"Please get some cereals too." Utos ni Eunice kay Marcy, paborito kasi iyon ni Hennesy, naglalakad ito at nakahawak sa kanyang kamay. Kahit hindi nakakakita, sumasama naman siya kay Marcy sa mga grocery, ayaw niyang palampasin ang mga ganitong bagay. She wants her daughter to live normally. Kahit may kapansanan, ayaw niya lamang na nakakulong silang dalawa sa bahay na mag-ina.
"Mommy, let's go to the park!" maganang sagot nito sa kanya.
"Yes, baby we will later."sagot niya rito.Hindi naman makulit na bata si Henny, napakabait at bibo pa nga. Mukhang naiintindihan pa nga nito ang kalagayan niya. She's a very understanding kid, an angel that was given to her to light her way.
"Do you miss your playmates already?" Tanong ni Marcy, maswerte din siya kay Marcy ,she's Pinay na may pamilya sa Pilipinas. Napakabuti nito at matiyaga sa kanilang mag-ina. Para siyang nakatagpo ng kapatid sa pamamagitan nito.
"Yes, tita Marcy!" magana nitong sagot.
"Such a cute kid." Nagtawanan ang dalawa, sumabay na rin siya sa tawanan ng mga ito. Clearly her daughter is adore and love by everyone. She can't wait to see her face. she hope na darating ang panahon na makikita niya rin ang mukha nito. Hindi siya nawawalan ng pag-asa, kapag nangyari yun, gugugulin niya ang buong araw para lamang pagmasdan ito. Hindi siya nakakaramdam ng pagsisisi ng dalhin niya ito sa mundo. All those pained were worth it. Si Henny ang kanyang kayamanan ngayon na hindi mapapantayan ng kung anuman.
"Such a cute kid indeed." Narinig niya ang matigas na Inggles na iyon, napayakap naman sa kanya ang kanyang anak. Nararamdaman niya ang takot nito.
"What's wrong." Tanong niya kay Marcy.
"Akong bahala." Naramdaman niya si Marcy na tumayo sa kanyang harapan, itinago silang dalawa ni Henny sa likod nito.
"Can you leave us alone?" Paki-usap ni Marcy, nakarinig siya ang mga tawanan ng mga lalake, hindi lamang pala ito nag-iisa, meron itong dalawa o tatlo pang kasama.
"Don't be so harsh, we just want to meet that beautiful woman behind you." Nandidiri siya sa narinig niya, pinipigilan niya ang takot na kanyang nararamdaman, dahil alam niyang natatakot na si Henny na mas humihigpit pa ang kapit sa kanya.
"Mommy." Tawag nito na parang iiyak.
"Okay lang baby, everything will be all right."
"I will call the security if you won't leave us alone!" Banta ni Marcy, salamat talaga kay Marcy na handang handa silang protektahan.
"Calm down, we mean no harm. See you around beautiful and cute little angel." Muli pa niyang narinig ang mga tawanan ng mga iyon. Hindi lamang ito ang unang beses na mangyari. Magagalit si Ren kapag nalaman ito, baka pagbawalan pa sila ni Henny na lumabas.
"Mga bastos na Americano." Ingos ni Marcy.
"Huwag mo na sanang sabihin ito kay Ren Marcy," Pakiusap niya rito pero nakatanggap agad siya ng pagtutol.
"He needs to know, paano kung sa susunod maulit na naman ito, paano kung makasalubong natin sila? Mahirap na. Kailangan nating mag-ingat, lalo ka na dahil alam natin na parehas na ikaw ang gusto nila, ang sarap dukutin ng mata noong mayabang na kalbo na yun!"
"Tita." Tawag ng natatakot na si Henny, mas nag-aalala siya para sa kanyang anak, kaysa sa kanyang sarili.
"Marcy," tawag niya rito para tumigil na si Marcy sa mga rants nito dahil natatakot na ang kanyang anak.
"Mommy, let's not go to the park later, uwi na lang tayo please?" Nagbago na rin ang isip ng anak, kahit gaano niya kagusto na ipasyal ito, hindi naman niya kaya itong alagaan, what more protektahan? Nawala na rin ang kaninang sigla sa boses nito.
Kung nakakakita lamang sana siya maiiwasan nila ang mga ganitong bagay at kaya nyang tumayo para sa kanilang mag-ina.
"Okay baby, next time na lamang tayo papasyal."
...
"I saw your brother?"
"Saan naman?" Makahulugan siyang tinignan nito. Devon just rolled his eyes at Argon. Masyado bang halata na interesado siya sa whereabouts ng kanyang kakambal? It's not like he cares for him, he just want to know what's his good twin's up to.
"At the hospital, doing some test."
"At ano namang ginagawa mo sa hospital?" as long as he is out of his way ay hindi niya rin babanggain ito, pero yung ginagawa ni Argon sa hospital ang nakaka curious para sa kanya.
"At ano naman ang ginagawa mo sa hospital?" Inulit nito ang kanyang tanong saka ngumisi ito ng nakakaloko, ang ngisi nito na kabisado niya na. s*x addict just like him.
"Two hot nurses bro."
"Ulol!" Nagbiruan pa sila bago dumako sa negosyo ang usapan. Meron din naman silang legal na business na dalawa, pero ang illegal na business ay kadugtong na ng kanyang bituka. Dito siya minulat nga kanyang ama.
"Pinapauwi ka ng ama mo, hindi ka pa ba uuwi at hahalik sa kanya?" Tudyo sa kanya nito.
"Do you wanna die?" Itinaas naman nito ang mga kamay, sign ng pagsuko. Banta lang naman yun at sanay na ito. Naiinis lamang talaga siya kapag nasasama ang matandang hukluban na kanyang ama sa usapan. Isa pa, wala pa siyang balak umuwi, masarap ang buhay sa America, maging ang mga babae ay masasarap din. Mga game, no strings attached. Mapapauwi lamang siyang bigla kapag namatay na ang ama at maisasalin na sa kanyang pamumuno ang lahat ng kayamanan nito, doon hindi siya magdadalawang isip na umuwi.
"Devon...paano kung nagbungga yung nangyari sa inyo noong bestfriend ng kakambal mo? Paano pala kung may anak ka ngayon, tapos babae pa, what will you do?"
Napahinto siya sa pagbabasa sa mga papeles at matalim na nakatingin kay Argon. Seryoso kasi ito sa tanong. Nakakaulol lang dahil nakakabwisit ang kaseryosohan nito.
"Huwag kang magbiro ng ganyan." Matigas niyang sabi rito.
Hindi sa dahil sa takot kay Dion, hindi siya kailanman matatakot sa duwag na iyon. Iyon ay sa kadahilanang ayaw niyang magkaroon ng anak.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, hindi iyan magandang biro." Ingos nya rito saka binigay ang isang papeles na gusto niyang pag-aralan din nito.
...