The Bet (Part 1)

3192 Words
Chapter Thirteen The Bet (Aldrin/Sheena One Shot)       (Sheena’s POV)                   Naku, patay! Lagot na! Asan na ba yun? Guidance! Guidance! Guidance! Guidance! Guidance! Guidaaaaaanceeeee!               *BUMP!*                    “Aray!”                    “Sorry, are you alright?”               Nagtaas ako ng paningin habang hawak ko ang ilong ko na tumama sa dibdib niya. Hallelujah! Nakakita ako ng wafung nilalang. *____*                    “Miss?”               Ay. Ito pala yung chihuahua ni Ana. Bawal. Di pwede. Tsaka isa pa bakit ba lagi kong nakakasalubong ‘tong taong ‘to? Nakakailang beses ko na siyang nakikita ah. Seryoso lang? Itinadhana?               Sabi ng demonyita kong kunsensya: LOL. No.               Naman. =____=                    “SHEENA!”               0______0               Magtatago sana ako sa likod ng gwapong nilalang kaso sa ayos naman ng katawan n’yan malamang makikita rin ako ni Kuya Bryce. Wak na nga lang. TT___TT                    “Ilabas mo Ate mo!” sigaw niya sa mukha ko.               Utang na loob pangatlong buwan na ‘to. -____-                   “Paano ko nga ilalabas si Ate eh hindi ko nga alam kung nasaan siya!”                    “Imposible! Paulit-ulit mo na lang sinasabi sa’kin ‘yan! Imposibleng hindi mo alam kung nasaan ang Ate mo! Ilabas mo siya kailangan ko siyang makausap!”               Pwede ba akong pumatay ng gwapo? -___-                    “Sirang-sira na eardrums ko sa’yo, Kuya! Tigilan na nga natin ‘to! Hindi ko nga sabi alam eh! Tsaka bakit ba napakahalaga sa’yong malaman kung nasa’n ang Ate ko? Tapos ka na sa kanya di ba? Umalis ka na nga! Hinding-hindi mo malalaman kung nasa’n siya!”               Kumuyom ang mga palad niya and then like the usual days, lumayas siya na nagpupuyos sa galit. Duh? Like I care! Sinaktan niya si Ate, gunggong siya. =___=               Pasalamat na nga lang siya di ko pa siya pinuputulan ng pinagmamalaki niya noh. Hmp!                    “That was interesting.” Amused na sabi nung gwapong nilalang.               Tinaasan ko siya ng kilay. “Tsismoso ka rin eh noh? Ano pang ginagawa mo dito? Layas. Shupi! Shoo!”                    “Hindi ako aso.” =____=               Nag-fake ako ng pag-gasp. “Hindi ba? Akala ko chihuahua ka ni Ate Ana.” 0___0               Ngumiti lang siya na parang amused pa. “That’s a cute dog so I wouldn’t mind.” And then he walked away.     xxxOxxx                 Inilapag ko sa malinis na puntod ang mga bulaklak na nabili ko on the way. Napangiti ako. “Hi, Mommy. Happy birthday po.”               And since comfy naman sa maliit na musuleo ng puntod ni Mommy, nag-indian sit na ako sa tiled floor nu’n. Comfy nga eh de natural mag-pi-feel at home ako. “Tumawag na po ulit si Ate sa’kin last week. Sabi niya okay naman daw siya tsaka healthy naman daw si baby. Tapos next month daw pwede na niyang malaman kung anong gender ni baby. Mukha namang happy si Ate. Kaya ayun, kampante na ako. Tsaka sumunod na rin sina Glam, Dea at Tryx sa kanya du’n so there’s really nothing to worry. As for me…”               Bumuntong hininga ako. “…Mom, ang dami-dami kong essays and thesis na kailangang gawin! Tapos yung damuhong prof na ‘yun kala mo kung sinong makapag-utos ng mga gawain eh hindi naman niya pagma-may ari ang buong school! Kung pwede lang, Mom, kung legal lang talaga matagal ko na siyang binunutan ng mata, ng tenga, ng mga buhok sa ilong, ng eyelashes, ng mukha! Nakakainis talaga!”                    “Tsaka isa pa pala! Yung bwisit mong ex-husband may dinala na namang linta sa villa! Ang sabi kay Lola aksidente daw siyang nabuntis! I mean what the he—hen! Hen! What the hen!” sue this no cursing allowed in front of Mommy. Tsk. Anubenemen. “Pa’nong aksidente ‘yon? Naglalakad siya sa kalye tas bigla siyang nabunggo ng ti—tinidor! Tinidor! Tas nabuntis na siya? Huff! For goodness sake, Mom, pwede bang multuhin mo naman sila one of these days?”               Pagkatapos nu’n nanahimik na’ko. Aba baka maingayan yung ibang kapitbahay ni Mommy eh dalawin pa nila ako dito. Takot ko lang noh.               My Mom died in the States. Do’n din siya nilibing. Si Ate ang nagpagawa ng fake na puntod ni Mommy dito at nag-ayos ng musuleo para may napupuntahan kami at nakakausap kung gusto namin. And since wala na si Ate dito sa Pinas para makausap ko, dito ako lagi nagpupunta.               I should admit, it’s hard being an illegitimate daughter. No access to everything, no acess to my own mother’s death even, no acess to riches, I mean nevermind that. But hey c’mon, anak rin naman ako ni Mommy, sa ibang lalaki nga lang, pero technically anak rin naman niya ako ah. Napaka-unfair ng mundong ‘to.               Haist.                    “Well that rant is interesting.”               0_____________0               Multo? Multo? Sinasabi ko na nga ba dapat hininaan ko lang ang boses ko eh! Ayan tuloy, ayan tuloy! Mommyyyy. TT____TT                    “S-Sorry kung na-istorbo man kita, Mr. Ghost na marunong mag-ingles. Pasensya na. Pero kung ikaw naman kasi talaga ang may Step Dad na aksidenteng naibangga ang ti… tirador! Tirador niya sa isang babaeng linta na napulot niya God-knows-where, hindi ka ba mapu-frustrate ng ganito?” TT____TT               Then I heard chuckles. Tumatawa ba ang multo? Okay wait, first nag-english siya tapos tumawa siya. Dre, walang awoo! Hindi mumu ‘yon!               Upon realizing that, I spun around at bumungad sa akin ang humahagalpak na chihuahua ni Ate Ana. Leche lang. “Ikaw na naman? Seryoso, sinusundan mo ba’ko?” -____-                    “Hindi. Pfffttt— May binibista ako sa kabila, ang lakas ng boses mo kaya narinig kitang—HAHAHAHAHAHAHA!” :D                    “Seriously? Go die, Hernandez.” -____-               He stopped his fits then looked at me amused. “Aw you know my surname.”                    “Chihuahua ka nga, kumakahol ka eh. Tsaka haler? Sikat ang Ashton University by surname basis calling. Kahit sinong tanga, alam na Hernandez ang apelyido mo.” =____=                    “Oh. Thought you’re a fan.”                    “Ano ka naman, celebrity? Mas stalker ka ngang tignan eh. Tignan mo oh, andito ka na naman. Lagi ko na lang nakikita ‘yang pagmumukha mo. Seryoso dre? Stalker kita?”               Tumawa na naman siya ng bongga. Hala, nasiraan na ata talaga ng bait. “Hindi nga, hahahahaha! xD Binibisita ko nga ex ko sa kabila. If you want proof, tara, sasamahan pa kita.”               Syempre ako si Sheena Gonzales, natural hindi ako naniniwala. Wahahaha walang konek. :P Anyway tumayo na ako and said my brief goodbye to my dear mother saka sinundan ang stalker ko sa kabilang musuleo.               And I was amused. “Seryoso kang hindi fake ‘tong puntod na ‘to? Ganda ng chicka oh, sayang ba’t siya namatay? Ba’t hindi na lang ikaw?”               Tumawa na naman siya ng sobrang lakas. Parang tanga naman ‘to. “Oh God, you’re hillarious. HAHAHAHAHAHA! :D” then he stopped, may papahid-pahid pa siya sa mata na nalalaman. Leche lang, naiyak na siya kakatawa. “Actually she died because of a terminal illness. It didn’t really hurt when she passed away, she had a happy life.”               Bumalik ang tingin ko sa picture ni girlaloo. At dahil sanay akong mag-indian sit sa harapan ng puntod eh nag-indian sit ako sa tiled floor ng musuleo. “What’s her name?”                    “Nhella. Janhella.”                    “With H? Like Jan-hella? Nice. Jejemon siguro parents neto.”                    “Pfffttt! HAHAHAHAHA!” :D                    “Para kang tanga, pinagtatawanan mo ex mo. Masama yun. Multuhin ka sana niya.”               He chuckled again tapos maya-maya naramdaman ko siyang tumabi sa’kin at nag-indian sit din sa harapan ng ex niya. “Quite truthfully, she isn’t my ex. We had something but we definitely didn’t commit to each other. I love her, she loves me. The problem is that… I didn’t had the chance to tell her I do love her. So… yea…”                    “Woah, ayokong sirain ang ma-dramang kwento ng buhay mo pero matutuwa si Charo Santos pag pinadala mo ‘yan sa MMK. Maraming iiyak d’yan.”               Hindi ko lang talaga lubos na maisip kung anong nakakatawa sa mga sinasabi ko. Ba’t ba siya tawa ng tawa? May sakit ata ‘to sa utak eh. Ang seryo-seryoso kong tao kung makatawa lang siya parang pinagmumukha niya akong clown.                    “Not to really disturb your good time laughing at what I said, pero pwede ko bang itanong kung bakit na-torpe ka at di mo nasabi sa kanya ang dapat mong sabihin? I mean haler? Alam mo na ngang mahal ka niya eh ba’t totorpe-torpe ka pa?”               Huminga siya ng malalim. He took time to calm himself down from laughing histerically. “Take this as a joke all you want but… I’ve never been in love for all my life so how am I supposed to know if I feel one?”                    “Ay tanga. Eh pa’no mo nalaman?”               Nag-shrug siya. “The last minute before she died. That explains why I haven’t got to say I love you to her. And until now, honestly, hindi ko pa rin alam kung paano ba magmahal o kung anong pakiramdam no’n. I guess I’m an idiot with those things.”                    “Oh well… at least kahit never pa ako nagka-jowa alam ko naman kung anong pakiramdam ng magmahal.”                    “Like how? Reading Twilight books?” then he laughed at me. Aba.                    “No. I know I would love the first time that I would see a guy that can drop the funniest joke ever in history in public. Like super duper maraming tao. Tipong tatawa ako ng wagas.”               Napakunot siya ng noo. “Sira ka ba? May love at first sight but I’ve never heard of a love at the funniest joke. Paano naman magiging love ‘yun?”               Nag-smirk ako. “Wanna bet?”                    “Anong bet?”                    “Paunahan ma-inlove.”               Tumawa siya ng sobrang lakas na parang nababaliw na siya ng bongga. Sarap lang batukan. “Ikaw na NBSB mai-inlove sa isang random guy na magjo-joke randomly kapag nakasalubong mo siya sa isang kalye pauwi sa inyo. Nasisiraan ka na ba ng bait?”                    “Bakit tingin mo madali ka lang ma-inlove? Bobo ka nga du’n di ba? Ilang percent sa isang daan na mai-inlove ka sa isang babae ng gano’n kadali eh hindi mo nga mai-differentiate ang fondness sa love? Kaya kung mahihirapan ako, de timang, mas lalong mahirap sa’yo!”                    “Okay, you’re on.”               Walang second thoughts? Ulol neto. “Okay, five hundred thousand. No time limits, paunahan lang. Kapag na-realize mong in love ka na, dapat sa akin mo unang sasabihin, vice versa. Still on?”               He happily nodded. “You’re still on.”               Oh I’m soooo gonna win this! :P Yeah five hundred thousand, come to mommah! (*0*)/     xxxOxxx                 So I am hard bent on finding my funny guy. In all fairness may plano ako. Kapag hindi ako nahirapan sa paghahanap ng Fafa na magpapa-inlove sa kagandahan ko edi happy ending. Pero pag ‘yang si ‘what’s-his-face’ eh nakakuha na ng babae, manduduga na ako. Aba oy five hundred thousand ‘yun! Half a million dre, half a million! It’s worth cheating for.               Tsaka isa pa, sabi nga ng minamahal kong kapatid, kadalasan sa mga rich kids mga bobo pagdating sa dugaan. Malamang hindi niya naiisip ang pandurugang naiisip ko. Mouhahahaha!               Anyway nasa garden ako ng Ashton, naghahanap ng Fafa habang kumakain ng Piattos. Lunch break eh. Eh tinatamad akong mag-lunch. Eh tanga rin ako. Eh kasi nga di ba malamang dahil lunch break nasa cafeteria lahat ng tao. Eh anong gagawin ko dito? Eh malamang walang tao dito. Eh ang tanga-tanga ko. Eh buset. -___-                    “What are you doing here?”               Napalingon ako. And there I saw him. Nice. -___-               Delusional me: Itinadhana ata talaga. *0*               Sensible me: LOL. No.               -_____-                    “Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?” =___=               He chuckled for some unknown damn reason. “Hindi ka mahilig sumagot sa mga tanong noh? Dito ako nagla-lunch. Mas gusto ko dito, tahimik. Eh ikaw? Sinusundan mo’ko?”                    “Lul hindi. -___- May hinahanap lang ako but nevermind, lalayas na rin ako since taken pala ‘tong territory na ‘to.” tss, nakakainis naman oh. Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan. Sa bar pala dapat ako naghahanap.                    “No, no no no. Stay, Sheena.”               0___0               Napatigil ako do’n. I mean it’s not everyday na may makikilala kang pogi na makakaalam sa dyosa kong pangalan. “Kilala mo’ko?” 0___0               He smiled then tap the empty side of the bench he’s sitting at, gesturing me to join him. “Not much, but I know enough about you to see you’re an entertaining person. Mind joining a lonely fella?”                    “Well… ge na nga.” =___=               Naupo ako sa tabi niya, he smiled at me then. We talked and talked, actually no, I talked he laughed. Muntanga naman kasi. Pero at least may mga nalaman ako sa kanya. Like kung anong pangalan niya. Surname lang kasi talaga niya alam ko, he’s name is Aldrin. Aldrin Hernandez. Tapos like how ginagawa siyang alila ng parents niya. De joke lang, hindi naman gano’n ang pagkakasabi niya. Eh kasi naman dre, kung inuutos-utusan ka lang ng mga magulang mo na gawin ang mga bagay-bagay kahit ang mga bagay na hindi mo gustong gawin, anong tawag mo sa sarili mo?               Oh di ba alila?               Anyway nalaman ko ring nag-aaral siya ng pre-med. At first I thought dahil ‘yon kay Janhella with an H since namatay nga siya ng dahil sa isang sakit. Hindi pala. Since kasi pag-aari nila ang Hernandez Medical Hospital, yun na lang ang nakikita niyang escape mula sa pag-handle ng businesses nila straight from hotels to resorts and companies.               Sabi nga niya, he’d rather be a doctor and help patients get treated than to be a greedy hustler businessman who wants profits and many many many more profits. Turns out he’s a nice guy all the way.               But wait till you hear this.                    “I’m a gangster though so I’m not completely nice.”               Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya mula taas paibaba tas balik taas. Then I laughed in mocking. “Seryoso? Naaaning ka na noh? Di ko alam na delusional ka pala! HAHAHAHAHA!” :D                    “I was being serious, Missy.” =____=                    “No way!” :D                    “Yeah, seriously, I was.”                    “Yang… yang katawan na ‘yan? WAHAHAHAHAHAHA! :D Oh God… pffffttt! Jusko, Lord, di ko ma-imagine, Aldrin! H’wag kang nagjo-joke ng ganyan.” And then I saw him eyeing me amused. Oh dear Lord. “Di nga? Seryoso ka talaga?”               Tumango siya. “Totally not a bluff. I broke the gang though, I lost a fight against Navarro so yeah… but I am really a gangster.”               Sasagot sana ako tapos tatawa ulit ng sobrang lakas when a pain shot up from my belly. “Awww… ah!”                    “Bakit? Ano ‘yon? May masakit?”                    “Ano kasi… aaawwww! Nawalan na ng bisa yung ininom kong gamot kaninang umaga. I should be taking one again kaso nasa classroom pa yung backpack ko.”                    “Why? Anong meron? Anong masakit?”               I looked at him with an embarassed face. Good God. “I… I uhm… I have a period.” >///<                    “Oh.” He then chuckled. “Menstrual dysfunction eh?”                    “Bwisit naman eh, may pa-ganyan-ganyan ka pa namimilipit na ako sa sakit dito! Try mo kayang tulungan ako? Kung hindi nakakaabala sa pagmumuni-muni mo habang pinagmamasdan akong namimilipit?”               Tumawa siya. He then scooped me up and in one swift he was already carrying me like a princess. Humaygudnes! Yang payat niyang ‘yan kaya niya akong buhatin? “I’ll take you home. Tumawag ka na lang ng isa sa mga kakilala mo na pwede mong pagbilinan ng bag mo sa school. Kunin mo na lang bukas. And your medicine, do you have one at home?”                    “Yeah, I have. Lots.”                    “Okay then. Let’s get you home.”               Isinakay niya ako sa convertible niya then he drove fast. Tinawagan ko ang baklitang si Fu para ibilin ang bag ko. Then in no time naka-park na kami sa harapan ng bahay. Kaya ko namang maglakad but he insisted on carrying me. Sino ba naman ako para tumanggi?               Bwahahaha. xD               Anyway he settled me on the bed. Naglagay siya ng pillow sa may lower back ko para daw ma-elevate kung anumang chuvachuchu ‘yun then he rounded the house. Pagbalik niya ng kwarto ko may dala na siyang compress that he placed above my lower belly.               And damn it’s so warm. *0*                    “Kumain ka na ba?” tanong niya after niyang maupo sa side ng kama ko.                    “Hindi pa. Bakit?”                    “Di ka pwedeng uminom ng gamot na hindi kumakain. What do you have in the kitchen?”                    “Eh not much. May tira akong noodles from last night na nasa ref.” Kaso nasusuka na ako sa instant noodles. Hay jusko Ate, ba’t mo’ko iniwaaaaaan? TT____TT                    “Masakit ba masyado or could we postpone the meds a little bit para makapaghanda ako ng makakain mo?”                    “Hala, okay na sa’kin yung noodles! Akina yung gamot ko!” TT____TT               He chuckled once again, standing up from the bed. “I take it that’s a no. Ire-reheat ko na lang yung noodles. Sa’n mo nilagay ang gamot mo?”                    “Sa taas ng ref, may medicine kit do’n. Kunin mo yung Mefenax.”                    “Okay. I’ll be back.”               Tumango lang ako. Maya-maya pagbalik niya dala na niya yung bowl ng noodles, baso ng tubig tsaka gamot. Kinain ko yung noodles, uminom ng gamot tapos nag-gangnam style. Chos. xD Anyway we chat a little. Tapos nakatulog ako. Yep, gano’n siya ka-boring.               Lol. Joke lang. :D               Anyway habang natutulog ako feeling ko nananaginip ako. Kasi nakikita ko pa rin si Aldrin na nakaupo lang sa side ng bed ko tapos hinahaplos niya yung hair tsaka peslak ko. I mean hanep namang panaginip ‘to eh noh? May gano’ng effect? Tsaka imposible namang mag-stay dito ‘yang si Hernandez habang natutulog ako. Malamang lalayas na ‘yan.               So I’m certain it’s a dream. @___@a
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD