"Ang creepy mo." Nalipat ang tingin ko mula sa mga batang nakauniform pa at nagaasaran sa kabilang table rito sa restaurant at nalipat kay Aeya na ngumunguya habang nakatingin sa akin.
"Bakit naman?" Tanong ko sabay inom mula sa straw ng milk tea ko.
"Ay, wala. Nakita ko lang naman kasi yung kaibagan ko, tulala, minsan ngumingiti ngiti pa, o kung hindi naman nakangiti nakatulala lang at mukha pang galit sa mundo." Sarkastikong sabi niya.
"Pake mo ba?" I asked which earned me a glare from Aeya.
I just missed those highschool days. Those days left memories worth remembering and I can't believe it's been 6 years already since I graduated from Junior High School and still, those memories lingered like it was just yesterday.
"Anong 'pake mo ba'? Aba'y bastos 'yang bunganga mo ah! Umayos ka, Jadie." Nagbabantang sabi niya habang galit na ngumunguya. Ay ang ingay!
Tingnan mo 'to, naturingang naka long sleeves at wide leg trousers na beige, ganiyan magsalita. Scam!
Kung titingnan ay halos magkatulad sila manamit ni Talia pero 'di hamak namang mas mahinhin magsalita si Talia kung ikukumpara kay Aeya. Hindi naman kasi talaga ganiyan manamit si Aeya. Ewan ko ba rito at ganito ang suot ngayon.
"Anong meron sayo at ganiyan ang suot mo?" Hindi ko na napigilan pa at itinanong ko na.
She heaved a sigh. "Yung type ko kasi, hindi ako type. Ayaw niya raw sa mga kaladkarin. Sa mga katulad ko. Ano bang mali sa mga sinusuot ko? Porke ba nagsusuot ako ng fitted na bistida, crop top, tube tops, kaladkarin na?" She said and laughed bitterly.
Lumambot ang expression ko at huminahon. "You know what, Aeya. You don't need to change yourself for someone else. Be yourself and let them love you for what and who you are." Sabi ko habang nakatingin sa kaniya na nakatingin sa malayo.
She nodded and drank from her drink before she let out a deep breath.
"Anyways, bili tayo ng damit later." Sabi niya dahilan para bigyan ko siya ng mapagtanong na tingin. Ano na namang plano nito?
"Anong 'tayo'? Libre mo?" I asked.
"Ang yaman yaman niyo, magpapalibre ka lang? Kayang kaya mo ngang bumili ng isang mall tapos sa’kin ka pa magpapalibre na ultimo pamimili ko ng damit kailangan ko pa pagipunan. Galing mo ah." She said, earning a smile from me that faded too soon.
“Kinawawa mo naman masyado sarili mo.”
We finished our food and left the restaurant. Naglakad lakad muna kami habang tumitingin tingin sa mga boutique. To be honest, hindi ko talaga alam kung anong klaseng damit ang bibilhin namin pero base sa mga damit na minamata ni Aeya ay alam ko na agad kung saan.
"Sina Adie? Ba't 'di mo inimbitahan?" Tanong ko habang tumitingin tingin na rin sa mga damit.
"Busy, alam mo naman 'yon. Yung isa naman, ayon ayaw sumama, may kadate." Matamlay na sabi niya habang tinitingnan ang dress na hawak.
"Tampo na 'yan?" I asked, teasing her.
She didn't answer me and just continued searching for clothes. Nang wala kaming mahanap na damit na masusuot sa mga boutiques ay pumasok kami sa loob ng department store at doon nagikot ikot. We searched every brand and every corner until we found outfits that fits our tastes.
"Mamaya ah? Babalikan kita. Tignan mo. 10 p.m. Text ko rin sila Adie." Sabi ni Aeya nang itinigil niya ang sasakyan niya sa tapat ng condominium na tinitirhan ko. Aeya volunteered to drive me home since she brought her car with her.
Maaga pa naman dahil magaalas otso pa lang. Medyo napatagal kasi kami dahil ang haba ng pila sa bayaran, ang dami pa naman naming binili.
She drove away once we said our goodbyes. Pumasok na rin ako sa building ng condominium na tinitirhan ko habang hawak hawak ang mga paper bag na naglalaman ng mga pinamili ko. I silently greeted the security guard and went straight for the elevator and pushed my floor button.
I unlocked my unit's door and dropped myself on the sofa. Pagkatapos ng ilang sandali ay napagdesisyonan kong gawin na muna ang schoolworks ko kaya tumayo ako at iniwan ang mga paper bag na dala ko sa sahig, sa tabi ng sofa at pumunta sa kusina para maghanap ng makakain habang gumagawa.
I took out two strawberry flavored ice cream in a cup I bought the other day and one teaspoon. Binalikan kong muli ang mga paper bag na dala dala ko kanina at pinasok sa loob ng room ko. Kinuha ko na rin ang mga librong babasahin ko pati na rin ang mga written works na kailangan ko pang gawin dahil this week na rin ang pasahan.
I sat on the carpeted floor and placed my books, highlighters and my ice cream on my coffee table. Sinimulan ko ng magbasa pero wala pa sa kalahati ay sumasakit na ang ulo ko.
Life as a student is tough. Hindi naging madali ang dalawang taon ko bilang Senior High School student. New environment, new people. I started off different. Hindi na ako anak ng teacher sa eskwelahang pinasukan ko. Everything was new to me the reason why I had a hard time to adjust.
What made it even harder was the second thoughts I had along the way. Hindi ko alam kung tamang track at strand ba ang kinuha ko. I was like walking in a path, not knowing what awaits me at the end, not knowing where it takes me. Para bang naglalakad ako sa isang daan na pakiramdam ko ay hindi nakalaan para sa akin.
I took the Academic Track and chose Accounting, Business and Management as my strand. For the past 2 years as I continued to walk the path that was chosen for me, I'm still wondering if it was really for me. I took ballet lessons after the first semester of my second year as a Senior High School student despite having a hectic schedule between school applications, work immersion, and school work.
Hindi ko forte ang mga sayaw na katulad ng ballet dahil mas sanay ako sa freestyle at sa hip hop but still, Mom never stopped bugging me to attend those ballet sessions, and so I did.
Let's just say that all of my summer vacations were as busy as studying in school.
Three hours passed and still, marami pa rin akong kailangan basahin. Ubos na rin ang ice cream ko kaya naman tumayo na muna ako para sana kumuha muli sa refrigerator rito sa unit ko nang marinig ko ang doorbell.
Bumalik ako sa lamesa ko at tinanggal ang mga gamit ko roon at nilipat sa study table ko sa kwarto bago pinuntahan ang pinto at buksan.
"Ay, ang tagal." Sabi ni Aeya bago ako nilagpasan para makapasok.
They're actually 1 hour late. Dapat ay nandito na sila kaninang alas diyes pero alas onse na kaya akala ko ay hindi na tuloy at tinuloy na lang ang pagbabasa.
"Anyare sayo 'te?" Tanong ni Adie nang makita ang itsura ko. "Mukha kang taong kalye." Biro niya dahilan para mapasimangot ako.
I massaged my nose bridge when I felt my head ache. "Are you okay?" Talia asked when she noticed my action.
Tumango na lamang ako at gumilid ng makadaan siya ng maayos. She went in and I closed the door before I followed.
Naka kaniya kaniyang pwesto sila sa sala ko. Aeya who's wearing an above the knee velvet green dress and black heels sitting on a single sofa. Talia, wearing a white loose spaghetti strapped top and leather skirt underneath her leather jacket who is leaning on the single sofa's backrest, the same sofa Aeya is sitting at.
Nasa kanang gilid naman ni Aeya si Adie. Adie's wearing a black tube thin strapped top and ripped denim shorts.
"Ready?" Seryosong tanong ni Aeya habang naka halukipkip at nakatingin sa akin na nakatingin sa kanilang tatlo.
"Halika ka na dito. Posing tayo dali! Dito ka sa kabila umupo. Tas kunwari may papasok daw na lalaking bugbog sarado tapos iluluhod sa harap natin tapos kunyare galit galitan tayo." Adie enumerated the reason why we all looked at her.
"Sa'n ba tayo? At bakit naman ganiyan 'yang mga suot niyo?" I asked. In fairness, nasama nila si Talia.
"Xylo." Aeya answered.
"Hindi ako sasama." I immediately said which made them turn to me.
"Why?" Tanong ni Aeya.
"May gagawin pa ako plus my head hurts." Pagdadahilan ko. Totoo naman!
Although tapos na ako sa mga kailangan gawin ay nakapagdesisyon na akong hindi sumama.
"Alam mo Attor—" I directed my gaze at Adie and blankly stared at her. "Mawawala rin 'yan. Let's go. Bukas mo na ulit ituloy 'yang reading mo. Hindi naman pwedeng magpakaluklok ka na lang sa ginagawa niyo sa school. Kakawawain mo naman masyado sarili mo. Magpakasaya muna tayo ngayon. G?" Mahabang litanya ni Adie.
"Pero...." I bit my lower lip and sighed. "Fine." Sumusukong sabi ko.
Ano pa bang magagawa ko? Nandito na sila, bihis na bihis pa. Besides, my parents won't know.
Nagpaalam muna ako sa kanilang magbibihis ako bago ko sila iniwan sa labas. Once I changed my clothes, I looked in the full body mirror beside my closet to check on my outfit.
"Wear proper clothes, Jadie. Delikado sa labas, baka mamaya mabastos ka riyan. Always wear something appropriate. You're a girl. Masyadong mababa 'yan sa may dibdib tapos ang taas ng palda. Iba na lang."
Ngayon pa lang naririnig ko na ang mga madalas na paalala ni Mommy sa akin.
I am wearing a red sleeveless bodysuit that made my skin tone lighter partnered with black tattered shorts and black high heeled ankle boots. Nagsuot din ako ng gold hoop earrings. I curled my hair and applied a dark shade of red lipstick on my lips to add color on my already red plump lips. I just wanted it to be darker.
"Game?" I said as I fixed my hair tie on my left arm.
"Angas mo, Mare." Napaangat ako ng tingin sa kanila at naabutan silang pinapanood ako.
"What?" I asked after a few seconds of silence as they looked at me.
"Ang ganda mo. Ang galing ko talagang pumili." Nangingiting sabi ni Aeya na parang nahihiwagahan sa itsura ko.
Si Aeya kasi ang pumili ng susuotin ko dahil nakapili na siya ng damit pero hindi pa rin ako nakahahanap ng susuotin dahil tinamad akong maghanap kanina kaya naman siya na ang pumili para sa akin.
Minsan lang kasi ako magayos lalo na kung hindi naman kailangan pero dahil sa madalas na pagsali ko sa beauty contests ay napapadalas din ang pagaayos ko. I don't really like joining beauty pageants, it's just that my Mom wanted me to, so I always try to join and at least win the contests but I do enjoy the preparation part.
Tamad lang talaga ako magayos ng sarili kaya siguro ganiyan ang reaksyon nila.
"Tigil tigilan niyo nga ako. Let's go." Aya ko bago ko tinahak ang daan papunta sa pinto ng unit ko.
We went out of the condo building and looked for the cab that Aeya booked us. Nagturuan pa nga kami kung sino ang magbabayad pero sa huli ay naghati hati kami sa pamasahe nang wala raw dayaan sa ambag.
The ride to the club was loud that I was worried if the driver was annoyed. Buti na lang mukhang hindi naman mukhang galit ang driver dahil hindi naman kami pinababa sa kaingayan namin.
Nang makarating ay pumasok na kami sa loob. The loud and noisy crowd welcomed us together with the smoke, dancing lights, strong alcoholic smell and packed dance floor.
"Tara! Do'n! Meron do'n!" Sigaw ni Adie dahil halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng musika.
We followed her despite the fact that we didn't know where we are headed to. She led us to an unoccupied half square shaped sofa with a glass table. Hindi pa man kami nagtatagal ay may mga inumin at pulutan ng nakalatag sa lamesa namin.
"Hoy, anong meron?" I asked since our table was loaded with strong alcoholic drinks. Hindi naman kasi ako nainform na magpapakalasing kami rito! Buti na lang pala nagbook kami ng masasakyan!
"Ay! Shala! Ba't andami? "Adie asked Aeya who's already drinking shots from shots. Tinabihan ko si Aeya at inagaw ang hawak niyang glass shot.
"Problema mo?" Tanong ko. Alam ko namang hindi pa siya lasing dahil matagal pa bago tamaan ng kalasingan ang babaeng 'to.
"Ha? Sino ka?" Lasing lasingang sabi niya. Ngumiti ako at agad na binatukan ang babaeng kausap nang mabalik sa katinuan.
"Ay shete!" She exclaimed as she massaged her head.
"Ano? Amnesia lang? FYI! Wala tayo sa hospital! Nasa nightclub tayo, Gaga!" I said as I watched her take another shot.
"You know, Jadie. Maganda ka, kaya pumunta ka ro'n at maghanap ng gwapo!" She said shrugging me off.
"Ano ba 'to?" I asked myself as I poured myself a shot of drink.
Inilapit ko ang shot glass sa labi ko at uminom. My face instantly turned sour as I tasted the strong taste of liquor and coughed.
Hindi ko naman kasi alam ang mga inumin dito dahil hindi naman ako umiinom. I have never been in this kind of place before.
Ang sabi kasi ni Mommy sa akin ay hindi raw pangbata ang mga ganitong lugar at delikado raw dahil may mga lalaking mapagsamantala rito nang matanong ko siya kung ano yung bar at night clubs na nababasa ko sa mga libro.
Hindi naman na masyadong mahigpit sila Mommy sa akin hindi katulad dati na bahay at eskwelahan lang ako na kailangan pang ipagpaalam kapag gagala. I can do whatever I want as long as I graduate with flying colors.
I already drank 6 shots of unknown drinks pero sa tingin ko naman ay hindi pa ako lasing, maybe....tipsy?
"Jadie!" Nilingon ko si Adie at nilapitan ko para magkarinigan kaming dalawa.
"Ha?" I asked and even leaned my ear closer to her mouth because I wasn't able to understand what she said.
"Sabi ko! Sa dancefloor tayo!" After she said that, she held me on my wrist and pulled me towards the dancefloor.
We were dancing together at first but after a few moments ay nawala sa paningin ko si Adie. Bumalik na lang ulit ako sa lamesa namin dahil medyo nahihilo na ako sa mga tao sa dancefloor pero pagkabalik ko ay wala na ang mga taong kasama ko.
And since I wanted to enjoy the night, I decided to drink some more. Maybe I'll book myself a ride later. Pumunta ako sa counter area and ordered some drinks.
Nakakailang inom na ako ng iba't ibang klase ng alak nang napagdesisyonan kong magbanyo. I left my seat at the counter, swaying, and stumbling on tables and chairs as I look for the comfort room.
Umaalon ang paningin ko at ngunit nakaya ko namang maglakad. Malapit na ako sa pinto ng C.R. nang muntik na akong matapilok ako sa kung ano mang bagay dahilan para muntik na akong matumba kung hindi lang ako napakapit sa taong muntik ko nang makabangga kung hindi lang ako nito binalot ang mga braso sa balikat at bewang ko.
"'Wag mo nga akong hawakan. Sino ka ba?" I asked and looked up to see his face.
I squinted my eyes to see more clearly but it only made my head hurt. Hindi ko kilala ang kasama ko ngayon pero alam kong lalaki siya dahil sa pangangatawan niya.
"Teka." He said with his deep and manly voice while he tried to make me stand.
His hot minty breath made its way to my nose and cheek as our faces were a few centimeters apart. Muntik pang dumikit ang labi niya sa labi ko kung hindi lang ako muntikang mabuwal.
"K-kuya. Pwede pahalik?" Sabi ko na sinundan ko pa ng pagtawa at kumunyapit sa leeg niya.
I tiptoed to reach his lips and closed my eyes when my lips touched his lips. His lips were soft but I didn't get to taste it more when my eyelids started to get heavy.
I don't know where my courage came from but after I said that, everything turned black.