Two weeks had past and two days from now ay gaganapin na ang paligsahan para sa lahat ng high school para sa selebrasyon ng buwan ng wika. We are all busy creating our props and getting ready for the contests and intermission numbers. Yung ibang hindi naman kasali sa contest ay wala man lang ginagawa, it's either naglalaro o natutulog lang, kailangan mo pa pilitin na tumulong kahit sa pag-assist man lang sa mga candidates.
Para sa stage ang ginagawa namin at kasama ko ngayon ang iba sa mga malilikhaing kakilala ko mula sa iba't ibang section. The teachers called for us to create and help them decorate the school's bulletin and stage.
Kasama rin namin ang iba sa mga lalaki naming kaklase dahil napadaan sila malapit sa amin habang dinedisenyohan namin ang bulletin board ng school malapit sa faculty room ng high school teachers. Miss Ivy saw them and told them to help us carry some things at the stage.
"Jadie, buti 'di ka pa natutunaw 'no?" Biglang sabi ni Talia na nasa likod ko, busy sa paglalagay ng berdeng tela sa gilid gilid ng stage gamit ang mga thumbtacks na nakapatong sa ibabaw nito.
"Talia, hindi ako ice cream para matunaw." Sabi ko habang gumagawa ng paper roses na gawa sa crepe paper.
Iba ang ginagawa ko sa ginagawa ni Talia. The roses will be used for our contestant's props for the upcoming contests two days from now. Iisa lang ang contestant per section sa grade level namin para sa pagbibigkas ng tula kaya panigurado ako na wala na namang ginagawa ang mga kaklase ko sa taas lalo na kung walang bantay.
"Nakita ko kasi si Brixz, he's been stealing glances at you since he got here." Sagot niya. Tumingin tuloy ako kay Brixz na napapalibutan ng mga kaibigan niya na mga makukulit din.
"Hindi naman ah? Guni guni mo lang 'yon. Tsaka ba't naman 'yon titingin sa'kin? Baka naghahanap lang 'yon ng pwedeng ipangasar na naman niya sa'kin." Sabi ko habang iniikot ang berdeng crepe paper para matakpan ang manipis na alambre na ginamit ko bilang tangkay ng mga rosas.
Nung tumingin kasi ako sa kanila naabutan ko silang nilalaro ang mga decors na dapat ay kinakabit nila. Nasa taas ng metal ladder si Brixz habang pinapalibutan siya ng mga kaibigan niya sa ibaba ng hagdan. Walang sumusuway sa kanila dahil busy rin ang mga teachers.
"Di mo sure." Mahinang sabi ni Talia na narinig ko rin naman na ikinairap ko. 'Di mo rin sure.
"I wonder how it feels to have someone look at you like he does. If you're wondering how you look in someone else's eyes then you better ask Brixz. He might give you the best answer for that. He looks so concerned and curious yet enchanted as he looks at you. Ang lambot ng titig niya sa’yo, Jadie. Nakakatunaw."
"Sure na sure ka ah. Siguro gano'n ka rin tumingin sa lalaking tinititigan mo sa kabilang section 'no?" Sabi ko dahil pansin ko ang madalas na pagsulyap niya sa pinto ng room na katabi namin na para bang inaabangan.
"H-huh?" Tanong niya sabay pulot sa thumbtacks na nahulog niya.
"Wala." Balewalang sabi ko. Sure naman akong itatanggi niya rin yung sinabi ko. Ewan ko dito ba kay Talia she's always the quiet and the secretive type.
"Pero, Jadie. I've heard some rumours circling around the campus. Bali balita raw na crush ka raw ni Brixz." She said as she continued her work.
I shook my head in disbelief. "Those were just rumours, Talia." Ani ko.
"But what if it's true?" She asked.
Si Brixz? Magkakacrush sa'kin? I don't think so. Lagi naman akong inaasar at pinagtitripan no'n. And if it's really true, bakit naman niya ako pagtitripan kung crush naman niya pala ako?
“Hindi mo ba naisip na baka kaya ka niya pinagtitripan is because he wants to get your attention?” Hmm….maybe, but why would I care?
We continued our work before we went back to our rooms. We also helped in cleaning our room since we came back thirty minutes before our dismissal time.
Halata ang kalat sa buong classroom namin dahil nasa bawat gilid ng classroom namin ang mga armchair namin. Even the armchairs are scattered everywhere.
Pagkatapos naming maglinis at magayos ay nagsiupo muna kami dahil may sasabihin pa raw ang adviser namin para sa nalalapit foundation day. Sinabi niya sa aming huwag daw kaming a-absent dahil may attendance pa rin daw sa mismong araw ng program namin.
We always have these kind of programs every month held for 3 days. 1st day will be the opening. Lahat ng grade level ay kasama sa parada na may iba't ibang theme ng suot pero dahil buwan ng wika ngayon everyone is required to wear the traditional Filipino tops.
Baro't Saya for the girls and Barong Tagalog for the boys pero suot pa rin namin ang mga unifrom namin pangibaba na red plaid tartan skirt naming girls na umaabot hanggang tuhod namin at blue pants naman sa boys.
After the parade there will be programs for Grades 1 to 3 students. The 2nd day will be the middle school department and high school department for the 3rd day.
Sa ground floor ng building naming high school students gaganapin ang mga contests para sa program na gaganapin sa tatlong araw dahil may open field naman sa baba.
Hindi naman masyadong rinig yung sounds na magagamit sa program since may bintana naman sa bawat building, hindi siya open since paglabas namin ay may hallway pa na kaunting lakad lang ay bintana na.
Our adviser also asked us kung sino raw ang gustong magintermission number para sa program. Pwede raw singing and dancing kaya naman pinilit na ng iba na pasalahin ang magagaling sa amin sa pagkanta at pagsayaw.
Gusto ko sana pero....
"Ikaw Jadie? You're good at dancing, right? Ayaw mo?" Mahinhin at mahinang tanong sa'kin ni Talia na nakipagpalit ng upuan kay Brixz kaya kami na ang magkatabi ngayon.
"Tanong ko kay Mommy." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa harap at nagkukunwaring nakikinig sa sinasabi ng adviser namin dahil ramdam ko ang tingin ni Talia sa'kin.
I know that look, pero ayaw kong makita iyon dahil alam kong kapag nakita ko ang tingin na ibinibigay niya sa akin ay mas lalo lang akong maaawa para sa sarili ko.
Our adviser dismissed us after a few more reminders. Pinapila niya muna kami sa labas ng room namin since maaga pa naman raw. After that, she led us down to the ground floor and allowed us to leave.
Dumiretso na ako sa kabilang building, Building One. Sa Building One ang faculty nila Mommy, ng Primary Department or Grades One to Three. Building Two, Three and Four naman sa Middle School department habang Building Five naman ay sa aming mga highschool students.
"Jadie, sama kami sayo. Sasabay ako kay Mama mamaya eh." Sabi ni Adie na nasa tabi ko na pala. Marunong naman mag commute si Adie papunta sa kanila, sa Marikina pero minsan kasi sumasabay siya sa Mama niya.
"Ako rin. Kuya Arkch texted me and he told me that he'll fetch me a little later kaya sama na muna ako sa inyo." Sabi ni Talia sabay baba sa phone niya bago nagangat ng tingin sa amin.. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa phone niya na para bang may hinihintay.
Anak ng teacher din si Adie at si Talia. Adie's Mom handles MAPEH 7 and 8 kaya naman marami ang nakakakilala sa kaniya sa department namin. Mommy din kasi niya yung subject teacher namin sa MAPEH dati kaya naman kapag may reminders ang Mommy niya na nakalimutan sa kaniya pinapasabi.
Talia's Mom is also a highschool teacher here in our school and she handles Science 7 and 9. Even Dark's Mom is a highschool teacher and she handles Filipino 7 and 10 and is also a Building Coordinator.
"Wait, akyat ko lang yung bag ko." Sabi ko sa kaniya bago ko sila iniwan sa gilid ng waiting shed sa tapat ng Registrar's office namin at sa gilid naman nito ay ang playground ng mga bata.
Nasa taas kasi ng Registrar's Office yung faculty ng primary department na room rin ni Teacher Pauline na Grade 3 adviser. Hapon kasi ang klase ng mga Grade 1.
Share rooms kasi ang 1 and 2, Umaga ang Grade 2 and 3, Hapon ang Grade 1 kaya ang free room lang na pwedeng gamitin ng teachers na walang klase sa hapon ay yung room ni Teacher Pauline dahil wala naman siyang kahati.
I knocked before opening the door and greeting the teachers. Pumasok ako at hinanap si Mommy sa usual place niya sa room. I walked towards her, who's busy on her laptop, probably making her lesson plan.
"My, sa baba lang ako. Andon sila Adie." Sabi ko na tinanguan niya lang kaya naman pumunta ako sa pinto at lumabas.
Naglakad ako at pinuntahan si Adie at si Talia sa waiting shed na busy sa phone nila.
"Tara, bili tayo. Gutom na ako eh." Sabi ko kaya nag angat sila ng tingin sa akin bago ibinulsa ang phone nila sa palda nila.
Lumabas kami ng school at pumunta sa mga tindahan na nasa gilid lang ng school namin. We were greeted with a lot of people once we stepped foot outside the school's gate. Uwian na kasi kaya naman maraming nagkalat na estudyante.
After we bought food, we came back inside the building holding plastic cups with different street foods like fish balls, siomai, kwek kwek and kikiam.
"Talia, napanuod mo na 'to?" Biglaang sabi ni Adie habang nakatingin sa phone niya kaya pumunta si Talia sa tabi niya para makita ang sinasabi niya.
I heard singing and cheering as Adie played a video since she wasn't wearing any earphones the reason why I could hear all the noises coming from the video. Sunod sa boses nito ay ang paghiyaw ng mga tao sa video.
They were so drawn on Adie's phone screen which made me curious. Lumapit ako sa kanila at umupo sa kabilang tabi ni Adie para makita kung ano ang tinitingnan nila.
I caught unfamiliar faces on Adie's phone screen. They were singing as they danced with full energy with their edgy outfits.
"Grabe! Ang galing nila 'di ba? Lalo na yung asawa ko." Proud na sabi Adie pagkatapos panoorin ang video.
"Aware ba siyang may asawa siya?" Pang aasar ko kahit na hindi ko naman kilala ang pinag uusapan nila bago sumubo ng siomai na natitira sa binili ko.
I don't really relate to those kind of things like idols since I have to focus on my studies. Pero hindi ko rin naman sinasabi na hindi ako interesado, wala lang talaga akong oras.
"Hindi, kailangan kasi secret lang kasi malalaman ng fans niya." Sabi naman niya habang nakatutok pa rin sa phone niya.
"Ah, kaya pala hindi rin siya aware sa existence mo." Nakangising sabi ko para mas lalo pa siyang maasar.
"Yun lang.” She sighed. “Eh, basta! Hayaan mo na ako sa pagiging delulu ko, dito na nga lang ako sumasaya eh." Sabi niya na ikinatawa ko.
Nagusap ulit sila ni Talia tungkol doon sa mga lalaking sumasayaw at kumakanta na hindi ko naman kilala kaya nanahimik na lang ako at nakinig sa mga sinasabi nila.
After a few moments, I got bored kaya nagpaalam na lang ako sa kanila na bibili lang ako sa labas bago umalis.
"Thank you po." Sabi ko sabay abot ng plastic na may laman na iba't ibang candy at tsokolate.
I left the store and went to the benches beside the gate of our school. Wala namang nakaupo sa mga iyon sa oras na ito dahil halos isang oras na rin matapos ang dismissal namin at mamayang alas singko pa ang uwian ng mga bata na hapon ang pasok.
I sat there and was about to get a candy when someone sat beside me. Hindi ko na sana papansinin nang magsalita ito.
"Binibini, maari ba'ng makahingi?" Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Brixz iyon na hawak hawak ang strap ng bag niya na nakasabit sa balikat niya habang ang isang kamay naman ay nasa bulsa ng blue slacks na uniform nilang boys.
Himala, mabait.
"Oh. Pinangatawanan mo na talaga pagiging ginoo mo ‘no?" Sabi ko sabay lahad sa kaniya ng yellow na Max.
He only looked at it before taking the plastic that I was holding containing the chocolates and candies I bought.
“At bakit, binibini? Hindi ba ako kwalipikado bilang isang ginoo na aayon sa mga pamantayan mo?” Kumawala ako ng malalim na hininga at humalukipkip nang tabihan niya ako.
“Let me break this to you, Brixz. I don’t like you. At saka pwede ba? Stop feeding their delusions. Hindi ka ba naiistorbo sa pang aasar nila sa’tin?” Sabi ko.
Hahayaan ko na sana siya dahil pagod na ako para makipagaway pa sa kaniya kaso halos kunin niya na lahat ng laman ng plastik. Puro wiggles pa yung pinagkukuha! Favourite ko 'yon!
"Hoy! Akin na nga 'yan!" Sabi ko sabay hablot sa plastik na halos wala ng laman bago ko siya sinamaan ng tingin.
“Uh-huh. Hindi kita naintindihan, Binibini. Ano bang magagawa natin kung pilit nila tayong pinagpapares. Kahit ano namang sabihin mo, hindi sila titigil because they enjoy it. Ako rin.” He gave me my loot back after he’s done with his business.
"Anong ako rin? Brixz!" Sabi ko bago nanggigil na pinadiyak ang paa sa sahig habang nakasimangot at masama ang tingin kay Brixz.
"Wiggles ko 'yan eh." Panggagaya ni Brixz sa tono ko kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagkainis sa kaniya.
I know I look like a freaking child right now pero sa lahat ba naman kasi ng kukunin niya yung wiggles ko pa! Bakit kasi hindi siya bumili ng kaniya eh nasa gilid lang ng school yung tindahan. Namumulubi na ba 'to? Dos lang naman isang wiggles 'di siya bumili ng kaniya?
Brixz looked amused as he looked at me. Hawak hawak niya sa isang kamay ang mga ilang piraso ng wiggles at mentos na kinuha niya sa binili ko.
"Pahingi lang. Besides, andami rami niyan mauubos mo ba?" Tanong niya.
"Of course! Hindi naman ako bibili ng madami kung hindi ko naman kayang ubusin. Tsaka favourite ko 'yan eh!" Sabi ko sabay tingin sa hawak niyang wiggles.
"Aking binibini, hindi maaari—"
"Anong 'di maaari? Palit na lang tayo. Sayo na 'to basta akin na 'yang wiggles ko." Sabi ko bago ko inabot sa kaniya ang plastik na may lamang Max, Champi, Pochi, Frutos at Monami.
Actually hindi ko naman talaga masyadong gusto yung sa mga candy na nasa plastic at binili lang ang mga iyon para hindi na ako suklian ng tindera dahil buong bente ang naibigay ko sa kaniya.
"Sige na nga. Kawawa naman ang bata, pagbigyan." Sabi niya bago kinuha ang plastik na hawak ko kaya naman napalitan ng ngiti ang pagkasimangot ko.
"Ayan oh." Sabi niya bago inabot sa akin ang tatlong pirasong wiggles sa akin na agad ko namang ikinasimangot. Grabe! Sa limang candy na binili ko at apat wiggles dalawang wiggles lang ang bumalik sa'kin!
I was about to complain when someone called Brixz. Si Aidan, our classmate and one of his friends.
Kasama niya ang iba pa nilang tropa at mukhang may gala sila ngayon dahil halos lahat sa kanila ay nakapagpalit na ng pangitaas kaya imbes na Barong ang suot nila ay iba't ibang t-shirt na ang suot nila. Ang iba naman sa kanila ay nakasuot nga ng Barong pero bukas naman ang mga butones tulad na lang nitong si Brixz na nakatayo sa harap ko. Minsan ko na rin kasi siyang narinig na makati ang barong na suot nila buong araw rito sa school kaya siguro nagpalit na ang iba sa mga kasama niya.
"Gusto mo?" Tanong ni Brixz na may nakalolokong ngiti sa labi kaya napatingin ako sa kaniya na hawak hawak ang isang pirasong wiggle habang winawagayway ito sa harap ko kaya tumango ako.
"Bili ka." Sabi niya bago ako tinalikuran at iwan para puntahan ang mga kaibigan niya. Aba!
I saw him give the plastic of candies and wiggles we were fighting over earlier to his friends as soon as he reached them before leaving, which made me pout and feel annoyed for what he did.
"Oh, anong nangyari sayo at gusot gusot na naman 'yang mukha mo?" Natatawang tanong ni Adie nang makabalik ako sa waiting shed ng nakasimangot at magkasalubong ang kilay.
"Yung wiggles ko kasi!" Sabi ko sabay pasalampak na umupo. Talia and Adie both looked at me as if I was some kind of unidentified specie.
"Ano namang nangyari sa wiggles mo?" Tanong ni Talia na may nagbabadya pang ngiti sa labi niya. Siguro iniisip nito, isip bata ako.
"Si Brixz kasi..." Mahinang sabi ko dahil alam na alam ko na naman ang magiging reaksyon ng dalawang ito.
"Teka, tama ba pagkakarinig ko?" Tanong ni Talia na mukhang narinig ang sinabi ko.
"Ba't ano ba narinig mo? Pashare naman oh." Sabi ni Adie na ikinawala ng irita sa mukha ko.
"Si Brixz kasi—" Hindi pa ako tapos magsalita nang paulanan na nila ako ng tanong.
"Ano? Andito pa 'yon?" Yes, may gala ata sila ngayon nina Aidan.
"Nagpropose?" Huh?
"Agad aga—" Litong tanong ko na agad rin namang naputol dahil sa iba a nilang tanong.
"Ano na naman ba ginawa no'n?"
"Binuntis ka?"
Nagkasalubong muli ang mga kilay ko dahil sa mga narinig kong mga tanong mula kay Adie. I glared at her but she only laughed at me which made me even more annoyed.
"Mukha bang may plano akong makasama si Brixz sa buhay ko?" Kalmado ngunit mariing tanong ko habang pekeng nakangiti kay Adie.
"Ikaw, wala. Pero siya meron." Sabi niya habang tinataas baba ang kilay dahilan para mapairap ako. Oh please!
And with that, they started teasing me again. Palagi na lang nila ako inaasar kay Brixz at sinasabing bagay raw kami o hindi kaya 'the more you hate, the more you love'. Too bad for them, he's not my type.