny," tawag nya rito. Napansin naman nito ang kanyang presensya.
"Are you sure you'll be okay?" Tanong nito, ngumiti siya para mapawi ang pag-aalala nito.
"Kahit hindi ako nakakakita, nandiyan naman si Marcy para alalayan ako kay Henny." Tukoy niya sa nanny ng kanyang dalawang taong gulang na anak. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakakita, hindi naman siya nawawalan ng pag-asa, darating din ang panahon, hindi niya lang mahahawakan ang kanyang anak, makikita niya na rin kung gaano ito kaganda. Nakukuntento lamang siya sa ngayon sa mga impormasyon na binibigay sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid, hindi siya nagkamali na buhayin ang kanyang anak kahit pa sa hindi inaasahan itong pagkakataon nabuo, walang kasalanan ang bata. Hennesy became her bundle of joy, her strength and her world. Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal niya dito, kaya naman, kuntento na siya sa kung ano man ang binibigay ni Ren sa kanilang mag-ina. Pagmamahal bilang isang kapatid, kagaya ng pagmamahal nito kay Ran, pero syempre mas angat dahil kakambal nito iyon. Pero meron itong Yuan na mag-aalaga, sa kanilang mag ina, wala. Kaya naman ito na ang kumuha ng responsibilidad na ayaw naman niyang ibigay. Nang dahil sa kanilang mag- ina, nagkahiwalay ito at si Candice, pero kahit magkahiwalay ang dalawa, maswerte si Candice dahil wala nang makakapalit pa rito sa puso ni Ren.
"About your eye donor..." pinutol niya ang sasabihin nito, mukhang mas frustrated pa nga ito na makakita siya.
"In God's time, darating din yun...ayoko naman na may isang tao na mawalan ng paningin para magkaroon ako. Ibibigay yun sa akin sa tamang panahon." payapa niyang sagot na may ngiti sa kanyang labi. Gusto niya lamang maging positibo, walang buting idudulot ang mga negative thoughts.
"All right, sabi mo eh, mauna na ako." Niyakap siya nito bago umalis, hindi naman sila nakatira sa isang bubong, sa kabilang bahay ito kasi ito. Mas mabuti na yun kaysa magawan sila ng isyu, kahit na moderno naman ang bansa kung saan sila naroroon at walang nakakakilala kung sino sila sa Pilipinas.
Kumilos siya para maayos ang sarili, kalkulado niya na ang bawat galaw, paningin lamang ang nawala, meron pa namang paraan para magkaroon ng saysay ang buhay.
Minsan , hindi niya mapigilan na isipin kung bakit sa kanya nangyari ito, pero nauuwi pa rin siya sa sagot na, nagkaroon siya ng Hennesy sa kabila ng hindi magagandang nangyari.
Yun lang sumasapat na.
Ang pinaghahandaan niya na lamang, kapag dumating ang panahon na magpakita ang ama ni Henny, alam niyang darating din iyon, meron silang koneksyon at imposibleng hindi mag krus ang landas nila.
...
"What the hell are you doing here young man!"
"Sir?!" Bakas ang takot sa mukha ng kaharap pagkarinig sa kanyang boses ,pero napalitan iyong ng matinding inis pagkakita sa kanya pababa sa hagdanan.
"Hayop ka Devon, demonyo ka talaga!Bakit ba paborito mong gayahin ang boses ng nakakatakot mong ama?" Tawang- tawa naman si Devon habang nauupo sa couch sa tapat nito.
"It's fun, seeing your reaction."
"Gago, lahat na lang ng boses ng tao sa paligid mo kayang kaya mong gayahin, pwede kang maging dubber sa anime alam mo ba?"
Nagsalin siya ng alak sa mga baso, inabot niya ang isa sa kaibigan. Iniangat niya iyon para yayain ito sa isang toast.
"It's my talent, Argon." buong pagmamalaking wika nya.
"And you take that for your advantage."
"Syempre!" Mayabang niyang sabi habang inisang lagok ang lamang alak ng kanyang baso.
"Where's your goody twin?" Napaingos si Devon sa tanong ng kaharap, hearing his twin's whereabouts makes his blood boil. If he is the bad one, Dion on the other hand is his opposite. Sobrang bait nito kaya ang sarap sakalin, siya naman ay namana ang kademonyohan ng kanilang ama.
Blame their mother.
When she runaway from his father, she took Dion with him....how he wish it could be him, okay lang sa kanya ang maghirap kaysa mabuhay sa madilim at masamang mundo kapiling ang ama. Iyon ang araw araw na kanyang ginagalawan kaya paanong hindi niya mamamana ang masamang ugali ng ama?
Patay na nga ang kanilang ina, ayaw niyang malaman kung paano. He forgot about her the moment he was dumped by his own mother.
Hindi naman siya mahalaga kaya bakit pa?
Masaya na siya sa kanyang buhay, he gets everything, from luxury to women and all. Isang pitik lang ng kanyang daliri, luluhod ang lahat para sa kanya. At sino pa ang magmamana ng business ng kanilang ama kung hindi siya? Takot ang kanyang kakambal na humawak ng baril paano pa kaya ang kumuha ng buhay ng mga walang kwentang nilalang?
"Sabi ng assistant ko, nasa simbahan daw , baka nag iisip maging pari." He teased.
"Or maybe he is there to pray for all your sins, lalo na yung ginawa mo roon sa babaeng mahal niya." Nawala ang ngiti ni Devon sa sinabi ni Argon, how can he forget that.
The girl was pretty and sexy. He remembered how soft she was under him. He smirked at those thoughts . It still lingers in his head. Inagaw niya ang regalo ng kanyang ama para rito. Mula ng bumalik ito, mas lumala ang galit niya sa kakambal. Ito na nga ang sinama ng kanilang ina noon, ito pa rin ang papaboran ng kanilang ama ngayon?
Hindi naman yata tama iyon.
Nakita nya noon na na hindi nito kayang gawin ang gusto ng ama, kaya siya ang gumawa, he got the girl and at the same time her overpowered him.
Nagulat na lamang siya ng mabasag ang baso sa kanyang kamay. Pero wala siyang maramdaman na sakit kahit pa dumadaloy ang dugo doon na nabasa rin ng alak.
Sanay na siya sa bawat sakit at kirot. Hindi rin naman natinag ang kanyang kaharap,kilala na siya nito, sa mahabang panahon na magkakilala sila, alam nito kung kailan sabay na humahaba ang kanyang sungay at buntot.
"Or maybe he is planning how to kill me perfectly." He smirked at that, pero hindi niya hahayaan na mangyayari iyon, he will make sure that he is always ahead. Hinding hindi siya mauungusan ni Dion.
Never, he is Devon after all.