I opened my eyes as it was irritated with the heat and light coming from the sun rays. Umupo ako habang nakahawak sa ulo kong nananakit at kinusot ang mga mata ko. My eyes wandered around when I noticed that the bedsheets were not the same as the bedsheets I have in my condo.
Nalaglag ang panga ko at nanlalaki ang mga mata ko nang mapagtantong wala ako sa kwarto ko. Did I sleep with someone?! May nangyari ba?! Kaninong kwarto 'to?
Sinipat ko ang damit na suot ko at nakahinga ng maluwag nang parehong damit pa rin naman ang suot ko sa suot ko kagabi. The next thing I checked was my pocket.
Doon nakalagay ang cellphone ko na ngayon ay wala na kaya naman nagsimulang tumambol ng malakas ang puso ko mula sa dibdib ko dahil sa kaba at pagkataranta nang makita ko itong nakapatong sa bedside table sa kanan ng kama.
Kinuha ko ito at binulsa sa likod ng shorts na suot ko at hinawi ang kumot na tumatakip sa kalahati ng katawan ko at tumayo. Aayusin ko sana ang higaan para tignan kung may iba pa ba akong mga gamit sa higaan nang makakita ako ng pulang marka sa kobre kama.
My eyes widened. Wala namang nangyari pero bakit….
I saw a glass of water and hangover pills beside my phone. Ininom ko ito bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Rinig mula sa kinatatayuan ko ang kalansing ng mga kagamitan sa kusina. Mula rin dito sa pwesto ko ay amoy rin ang pagkaing niluluto ng kung sino man ang nasa kusina. Sinilip ko ang pinagmumulan ng ingay at nakita ang malapad na likod ng isang lalaki na busy sa ginagawang pagluto.
I was planning to leave without notice but then, kailangan ko pang dumaan sa kusina para mapuntahan ang pinto palabas dito.
Palipat lipat ang tingin ko sa pinto at sa likod ng lalaki habang nagiisip ng paraan para makaalis dito nang mapatagal ang pagtingin ko sa mga lalaking nakaitim na muscle shirt at grey na sweatpants.
Kung gapangin ko kaya?
Yung, ano....yung pinto!
Despite the plans I have, I decided to approach him. Umupo ako sa stool sa may counter area at pinanuod siyang tapusin ang ginagawa.
The guy turned around and stopped when he noticed my presence. That's when I saw his face.
Sa pagangat pa lang ng isang sulok ng labi niya ay alam ko ng halata sa mukha ko ngayon ang pagkabigla.
"Brixz?" Mahinang tanong ko habang nakatingin pa rin sa mukha niya at sa kabuohan niya habang naghahain siya.
"Hmm?" He hummed as he poured some fried rice on the plates.
"Brixz!"
Masyado yata akong natuwa at naisigaw ko ang pangalan niya. That's when realization hit me the reason why I felt my cheeks burn. Hindi lang pagiinit ng pisngi ko ang nararamdaman ko kung hindi pati na rin ang dahan dahang paglakas ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa mukha niya.
"Good morning. Breakfast?" He asked invitingly.
Hindi kaagad ako sumagot dahil sa pagkabigla kaya naman sinulyapan niya ako habang nakatayo sa gilid ng puti at bilog na lamesa at nagsasalin ng tubig sa baso.
As I observed his every move, I noticed small changes from his features. Ang dating payat ngunit matangkad na lalaki, ngayon ay kumisig at mas lalo pang tumangkad. He became lean and muscular which made him look more mature than he was before. Some of his facial features became more defined than before, like his jaw, his nose and chin, his face became more angular in short.
"A-ano, ahm. Alis na 'ko." I said and pointed to the door behind me as my eye switched from his body and his face. Wow, things really do change.
"Kumain ka muna magugutom ka niyan." He said while holding on the chair's backrest as his eyes remained on me.
Huminga ako ng malalim at yumuko bago dahan dahang tumango at pinuntahan siya sa lamesa. He prepared another plate and poured a glass of water for me.
Tumingin sa akin si Brixz nang mapansing hindi pa ako nakaupo ng umupo siya.
"Rubyane." He called, pulling me back to reality.
"Ha? B-bakit?" I snapped out of my thoughts.
"Pagkain mo." He pointed at my plate which made me realize that I was staring at him too much that he probably noticed now my eyes were glued to him.
"Uh, Brixz....meron ka bang....pamatong?" I asked. Nakakahiya!
"Ha?"
Pa'no ko ba sasabihin 'to? I'm on my period? Nireregla ako at natagusan ko ang bedsheets mo? Na may tagos ako?
"May dugo." Iyon lang ang nasabi ko sa kabila ng mga naisip kong sasabihin.
"Dugo?" He stood up and walked towards the chair in front of me, making me step backwards.
Napansin niya yata ang pagatras ko ngunit pinagsawalang bahala niya na lamang iyon at tiningnan ang upuan na uupuan ko sana.
When he saw that the chair is squeaky clean, he sighed then looked at me. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at inilagay ang mga kamay ko sa likod na sinundan ng mga mata niya habang pinipigilan ko ang paglukot ng mukha ko dahil sa pananakit ng puson ko.
"Kumain ka na muna. Ako ng bahala." Sabi niya.
"Pero...."
"Rubyane." He sternly said, warning me.
Nagaalangan man ay naupo na rin ako. I felt my wet underwear made the situation even more uncomfortable for me. Brixz left me on the table once he saw me already sitting.
Sinimulan ko nang kumain nang maupo si Brixz sa harapan ko.
"By the way, uhm...Brixz," Panimula ko. "Pa'no pala ako napadpad dito? Did I..." I sighed. "Did I do something that I should be regretting by now?" Maingat na tanong ko habang pinagmamasdan ang bawat ekspresyon na ginagawa niya.
"Wala. Wala naman." He said with a smirk plastered on his lips as he stared at my face making me think otherwise.
"Okay? So pa’nong nandito ako ngayon?" I asked once again while I stopped myself from scrunching my nose because of the abdominal pain I felt.
"I mean, pa'no ako napadpad dito at.....kasama ka?" Paglilinaw ko bago sumubo sa pagkain habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
I saw his eyes follow my moves the reason why I suddenly felt conscious about my actions, my posture and my look. Wala sa sariling napaupo ako ng tuwid at napatingin sa sarili.
"Nahulog ka." My eyes met his as I felt my heart change its beat.
Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi ko rin sigurado kung dahil lang ba sa kaba ang nararamdaman ko o may ibang ibig sabihin na lalo na sa sitwasyon na ito. Me and Brixz together in one place and face to face. I don't know the reason why but I know that somehow, that he has an effect on me.
"H-huh?" Napainom ako ng tubig ng wala sa oras at muli siyang binalingan. "I, I fell?" Paguulit ko.
"Yeah," He confirmed. "Lasing na lasing ka na at pagewang gewang na kaya dinala na kita rito. Hindi ko naman alam kung saan ka nakatira, ni hindi nga kita makausap ng maayos kagabi. You were so stubborn, Ms. Arandia." Sabi niya sabay ngiwi na para bang may naalala na ikinapula naman ng pisngi ko sa kahihiyan.
Ano bang pinaggagawa ko kagabi?
Brixz suddenly stood up when we heard a whistle, leaving me alone at the table. Nang bumalik siya ay may dala dala na siyang hot compress na nakabalot sa manipis na twalya at inabot ito sa akin.
"Ilagay mo sa puson mo." Sabi niya nang tignan ko siya ng may nagtatakang ekspresyon.
Napansin niya.....
I blushed and accepted the hot compress then placed it on my lower abdomen.
When we finished eating, Brixz let me borrow his black jacket to cover up the blood stain on my shorts. He didn't let me wash the dishes even though I insisted, he told me to just sit, rest and wait for him to finish cleaning up the kitchen.
Nang matapos siya sa paghuhugas ng plato ay nagboluntaryo siyang ihatid ako. Okay lang naman sa akin dahil hindi ko rin naman dala ang sasakyan ko and it will be more convenient for me than commuting. Tinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa condominium na tinitirhan ko.
We were both quiet until we reached my building. The car was filled with silence but my mind was in turmoil.
Binaba niya lang ako sa may bungad ng building dahil mukhang may lakad pa siya ngayon. Medyo natagalan pa kami dahil traffic at medyo malayo layo rin ang tinitirhan niya. I just thanked him and watched him drive away before I entered the building.
I entered my unit and went straight to shower. Nakapagpalit na ako ng simpleng puting oversized t-shirt at cotton shorts.
Umupo ako sa study table ko rito sa kwarto ko habang pinupunasan ng twalya ang basang buhok ko.
I opened one of my law books to read dahil may recitation kami bukas and for sure, gigisahin na naman kami ng mga prof namin bukas. As a student taking up legal management, kailangan talagang maging habit ang pagbabasa.
Depending on stock knowledge won't get you anywhere. Kahit saan mang course ay dapat talagang ugaliin ang pagbabasa. All courses are difficult, nothing's easy when it comes to success.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang pumasok sa isipan ko ang imahe ni Brixz. I sighed and continued reading even with the cramps and abdominal pain I was feeling.
Wala naman ng kakaibang nangyari sa mga sumunod na araw. Linggo na ang nakalipas nang magkrus ang landas namin ni Brixz, pagkatapos ng araw na iyon na para bang walang nangyari.
"Ano ba 'yan! Ang aga aga eh." Reklamo ko habang nilalakad ang pinto ng unit ko at kinukusot ang mata ko.
I opened the door and was greeted by Aeya who was wearing a peach jacket and a black leggings with her pair of white rubber shoes while her hair was tied up in a ponytail. May dala dala rin siyang malaking bag na lagi niyang bitbit kapag kinukulit ako na sa tingin ko ay naglalaman ng mga pamalit niya at iba pa niyang kagamitan.
"Ayoko!" Sabi ko at inambahan pang sasarahan siya nang iharang niya ang kamay niya sa pinto.
"Aray! Tangina." She shouted the reason why I hurriedly opened the door to check on her.
"Yan, bakit mo naman kasi hinarang kamay mo diyan? Are you stupid?" I said as I inspected her fingers that turned red from being slammed by the door.
"Sino kaya 'tong nagsara ng pinto? 'No?" She said snatched her hand from my hold. "Anyways, kailangan mo pagbayaran 'yang ginawa mo sa kamay ko." She said. Kaya unti unti akong napatingin sa kaniya na ngayon ay nakangiti ng malaki na aakalain mong may masamang plano.
Alanganing napangiti ako sa kaniya at dahan dahang umiling habang siya naman ay dahan dahang tumango tango sa akin.
The next thing I know is that I am already wearing a turquoise oversized hoodie and black leggings standing in the middle of a running track here in Marikina Sports Center, catching my breath with my hand on my knees.
Hindi pa naman masyadong maraming tao lalo na't alas singko pa lang ng umaga. Medyo madilim pa ang paligid pero hindi naman masyadong maliwanag dahil may mga ilaw naman dito at pasikat na rin ang araw.
"Tubig, you want?" Aeya asked and handed me my tumbler.
"H-hampas, y-you want?" Hinihingal na sabi ko habang tagaktak ang pawis sa noo at leeg ko.
Inagaw kasi ni Aeya ang cellphone ko mula sa akin habang tinitingnan ko ang listahan ng mga dapat kong gawin ngayon. She ran away taking my phone with her so I had no choice to chase her just to get my phone back.
I can't believe I ran a whole 400 meters track oval two times!
"Yung....p-phone ko. Give me back my phone." I said and raised my hand as if asking for something.
"Oh," She said and handed me my phone. "Edi nakapagexercise ka rin. Lagi ka na lang nando'n sa unit mo at nagmumukmok." She said and drank from her tumbler.
"And so? Maupo nga muna tayo, pwede?" Pawisang sabi ko.
"Ikaw na lang. Hahabulin ko pa siya." Pabirong sabi niya.
"Madapa ka sana." Sabi ko bago siya tinalikuran at nilakad ang distansya papunta sa mga upuan sa gilid.
I sat there and observed the people do several different exercises. Habang papasikat ang araw, parami ng parami ang mga taong pumupunta rito.
I took my hand towel from her bag and started to wipe my neck and my forehead. I put my phone in her bag and took out my scrunchie. Inipon ko ang buhok ko at tinali ito dahil dumidikit na ito sa batok kong basa na sa pawis.
Hindi na ako nagdala ng bag ko dahil hindi naman ako nainform na sasama ako ngayon kay Aeya.
After I fixed myself, I continued to watch the area and the people around me. Nang magsawa ay tumayo ako at nagsimula nang maglakad lakad nang mapunta ako sa gilid kung saan naglalaro ang mga kalalakihan ng basketball.
I watched them toss and pass the ball from player to player. Nasa gilid naman ako at siniguradong hindi nakaharang sa race track at hindi makikita ng mga naglalaro.
My attention was caught by one player who was wearing a black sports headband on his forehead, under his bangs and a blue and white basketball jersey with the surname Anderson.
Pinanood ko siyang makipagbiruan at makipaglaro sa mga kasama niya habang basa sa pawis. Mabilis ang bawat galaw niya na para bang ayaw magpatalo. Mula rito, kita ko ang determinasyon niyang manalo sa bawat pagagaw niya sa bola at paghagis nito sa basketball ring.
"Go Brixz!" Tuwang tuwang sabi ko pa nang ma-ishoot ni Brixz ang bola sa ring nang gumawa siya ng three point shot.
That's when I realized that I cheered it out loud that some of the people around me looked at me including the people from the court.
Agad na lumipad ang kamay ko sa mukha ko para matakpan ito at dali daling tumalikod bago tumakbo palayo mula roon habang iniisip ang kahihiyang nagawa. I ran with my cheeks burning.
Natigil lang ako sa pagtakbo nang marating ko ang inuupuan ko kanina. Wala pa si Aeya roon pero nandoon pa rin naman ang bag niya kaya nagpahinga na lamang ako habang hinihintay siyang bumalik.
Hindi ko na talaga gagawin yung ginawa ko kanina! I'll never do that again! Ever!