Biglang tumayo sa harap ang adviser namin at pinayuhan ang treasurer namin na mangolekta ng 50 pesos para sa banner, ribbons ng girls at jersey ng boys na maglalaro sa amin para sa sports fest dahil si Miss Yvonne na raw ang bibili at magpapagawa. May disenyo naman na kami pero hindi pa gawa.
"By the way, Jadie!" Tawag ni Miss Yve sa'kin.
Pinuntahan ko siya sa teachers desk niya sa gilid ng blackboard namin at hinintay ang sasabihin niya dahil inaayos niya pa ang mga papel at gamit niya.
"May susuotin ka na ba for the sports fest? Remember, don't wear something too revealing. Madidisqualify tayo. Okay?" Tumango naman ako kahit na hindi siya nakatingin sa akin.
"Oo nga pala," She said before looking for something inside her eco bag.
"Pakibigay sa Mommy mo." Sabi niya sabay abot ng dalawang plastic container na may tigsasampung hati ng brownies dahilan para magningning ang mga mata ko. Nagorder siguro si Mommy kay Miss Yvonne. Nagbebenta kasi si Ma’am ng brownies at baked sushi.
I thanked her and left. Pumunta ako sa upuan ko na may matamis na ngiti sa bibig habang dala dala ang container. Brixz seemed to notice my smile as he looked at me with a confused expression on his face.
"Saya mo ah?" He asked which caught my attention. Binalingan ko siya ng tingin habang may multo pa rin ng ngiti sa aking labi. "May iba ka na ba?" He said the reason why I pursed my lips as I look at him like he said some nonsense.
"Mukha bang may boyfriend ako?" I asked as I crossed my arms above my chest and looked at him, waiting for an answer.
"Bakit naman wala?" I was kind of offended with the way he said his message. What is it to him if I have a boyfriend or not? "I mean, ano pa bang kulang sayo?" Marami.
"Ewan ko ba sa inyong mga lalaki." Panimula ko.
"Ano bang hanap niyo sa mga babae? May mga lalaki na ang hilig sa magaganda, cute at sexy. Hindi naman lahat pero iyon ang madalas." Nakita ko pang magsasalita sana si Brixz kaya tinuloy ko ang sinasabi ko.
"Habang kaming mga babae naman pinapakitaan niyo kami ng motibo tapos sa huli iiwan niyo rin lang naman pala kami. Guguluhin niyo lang buhay namin pero hindi niyo naman pinaninindigan ang ginawa niyo sa'min."
"Boys are different from Men, Ruby." He earnestly said. Ano? Ang haba haba ng sinabi ko tapos 'yon lang?
"Hindi ka naman kulang, Ruby." Tinignan ko siya habang nakakunot ang noo ko at naguguluhan, hindi naiintindihan ang gusto niyang iparating sa akin.
"Ako na lang kaya boyfriend mo?" Pagbibiro niya na agad ko namang ikinairap. "Paparusahan ko 'yang mga mata mo Ruby. Masyado na kasing nahuhumaling sa'kin." Komento niya pa.
"Pwede ba? Tigilan mo Brixz." I said. "If you like me, then court me. Ayoko ng puro biro, Brixz. Ayoko ng puro sabi sabi lang pero wala namang ginagawa."
Dahil kung minsan ay mabilis akong maniwala sa mga sinasabi mo, hindi ko alam kung nagbibiro ka lang ba o totoo na, kung may ibang ibig ipahiwatig ang mga salita mo o gusto mo lang guluhin ang utak ko.
"Gusto ko ng pinaghihirapan. Hindi mo ako makukuha kung hindi mo ako paghihirapan. I'm not playing hard to get because I know what I deserve, Brixz." Mahabang sabi ko bago ko siya binalingan na mukhang wala namang pake sa sinabi ko at balak lang talaga akong lokohin at asarin.
Later on, Talia asked Brixz to leave his seat and joined the group who plays UNO cards. Pinalitan naman ni Talia si Brixz at naupo sa upuan niya.
"Jadie," Tawag ni Nyx sa akin na ikinalingon ko naman sa kaniya. "Sali rin kayo, oh. Para marami tayo." She invited.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Talia at tumayo sa mga upuan namin at nakiupo sa bilog nila. I'm sitting beside Talia while Nyx is on my left side.
Magsisimula pa lang naman ulit sila kaya makakasabay pa kami nina Brixz at Talia. Nyx distributed 7 cards for each one of us. Anim kaming lahat na maglalaro, tatlong babae at tatlong lalaki.
After some time, we already finished 3 rounds of playing UNO cards. Hindi naman masyadong nakakawalang gana dahil ang huli at may pinakamaraming cards ay bibigyan ng kaparusahan.
We only stopped playing when Miss Yvonne told us to start cleaning the room. Lumabas kaming mga hindi cleaners at doon nagantay tulad ng nakasanayan.
We are all sitting at the floor, girls and boys sitting separately in a line. Tahimik pa ang magkabilang corridors na katabi ng section namin dahil hindi pa naman sila lumalabas. Boys from our section were standing just to have a glimpse of the other sections. Maingay ang mga lalaki sa amin at kumpol kumpol doon sa dulo, sa tapat ng kanang katabi naming classroom.
"Jadie, did you return my markers? Wala kasi sa bag ko, pati yung mechanical pencil ko nawawala." Talia said that's when I remembered that I did borrow her pencil but not her markers.
"Teka, wait. Balikan ko sa upuan ko pero yung markers, wala sa'kin." Sabi ko at tumayo.
Mahirap dumaan papunta sa pinto namin dahil kalat kalat ang mga bag ng mga kaklase ko sa gitna ng daan. Kapag lalabas kasi kami ay kasama ang bag para kapag tapos na at walang sasabihin ang adviser namin ay diretso na kami sa baba at hindi na babalik sa loob na pwedeng ikagulo muli ng classroom namin.
I was almost at the door when someone bumped me from behind causing me to almost land on my other classmates in front and at the door. Buti na lang at naibalanse ko ang katawan ko at napasandal sa pader ng classroom namin mula sa labas. I closed my eyes tightly thinking that I might be squished when I saw Brixz falling onto my direction.
I opened my eyes when I felt nothing.
Pareho kaming napatigil at napatingin sa mga mata ng isa't isa ni Brixz nang makita ang posisyon namin. I felt my cheeks slowly burn as our eyes remained locked to each other.
"Ay, aba! Anong drama niyo?" We both turned our heads to Nyx.
"w*****d lang?" She added which caught more attention from the others.
"Kdrama kasi, shunga!" Tinulak ko ang balikat ni Brixz na siyang ikinaayos ng tayo niya na naging dahilan ng paglayo niya.
"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" Mas lalo namang namula ang mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. Lumayo ako kay Brixz pero pilit pa rin nila akong tinutulak palapit sa kaniya. Really, what's their problem?! Ayoko nga eh!
Kikiskisin ko 'yang mga pagmumukha niyo! Para naman kasing mga ewan!
I put a strand of my hair behind my ear as I looked down to hide my already red cheeks as I walked back to Talia.
"Mala teenage love lang sa nga movie eh, 'no?" Rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase namin. What?!
Nakita kong napatingin ang mga kaibigan ni Brixz sa akin at nagsalita."Uy si Jadie namumula oh!" And with that, they all turned to us to tease us together.
"Huh? Ew! Hindi ah!" I even made a disgusted expression to show them how I dislike the ideas coming from their hopeless romantic selves.
Ilang saglit pa ay sinaway na kami ng mga nasa loob dahil baka maistorbo raw ang mga nasa kabilang kwarto. We all stood up and went down the stairs together. Hindi ko na tiningnan kung nasa room ba ang hinahanap ni Talia sa akin at baka nasa loob lang rin ng pencil case kolang rin naman iyon.
May mga taga ibang grade level na rin na nakapila at nakaupo sa sahig at hinihintay na magbukas ang gate nang makaalis na nang makababa kami. We went to our assigned place during the Morning Assembly and School Events.
May pagkakasunod sunod kasi ang pila namin dito. We are arranged by grade level and section. Nasa may unahan kami ng Grade 10 sumunod ang section nila Adie at Sorin at panghuli naman ang kila Dark.
We waited for minutes until the clock stroke 3. Mula alas sais ng umaga hanggang alas tres ng hapon ang klase namin.
Marami ng tao nang buksan ang gate at halos magkumpulan na ang mga tao sa gate. There were only a few people left here and they were either waiting for their service or they still have something to do. May mga grupo grupo rin ng mga magkakaibigan ang naiwan na mukhang nagpaplano ng galaan.
"Rubyane."
I turned around to face the one who called me. Nakita ko si Brixz na nakabulsa ang mga kamay sa unipormeng pantalon ng mga lalaki habang nakasabit sa kaliwang balikat ang backpack na suot at kagat labing nakatingin sa akin.
"What? Nandito ka pa rin...?" I said, not thinking if it sounded offensive. "I mean, nandito ka pa rin pala? Sila Kyro? Aidan and Adelio?" I asked since I noticed that his friends weren't around anymore.
"Nauna na sila."
"So...why are you still here? Wala kayong lakad?" Madalas kasi ay iisang pack na sila ng mga kaibigan niya at palaging magkakasama.
"Sasamahan ko lang yung girlfriend ko." He said which stunned me.
I smiled. "Really, Brixz. May girlfriend ka? Kilala ko ba o taga ibang school?" I asked amusedly. He nodded while biting his lower lip and bowing down a little, hiding a smile.
"Wow, congrats?" I said disregarding the pang of pain I just felt. "Kawawa naman siya sayo." Pang aasar ko.
Siguro naninibago lang ako o baka naman ay naiinis ako? Kung may girlfriend siya bakit hindi niya pagsabihan ang mga kaklase namin na tumigil sa pang aasar sa amin? Bakit parang natutuwa pa siya na inaasar kami sa isa’t isa kung may girlfriend naman na pala siya?
"Bakit? Gano'n na ba 'ko kalala?" He asked that made me move my head from side to side as a sign of disagreement. "Malapit pa lang naman." I snickered that made him pout.
"Hindi mo naman kasi ako boyfriend para malaman kung malas siya sa'kin. Ayaw mo talaga akong maging boyfriend?" Pangungulit niya na ikinailing ko na lang. Why does he keep offering himself to me when he already belongs to someone else?
"I told you Brixz, gusto ko ng pinaghihirapan—" He nodded like he wasn't interested which made me stop talking and look away from him.
Bakit ko nga ba sinasabi sa kaniya? Mukha namang hindi siya interisado. Plus, he has a girlfriend already. Ano pa bang saysay ng mga sinasabi ko? And why am I repeating myself to Brixz over and over again?
"Because you deserve much more than pranks and value more than rubies, Rubyane." Kunot noong napalingon ako sa kaniya nang hindi ko marinig at naintindihan ang sinabi niya.
"Pardon?"
"Wala." Pabalang niyang sabi na ikinasimangot ko naman.
Sinuyod ko ang buong ground floor at tsaka ko lang napansin na ang natira na lang ay ang mga magtitraining ng taekwondo ang natira pati na rin ang mga kasali sa magpapatugtog ng drum and lyre para sa sportsfest next week.
"Jadie. May sasabihin ako sa'yo...." He trailed off that caught my attention. "Ano 'yon?" I asked, getting curious with the tone and the way he started.
"Rubyane....Pa'no kung sabihin ko sayong willing akong paghirapan ka?" He solemnly said, causing my whole system to shut down for a while, trying to take in and understand what he meant.
'Willing akong paghirapan ka....'
D-did he just indirectly.....confess? Sinasabi niya bang may gusto siya sa'kin?
I scoffed despite the fact that my heart wasn't beating like it's normal state, refusing the idea I just had. "N-no," I shook my head sideways, not believing what he said and thinking that it was just another one of his pranks. "Bakit ako, Brixz?" I asked.
"Ano bang dapat na hindi ko magustohan, Rubyane? Dahil sa totoo lang, hindi ko alam." Kung hindi lang siya umiling at tumawa na para bang may nakakatawa ay maniniwala na akong seryoso siya sa mga sinabi niya dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin na ngayon ko lang napansin.
I let out a deep breath and crossed my arms over my chest as I looked at him who was smirking as he looked at me as if he was amused that I actually believed his nonsense.
"G*go." I commented as I looked at the trees around the building to avoid his gaze, he laughed that made me even more furious.
"Tanga." Pagsagot niya na ikinalingon ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.
"Hambog!"
"Bugnutin!"
Bumuntong hininga ako at inirapan siya ng wala ng maisip maipangbawi sa kaniya.
“So….you don’t actually have a girlfriend?” I asked and why do I sound so hopeful?
“Bakit kung wala ba, papatulan mo na ako?” He bent a little to look directly at my eyes, making his head the same level as mine so I raised my brow to show him that I’m not carried away with the attention he was giving me.
"As if! Makaalis na nga." I said and violently scratched the back of my head and turned to leave.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang tawagin niya muli ako.
"Rubyane." He just called me 'Rubyane'.
“Wala akong girlfriend. At kung meron man, hindi kita kukulitin ng ganito. Wala man akong girlfriend ngayon but at least I know how to treat a girl right and have some basic human decency.”
I heaved a sigh and continued walking with a heavy feeling, disregarding what he just said....
Because I know, this time, he's serious.