Chapter 4

3217 Words
A week has passed since Brixz accompanied me until the other building and ever since that day, I'd always find myself confused. Kung bakit bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Brixz doesn't really bully me like the one on the books where the male lead bullies the average female lead. Hindi siya gano'n he's somehow different. May mga panahong makulit at nangaasar siya pero may mga panahon din namang normal lang. But he was never the helpful one. Nangasar pa nga nung tinulungan ako. "2." Sabi ko nang ako na ang sumunod sa bilangan pagkatapos ko naman ay si Talia dahil nagpalitan sila ng upuan ni Brixz kanina bago pa man pumasok ang TLE teacher namin. "I should've stayed at my seat. Hindi na naman tayo magka grupo." Talia said as she tied her hair in a half ponytail using a cream bow barrette. She's in group 3 and we only have 4 groups. Pagkatapos ng bilangan ay sinabi muna sa amin ang gagawin namin bago kami pinayagang pumunta sa kaniya kaniyang grupo para makapag usap at makapag plano ng tatlumpung minuto. I quickly went to where Brixz and Amara was since he's the only member that I remembered. Mabilis lang kasi ang nangyaring bilangan kanina kaya naman hindi ko na nakita pa ang iba pa naming kagrupo. "Anong lulutuin natin?" Tanong ko sabay upo sa tabi ni Amara sa sahig habang si Brixz naman ay nasa harap namin. We were tasked to cook 1 filipino dish per group as our performance task for this quarter. By next meeting na raw kami magluluto kaya kailangan na naming magplano dahil kailangan din naming pagplanuhan ang plating at table presentation ng dish namin. "Antayin muna natin yung iba." Sabi ni Amara na busy kakatingin palibot sa room namin dahil halos lahat ay nakatayo at naghahanap ng mga kagrupo. A few seconds later, I found myself surrounded with six boys with Amara. Dalawa lang kaming babae ni Amara at halos lahat ng kagrupo namin ay mga kaibigan ni Brixz kaya halos hindi na kami matapos tapos sa kakaplano dahil sa kadaldalan at kakulitan ng mga lalaki sa amin. We ended up with Chop suey as our dish paired with garlic fried rice and assigned the needed materials and ingredients. Sana lang talaga dalhin nila ang mga kailangan namin dahil mahirap manghiram at mag improvise. After that, we all went back to our seats. Nagbilin pa saglit si Miss Kathrine, ang teacher namin sa livelihood subject, bago siya umalis, 30 minutes before our next class dahil pinapatawag daw siya ng principal. And because I don't really have much things to do, I decided to just fix my things under my chair dahil paniguradong nagkanda halo halo na naman ang mga gamit namin ni Brixz. Halos lahat ng gamit ni Brixz ay na sa pwesto ko na nang makita ko ang ilalim ng upuan namin. Makalat at Magulo. One reason why I hate seating beside him, he's messy. Madalas ay ako ang nagaayos ng gamit namin dahil hindi ko matiis na ganito kagulo ang gamit namin sa ilalim. His books are mixed with mine and it's not piled up anymore. As in parang nilagay lang basta basta sa ilalim at hindi na inayos. "Brixz, yung gamit mo." Medyo naiinis na sabi ko. Nandito lang naman siya sa tabi ko at ewan ko ba kung bakit hindi niya pinuntahan ang mga kaibigan niya. "Diyan mo muna." Bored na sabi niya bago dumukdok muli sa lamesa ng upuan niya. After the weekend, Monday came fast before I even knew it and here we are preparing for our cooking activity today with our ingredients and materials with us. Nakapila kaming lahat sa tapat ng room namin habang hinahantay si Miss Kathrine na subject teacher namin sa TLE. Sa bagong building kasi kami ng school magluluto dahil doon na talaga nakalagay ang mga cooking appliances ng school. Hindi katulad dati na sa ground floor kami at nahahalo minsan sa mga nag aactivity para sa P.E. Once Miss Kathrine came, she led us to the other building and gave us instructions before leaving us alone and observing what we are doing. Pumunta kami ng mga kagrupo at kaklase ko sa loob ng TLE room at namili ng pwesto then we all placed our things and materials on the table. "Brixz, nakapagdala ka ba ng itlog ng pugo tsaka chicken balls?" Mataray na tanong ko dahil siya ang naka assign doon. "Yes, boss. syempre meron ako no’n ‘no." proud na sabi niya at pabirong sumaludo na ikinailing ko habang pinipigilan ang pagsilay ng ngiti. Ano ba 'to? Nagsimula na kaming maghiwa ng mga sahog at pampalasa nang nakasuot kami ng apron at plastic gloves habang kaming mga girls naman ay nakaipit. Nakapagpaalam na rin kami kay Miss Kathrine na gagamit kami ng tatlong kutsilyo kaya nakapagsimula na kami pati na rin ang ibang grupo. I was having a hard time smashing the garlic gloves on the wooden table using the cutting board when someone snatched the cutting board from me. Inayos ni Brixz ang mga bawang na nakalagay sa lamesa bago niya ito inipit gamit ang cutting board na hawak niya. "Ang tagal mo eh." Sabi niya bago pumunta doon sa may hanay ng gastoves na may dalang lalagyanan na naglalaman ng kanin para sa fried rice namin. Bakit ba kasi ang hirap nitong pisain? Ni wala man lang nangyari sa ginawa kong pagpukpok. I started to slice the garlic in to tiny slices and put it in a small bowl. Tinadtad ko na nga eh. You can hear the frying, cutting and boiling sounds coming from this room. Kahit ang mga boses namin ay maririnig dahil sa pagmamadali dahil binigyan lang kami ng 30-50 minutes sa pagluluto ng ulam, kanin at pati na rin sa plating. Isang oras lang kasi ang meron kami para sa subject na ito. Parang nasa palengke tuloy kami. "Brixz." Tawag ko kay Brixz na busy sa kanin nang matapos ang ginagawa. I handed him the glass bowl which he accepted and continued preparing the rice. Nilagay ko sa katabing stove ang maliit na mangkok na hawak ko at binuksan ang stove para maluto na rin ang mga itlog. "Kailangan na ba yung iba pang ingredients?" Tanong ko bago pa ako bumalik sa lamesa namin. Siya lang kasi ang nandito sa kusina kasama ang iba pang mga marurunong magluto sa klase namin at paminsan minsan na pagpunta ng mga kagrupo nila kagaya ko para alalayan sila. "Huwag na muna, pupunta na lang ako do'n. Naslice na ba lahat?" Tanong niya habang hinahalo ang kanin sa kaldero at paminsan minsan ding nililingon ako sa tabi niya. "Yung..." I trailed then looked at our table with my groupmates busy cleaning the dirt while some of them were still slicing some ingredients. "Meat and Carrots na lang." Sabi ko. Siya na raw kasi ang magluluto sa amin since siya naman ang madalas magluto sa grupo namin. I don't know how to cook but I'm a fast learner. Siguro kakayanin ko naman magluto kapag may magtuturo. I went back to our table and asked for the ingredients. Medyo marami rami iyon kaya nagpatulong na ako kay Amara magdala ng mga ingredients pagkatapos ay bumalik na siya sa lamesa namin para ayusin at disenyohan ito. "May bawang pa?" Tanong ni Brixz kaya inabot ko sa kaniya ang mangkok na may bawang. "Pa'no ba 'yan?" I asked while he was busy stirring the meat. Nilingon niya ako saglit at tinuloy ang ginagawa kaya akala ko ay wala na siyang balak na sagutin ang tanong ko. Maya maya pa ay inabot niya sa akin ang spatula na ginagamit niya sa pag halo. "Haluin mo lang, ako na’ng bahala magsabi kung tama na.." Sabi niya kaya sinunod ko siya. Wala naman akong alam dito kaya mas maganda kung susundin ko siya. Bakit ba kasi ako nagtanong? Mamaya maging itim pa kulay nito eh. I continued to stir fry the pork and chicken while Brixz leaned on the counter with his arms crossed over his chest, his head turned to me, staring at me. Nakatingin siya sa akin kaya naman napalunok ako at kinabahan sa ginagawa lalo pa’t dumidikit ang manok sa kaldero. Mali ba 'tong ginagawa ko? Para kasing hinahantay niya akong magkamali eh. "Don't you now na hindi ako marunong magcook?" Sabi ko habang ginagawa pa rin ang sinasabi niya. "Hindi, I don't know na hindi ka marunong magcook." Panggagaya niya sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kaya nga ikaw ang magluluto ngayon. Nandito naman ako eh. Wala ka bang tiwala sa’kin?" Sabi niya sabay daan sa likod ko bago kinuha ang meatballs na nahiwa na sa apat. "A-ayoko na pala, i-ikaw na lang dito. Titingnan na lang kita para alam ko." Nagpapanic na sabi ko. Pa'no ba naman kasi, ako paglulutuin eh hindi naman ako marunong magluto ng kahit ano, siguro hotdog kaya ko pa. "Fine." Maikling sabi niya bago niya inagaw sa akin ang sandok bago pumwesto sa harap ng stove kaya pumwesto na lang ako sa pwesto niya kanina at tiningnan ang ginagawa niya. After a while, binuksan ko na ang maliit na kaldero na naglalaman ng itlog ng pugo dahil luto na raw iyon sabi ni Brixz. "Goodness!" Sigaw ko habang pinapaypay ang kamay ko dahil sa sakit ng parteng napaso sa kamay ko. Nakalimutan ko kasing kumuha ng basang pamunas para buksan yung kaldero at diretsahang hinawakan ka na lang. "Patingin." Before I could even do something for my hand someone pulled my forearms that made me raise my gaze at Brixz. Hawak hawak niya ang kamay ko at tiningnan ito ng nakakunot ang noo na para bang galit sa nangyari. Maya maya pa ay hinila niya ako sa may lababo at binuksan ang tubig bago binasa ang kamay kong napaso. He was quiet as he put my hand over the water making it wet but it made the pain lessen by time. Nang matapos ang ilang saglit ay pinatay na niya ang gripo at inabot ang pamunas niya sa bulsa niya bago ipinunas sa kamay ko. He's actually holding my wrist and wiping my hand gently instead of holding my hand to avoid hurting me. "Yan. Tatanga tanga kasi. Ba't mo naman kasi hinawakan yung takip eh alam mo namang kapapatay mo lang ng stove at mainit pa?" Sabi niya habang pinupunsan ang kamay ko at hinihipan ito habang ako naman ay nakatingin sa kaniya. Concerned ba siya o nangbibwisit lang. I rolled my eyes because of what he said. Sa kabila ng pagiging maalaga niya nakakapagsalita pa talaga siya ng ganiyan. Ang galing lang. My chest felt heavy and tight but I didn’t bother thinking why. "Sorry. Ako na," Sabi ko sabay agaw ng pamunas sa kaniya. “Kaya ko na, you don’t have to tend to me. Go. I’ll be here when you need me.” I said, wiping my hands and going back to where the stove was. After a while, Brixz went back to cooking beside me so I started to peel the eggs. Wala na ang takip at tubig and the eggs aren't that hot anymore but it's still warm so I added room temperature water. I handed the eggs to Brixz and watched him add each ingredients. Busy siya sa pagluluto habang tinitingnan ko ang niluluto niya. "Ano pa'ng alam mong lutuin?" Tanong ko habang nakatingin siya sa niluluto habang ako naman ay nakatingin sa kaniya. "Adobo," My brow raised as he said my favourite viand. "Pinakbet, Paksiw, Minudo at Sinigang. Kung minsan, kapag walang magawa o ‘di kaya ginaganahan, nagsi-search ako online ng iba’t ibang pagkain tapos susubukan ko. Sila Mama naman, willing na willing tumikim, hindi pa ako tapos magluto." Sabi niya. Ang swerte naman pala ng mapapangasawa nito, kaso....yung kakulitan nga lang. "Ikaw madalas magluto sa inyo 'no?" Tanong ko. He closed the pan and fixed the bowls we used. Hindi pa muna kami babalik sa lamesa namin para bantayan ang niluluto ni Brixz dahil marami kami dito at baka magalaw. "Yes. Nagpaturo ako kay Mama since hindi naman masyadong marunong magluto si Daddy ng Filipino dishes." Sagot niya habang nakatalikod sa akin na ikinakunot ng noo ko dahil sa kuryusidad. "So....may lahi ka nga talaga?" Tanong ko na ikinatawa niya ng bahagya. Sa unang tingin kasi mahahalata mo na na may lahi siya dahil sa buhok at panga niya. Lahing aso! Yung tahol ng tahol, ang ingay din kasi nito minsan. Hindi na niya pinansin ang sinabi ko at nagsimula ng isalin ang Chop Suey sa bowl na dinala ko kanina. "Ewan?" Patanong na sabi niya bago ako hinarap at pinagkrus ang braso sa ibabaw ng dibdib nang matapos sa ginagawa. "Ikaw. Hindi ka ba talaga marunong magluto o ayaw mo lang matalsikan ng mantika?" Tanong niya na ikinairap ko. He really do have a talent on ruining the atmosphere, huh. "Hindi." Maikling sabi ko. I was about to let it slip but then..."Sinasabi mo bang maarte ako?" Medyo naiinis kong sabi sa kaniya. His brows shut up as if he was surprised by my sudden change of mood. Itinukod niya ang mga kamay niya sa likod niya na countertop at tinagilid ang ulo habang nakatingin sa akin. My irritation subsided and was replaced my embarrassment. Bakit naman kasi ganyan siya makatingin? "Hindi ako maarte. Pa'no mo naman nasabing maarte ak—" "Wala akong sinabi. Hindi ka rin maarte....bugnutin nga lang, suplada pa." Sabi niya then scrunched his nose and smiled before turning his back on me, leaving me speechless. Ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisngi ko habang nakatingin ng masama sa likod ni Brixz. I don't know why I'm mad at him but the only thing I felt for now was defeat and embarrassment. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Ilang saglit pa akong nakatayo sa likod ni Brixz at kinakalma ang sarili ko. I sighed when I finally calmed myself and asked Brixz what he needed. He's right, I also think I'm short tempered. I went back to him holding a porcelain bowl and plate with a gold lace lining. Maingat na pinatong ko ang babasaging mangkok sa plato at hinantay na matapos si Brixz sa paglalagay ng Chop suey sa mangkok. After he filled the bowl with our dish, akmang kukunin ko na ito para dalhin sa lamesa namin nang maunahan niya ako. "Ako na. Mainit, mabigat. Pero kung gusto mo.....ikaw na magdala pati yung mga maliliit na glass bowls na ginamit natin?" Sabi niya sabay nguso sa mga maliliit na glass bowls na ginamit namin na pinaglagyan ng ingredients kanina. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya kaya wala na akong ibang magagawa kung hindi ibalik ang mga mangkok sa lamesa namin dahil kina Amara iyon. I followed Brixz behind while carrying the bowls and went back to our table. "Ay wow! Lakas makachef! Pahingi!" "Wews, Patikim nga kung masarap!" Sabi nila nang makita nila ang niluto ni Brixz kaya napatingin ako sa kaniya. Is it his dream? To become a chef? Napangiti ako ng mapait nang maalala na huling taon na pala namin ito sa Junior High School. Next year we'll all be in Senior High School, in different schools, and in different tracks and strands that will be a start and an introduction for College. "Ay, asan yung kanin?" Biglang tanong ni Amara kaya naman nagrepresenta na ako na ako na ang kukuha sa kanin para makapag serve na kami ng para sa tatlong tao. Malapit na, ilang buwan na lang.... pero hindi ko pa rin alam. I've been researching but never did I become interested in any professional jobs that one might want. Anything is fine with me, a nurse? a doctor? teacher? an attorney? an architect? Architecture would be fine since I'm good at drawing pero yung math.... Kahit ano pwede kong kunin. kakayanin ko naman, pero iba parin talaga kapag gusto mo ang ginagawa mong bagay because you'll be more passionate about it. Actually marami akong pwedeng kunin dahil sa mga talento ko. I can be a dancer, a writer, an artist and a designer. Madalas kong sabhinin kay Mommy na gusto ko ang maging ganoon pero tuwing ginagawa ko iyon ay ramdam ko ang pagtanggi ni Mommy. Whenever I say or discuss that I wanted to be a dancer, a writer, an artist and a designer to my parents, madalas sabihin ni Mommy na masasayang lang daw ang mga pinagaralan ko. Na hindi naman daw full time job ang mga iyon at magsusuggest ng ibang pwede kong kunin. "Ang tagal." Bagot na sabi ng boses na mula sa likod ko kaya hinarap ko ito at inirapan. Nilagpasan ko siya at dinala na sa lamesa namin ang fried rice habang sinusundan naman ako ni Brixz. Once we reached our table we started preparing 3 plates para sa mga magbibigay ng grado sa amin dahil tatlong TLE teachers ang magbibigay ng grado sa amin. After minutes, natapos na rin sila at isa isang sinabi ang grado namin bawat grupo. Nang matapos ay pinayagan na nila kaming kumain at tikman ang inihanda namin dahil recess na rin naman pagkatapos ng subject na ito. We all happily stood and went to our tables. Buti na lang at nagdala kami ng kaniya kaniyang plato dahil parati naman na ganito ang ginagawa namin lalo na kapag nagluluto kami. Syempre walang mambuburaot ngayon pero pwede namang makitikim ng luto ng ibang grupo. "Uy, Brixz! Ang sarap! Kaya naman pala mukhang satisfied si Miss eh." Sabi ni Alen habang nginunguya ang kinakain. Kami kasi ang nakakuha ng pinakataas na score. In all fairness, he cooks good. "Syempre si Brixz pa! Future Chef ba naman." Proud na sabi ni Aidan at inakbayan si Brixz na busy sa pagkain. "Baunan mo kaya ako?" Tanong ni Aidan dahilan para matawa at mapangiti kami sa biro niya lalo na dahil sa naging reaksyon ni Brixz. "I cook for no one." Proud naman na sabi ni Brixz dahilan para mapahiyaw at 'oowww' ang mga lalaki sa grupo namin dahil sa mangha at tuwa. Me and Amara looked at each other understandingly which made as both chuckle. Boys. Matapos ang oras ng pag aaral ay sabay na muli kaming umuwi ni Mommy. It was dinner time when I told her how my day went and how our cooking project was successfully accomplished. "I thought we would come last since the boys were joking around as we cooked our dish. Para nga kaming nasa wet market kanina, Mommy. We were so loud but we finished our dish first before the other groups did, we even received the highest score." I proudly told her, just like how I usually did whenever I got the highest scores, whenever I win an extra curricular activity in our school. "Hmm, great. Oh, by the way, I saw your uncle's post about your cousin Adriella. She looked so beautiful at the picture, she even knows how to wear make up now. The post was about her, winning at a regional journalism contest....." I looked at her and saw how happy she is as she proudly tell my cousin's achievements. Bumaba ang tingin ko sa plato ko at napabuntong hininga. My eyes burned as my chest felt tight. I think I just lost my appetite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD