...
GL 3:
"Are you sure about this?" Napalingon si Dion sa kanyang assistant, si Lee. Ito ang kasama niya sa loob ng ilang taon. Makailang beses na niyang narinig ang tanong na yun pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang desisyon.
"Yes. It's my way to pay for all my sin." Sabi niya habang nakatingin sa harapan ng bahay ni Eunice at ng anak, nasa labas ang dalawa kasama ang kasambahay na si Marcy. Tagsibol na ngayon at masaya itong nakikipaglaro sa alaga.
"We both know na hindi ikaw ang gumawa ng kasalanan , pero bakit ikaw ang magsasakripisyo?" Tutol ni Lee, tama ito, isang tanong na napakadaling sagutin sa kanyang parte. Mahal niya si Eunice, isang simpleng sagot na galing sa puso na hindi na kailangan ng kung anumang palamuti o mabubulaklaking salita. Minahal niya si Eunice mula pagkabata hanggang ngayon na kahit hanggang tingin na lamang siya ay patuloy niya itong mimamahal, nadudurog ang kanyang puso sa tuwing naaalala ang malungkot na sinapit nito sa piling ng ina at ng kanyang kakambal. Hindi deserve ni Eunice ang maranasan ang mga masasalimuot na bagay na iyon.
"Sino kayo?" pauwi na siya noon galing sa school nang harangin siya ng limang kalalakihan, sapilitan siyang sinakay ng mga ito sa van at pinaharurot iyon, nanlaban siya ngunit hindi iyon sapat para makatakas siya sa kamay ng mga ito.
"Bitiwan nyo ako!" wala talaga siyang ideya kung ano ang kanyang atraso, sapilitan siyang binaba ng mga ito at hinila papasok sa loob ng isang malaking bahay. Wala siyang ginagawang masama, nabubuhay siya ng marangal, wala siyang naalalang kanyang naagrabyado.
"Tumigil ka!" sita sa kanya ng isang lalaki, dahil sa pagpipiglas ay nasuntok niya ito. Nagalit naman ang lalaking iyon kaya gumanti ng suntok sa kanya. Hindi siya sanay sa pakikipaglaban kaya naman mabilis siyang natiklop. Hindi niya talaga linya ang pakikipag basag ulo.
"And who gave you the right to hurt may son!" Dumagundong ang boses na iyon sa mansion, kasabay ng paglapit ng isang matangkad na lalaki na nagpagulat sa kanya. May dala itong baston, lumapit doon sa nanakit sa kanya at walang awa na hinampas ito sa mukha. Malakas itong napadaing pero pinilit pa rin na tumayo. Nasundan pa iyon ng ilang beses hanggang sa mapaupo na ito, duguan na ang katawan nito na nagmamakaawa.
Saka lamang nahimasmasan ang lalaking tumawag sa kanya ng "son"
"Son, welcome home!" nakangiti na ito sa kanya, parang bula na nawala ang galit nito kanina lang, bukas ang kamay nito na hinihintay syang lumapit para sa isang yakap. Pero napaatras siya dahil sa takot at pagkalito.
Wala siyang ama, isa siyang ulila, maaring meron, pero sabi ng kanyang ina noon, wag niya ng pangarapin pa na makilala ito. Hindi naman siya naghangad pa. Alam niyang mabigat ang loob ng ina kapag nababanggit ang ama.
"Pakawalan mo na ko. Uuwi na ako." Sabi niya na agad nitong binalewala.
"This is your home son, it's about time for you to stay beside me. About time for you to come home." Sabi nito na waring ipanagmamalaki pa ang kapaligiran na sumisigaw ng karangyaan. Lumingon siya para makita ang mga lalaki na may malalaking bulto ng katawan, seryoso at wari'y hindi marunong makipag biruan.
"Hindi ako naniniwala sa'yo." Ngumisi naman ito sa kanya.
"Devon, get the hell out!" Sumigaw muli ang nakakatakot na lalaki.
"No need to emphasize old man, my name already screams that I live in hell." Mula sa taas ng hagdan ay bumababa ang isang lalake na kulay silver ang buhok, nakangisi it .at habang lumalapit ito sa kanila ay napapaawang ang kanyang bibig.
Kaharap niya ang isang taong kamukhang kamukha niya.
"This is Devon, your twin brother." Pakilala ng nagsasabing kanyang ama, nakataas naman ang sulok ng labi ng lalaking Devon ang pangalan. Nilahad nito ang kamay sa kanya. Kinuha niya iyon sa pag-asang panaginip lamang ang lahat. Pero hindi, pagkadaop ng kanilang mga palad ay parang tumulay ang kanilang koneksyon. Parang nabuo ang pusod na nagbubuklod sa kanila noon...kasabay ng pagbabalik ng mga panaginip.
"Ikaw ang taya!"
"Sige tago ka na!" dalawang lalake na magkamukha, naghahabulan habang pinapagitanaan ng isang magandang babae na tawa nang tawa...napakasaya,pero napalitan iyon ng pag-iyak.
"Wag nyo akong iwan!"
"Wag nyo akong iwan! Sasama ako!"
"Remember me? " ngisi nito sa kanya, humihigpit na rin ang kapit nito sa kanyang kamay," You better be, because i remember you so well."
Panganib.
Iyon agad ang pumasok sa kanyang isip sa kabila ng ngisi ng lalaki sa kanyang harapan.
Nakulong siya sa bahay na iyon na napapaligiran ng panganib, hindi sila muling nagkausap ni Devon, ang kanyang ama ang siyang kumakausap sa kanya at nagpapaalala ng mga bagay bagay. Mga ala –alang nawala bunga ng murang kaisipan. Ang kanyang dating kwarto, mga laruan, mga litrato...lahat ng iyon. Kapag nagtatagpo ang kanilang mga mata ni Devon, nakikitaan niya ito ng matinding galit, panibugho? Sa pagmamahal ng kanilang ama? Hindi naman niya iyon hinihiling sana'y na siyang mabuhay ng masaya at simple. Sanay na siya na ang mundo ay umiikot kay Eunice.
"You will love my gift." Sabi sa kanya ng ama, minsang nasa hapag ng mahabang mesa, nasa kanan siya nito habang si Devon ay nasa kabilang dulo, malayo sa kanilang dalawa, malaki ang distansya parang loob nito. Hindi magkasundo ang dalawa, yun ang napagtatanto niya sa kanyang pang limang araw doon.
"Hindi ko po kailangan ng regalo. I want to go home and continue with my ordinary life." Ikinumpas ng ama ang kamay para patigilin siya.
"No you will love this gift, may malaking utang ang kanyang ina at kayang kaya kong ibigay sa'yo ang kanyang anak." Hindi nga siya nagkamali ng hinala, si Eunice ang tinutukoy ng ama, nakompirma yun ng araw na dumating si Eunice, binenta ng walang kwenta nitong ina sa kanyang ama.
Tinawag siya para puntahan ito sa kwarto. Ito ang regalo at malaya siya sa kung anuman ang gagawin, pero hindi niya iyon kayang gawin kay Eunice, hindi niya ito masasaktan lalo na ang pagsamantalahan, kakausapin niya ito at hihiling sa kanyang ama na palayain na ito, kapalit ng kanyang pananatili.
Nakita niya itong walang saplot sa kama at hindi nya ipagkakaila na nabubuhay anng temptasyon na nararamdaman niya para rito. Pero hindi pwede, hindi niya kaya, mahal na mahal niya si Eunice para pagsamantalahan ang kahinaan nito. Pagtalikod nya sa pigura ni Eunice ay kanyang nabungaran ang kanyang kakambal.
"I know you can't do it, you're a coward." Yun ang kanyang huling narinig bago nakatanggap ng malakas na suntok na nagpawala sa kanyang malay.
Nang magising siya...napahamak na si Eunice sa kamay ng kanyang Demonyong kakambal.
Tama ito, he really belong in hell at ibabalik niya ito roon alang alang kay Eunice.
...
"Hindi ko pagsisihan ang aking desisyon." Sagot niya bago inutusan ang assistant, ngayong araw na isasagawa ang kaniyang plano. Makakakita na si Eunice at hindi nito kailangan na malaman na siya ang nagbigay ng kanyang mga mata,