Chapter Thirteen
The Bet
I headed to the bathroom pagkagising ko. I wash myself, nagsuot ng outfit na Sheena’ng-Sheena ang dating and then naligo ng pabango. xD Tapos bigla na lang akong nakaamoy ng mabangong pagkain. Sabi ng radar ko pagkain ‘yon. *0* Kaya lumabas ako ng kwarto.
And I was real shocked when I saw Aldrin in MYYYY kitchen cooking breakfast. Crap! Breakfast! As in BREAKFAST! “Pagkaeeeeeen!” *_______*
“Oh. Gising ka na. Sit here, this is done.”
Done? Ang dami nang nakalapag sa mesa, meron pa? 0____0
“Oh Christ, this things look good.” Naglalaway na akuuuuu. *Q*
“Really? Try it then.” Nakangiti niyang sagot. Wow. This guy has charms. Ba’t ngayon ko lang napansin? Mouhahaha. xD
Anyway kumain na’ko ng bongga. Pinanood lang niya ako, kumakain rin siya but who cares? Basta pinapanood niya ako. Eh nakaka-flatter ‘yon eh. XD
“Mmmm…” I moaned, eh masarap yung pagkain eh! “Shet naman, you can cook! Holy crap! Ang tagal ko nang hindi nakakatikim ng totoong pagkain. Sukang-suka na ako sa fastfood tsaka sa instant noodles! You should cook for me, Aldrin! Ang sarap neto!”
Ngumiti siya, I could see sparkles in his eyes. Naks guma-gano’n ako oh. “You’re the second person who appreciated my cooking skills so I should really cook for you then.”
“Really? Sinong una?”
“My friend, Lee.” :)
“Ohhh. Eh, tama. Dapat ipagluto mo’ko ng lunch. Para may silbi ‘yang ability mo.”
“Di ka bossy noh?” =____=
“Mouhahahaha.” :3
Marunong akong magluto pero hindi kasing-galing ni Ate. Tsaka since mag-isa na lang naman ako sa bahay hindi na ako masyadong nagluluto. Haler? Sinong kakain ng lulutuin ko eh ako lang mag-isa? So yeah, yun na yung reason ko kung bakit di ako nagluluto.
Lunch break sa school. Nagtanong-tanong ako kung saan ko matatagpuan si Aldrin. May utang siyang pagkain sa’kin. So ang sabi nila matatagpuan ko sila sa Section… wait for it… K!
Akala ko katalinuhan napunta sa section K. Bwahahahaha! xD
Anyway…
*Knock! Knock!*
Sumilip ako sa pintuan. May limang piraso ng estudyante na kumakain sa table nila. Tas may dalawang nakatayo at nag-uusap. Lahat sila tumingin sa’kin. “Haluuuuu! Asa’n lunch ko, Aldrin?” :D
Tumawa lang siya saka sinukbit ang bag niya. May kasunod siyang malaking dambuhala. “Tara sa garden. Would you mind if we join you?”
Tumingin ako sa kapre sabay turo sa kanya. “Di ba niya ako kakainin?”
“PFFFT! HAHAHAHAHAHAHA! :D Hindi, pagkain lang rin ang kinakain niya, hindi madaldal na amasona.” XD
“Go die, Hernandez.” -____-++
“I’m kidding.” :P
Inirapan ko siya sabay lakad papuntang garden. Pagdating do’n naupo kami sa bench. Nilabas ni Aldrin yung lunch KO na hinablot nung kapre niyang kasama na hinablot ko pabalik kaya nag-aagawan kami.
“Akin ‘to!”
“Hihingi lang ako!”
“Mukha mo! Bawal!”
“Ang damot! Bitaw na kasi!”
“Ayoko nga! Aldrin! Yung dambuhala mong kaibigan awatin mo! Hindi ko ibibigay ‘to kahit buhay pa niya ang kapalit! Aldrinnnnn!”
He was laughing hysterically then he pat Lee’s shoulders tas agad bumitaw si kapre. Eh dahil nga todo effort ako sa paghila, nung binitawan niya muntik akong tumalsik at malaglag sa bench kung hindi lang ako nasalo ni Aldrin.
Aww movie style! I only see this in movies! Pero ba’t ang lakas ng t***k ng puso ko? Pag nire-regla ka ba nagpa-palpite rin puso mo? @.@a
“You okay?” he half whispered seeing that our faces are only an inch apart.
Ang bango ng hininga! “Nagli-listerine ka noh?”
He chuckled then settled me back on the bench. “Hindi. I use Swish.” :D
Nag-smirk ako. Nakiki-ride na siya infairness. Anyway kumakain na kami. Nanahimik na rin yung kapre niyang kaibigan na hinakot yung tatlong lunchbox na intended dapat for all of us. Pero buti na lang may natirang dalawa kaya tag-isa na lang kami ni Aldrin. Grabe ‘yang kaibigan niya ah, sarap palunukin ng atomic bomb.
Anywhooo, I was moaning all the way sa sarap ng pagkain habang tawa lang ng tawa si Aldrin. Tinignan ko siya ng masama. “Ano bang problema sa pag-ungol? Hindi ka lang naman umuungol kapag nakikipag-s*x. Umuungol rin ang tao pag nasasarapan sa pagkain. Lahat naungol pag masarap!”
“HAHAHAHAHAHAHA! :D Seriously, Sheena, you’re one of a kind.”
“Yeah right.” =____=
He smiled. There was something with that smile. I know I’ve seen something like that somewhere, I just couldn’t point what it is. Meh, nevermind. Di ko naman nanay si Madam Auring para manghula.
xxxOxxx
Upset. I. Am. Upset.
Tinatanong n’yo kung bakit? Prom night is nearing. From what I’ve heard may dine-date na si Aldrin at malamang n’yan naghihintay na lang siyang makaramdam ng inevitable. Actually di ko naman talaga alam kung may dine-date siya dahil wala pa naman siyang sinasabi sa’kin. Di ba nga ang usapan malalaman ko lang kung panalo na siya kapag nasabi na niyang in love siya?
Okay ang gulo. We’re… well we’re pretty close this past few months. That dude is literally a sweet guy. Ipagluluto niya ako ng breakfast lunch tsaka dinner. Kung wala siya sa bahay, tatambay ako sa unit niya. Boring kayang mag-isa noh tsaka mag-isa lang rin naman siya tas wala rin siyang masyadong maraming kaibigan kaya we hang out. Hang out lang.
But last month was weird. Like totally weird. I just can’t help but to feel like… iniiwasan niya ako. I mean hindi na siya nagpupunta sa bahay, wala na akong lunch, tapos minsan nung nakita ko siya sa MBF tinakbuhan niya ako, tapos wala siya sa classroom niya pag pupunta ako, tapos bigla siyang liliko sa isang hallways pag magkakasalubong kami. HINDI BA UMIIWAS ANG TAWAG DO’N?!
Anyway dahil nga sabi na rin ni baklita at kinumpirma niya ang hinala ko na umiiwas nga si Aldrin sa’kin, edi tinigilan ko na kakahabol sa hinayupak na ‘yun. Instead, pinroblema ko na lang ang prom. I mean… PUNYETA NAMAN KASI WALANG NAGYAYAYA SA’KIN!
Hindi naman ako panget ah! Ang ganda-ganda ko nga eh! Dalagang pilipina, morena, may dimples, maganda, maganda, maganda, di masyadong katangkaran pero maganda, maganda, maganda. Ajujujuju! TT____TT
“Nako, bakla, h’wag kang masyadong stress d’yan. Ang mabuti pa tignan mo na lang ‘tong damit na niregalo sa’yo ng dyosa mong kapatid tapos ‘tong shoes na pinadala sa’yo ng Lola mo. Ganda neng oh! Tama na ‘yang kakaisip mo d’yan sa mga fafa.”
“Eh kasi naman anong petsa na wala pa rin akong Fafa. Parang tanga lang, asan na ba si right guy ko?” TT___TT
“Kuuuuh! Wala na ‘yun, na-hit and run na ng bus. Sukat mo na ‘to.”
Binato ko siya ng throw pillow. “Leche ka.” -____-++
And not so long, the prom night came. Natutuwa naman ako kasi hindi dumating si kuya Bryce, nagsawa na ata ‘yon ng kakagambala sa katahimikan ng mundo. Pero ang nakakainis n’yan, nabu-bwisit ako sa tining ng boses tsaka ng sobra sa uber na kislapan ng gown ng babaeng partner ni Aldrin. Nakakasilaw yung damit. -___-
Ang masama lang n’yan, I really feel disappointed. Hindi ko talaga alam kung bakit, pramis. Parang ano kasi… para bang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Iritado pa’ko, kaya siguro takot lumapit sa’kin ‘tong mga lalaking kanina pa tingin ng tingin. Haru jusko.
Ang emotera ko na, hindi bagay. ("__ _)
“Uhrm… can I have everybody’s attention please?”
Naibuga ko ang lemon punch na iniinom ko nung makita ko si Aldrin sa stage at inagaw ang mic sa emcee na dapat eh mag-a-announce na ng prom queen and king namin. He chuckled for some unknown reason na feeling ko alam ko. Pero syempre ayoko namang mag-assume na nakita niya ako, ang dami kayang tao.
“I know some of you will… be graduating soon.” He began, silencing the crowd. “I wouldn’t talk about memories of college, of Ashton, I wouldn’t talk about things that you will left behind. Instead I wanna talk about things that will start the future.”
Nag-ehem siya. Feeling ko malalaglag na yung pants niya kakapunas niya ng palad niyang feeling ko eh nagse-sweat. Ginagawa ko lang ‘yan kapag kinakabahan ako eh. Weh? Kinakabahan rin pala ang mga kagaya ni Aldrin Hernandez na rich kid at… okay let’s admit it—heartthrob.
“I… I uhm… I agreed to do a bet with someone.”
Oh my God! Kinabahan ako. s**t, mukhang dito niya gagawin ang confession niya sa ka-date niya and at the same time sasabihin rin niya sa akin na nanalo siya. Tengeneng kabayo sa’n ako kukuha ng kalahating milyon? 0_____0a
Bumuntong hininga siya. Tumindi ang buzzes ng mga estudyante. I think he’s fidgeting with himself mentally. Asan na ba yung makulay niyang ka-date? @.@
“I’m Aldrin Hernandez and I’m twenty two years old.” He finally said. That’s odd. “I study pre-med, I wanted to be a doctor. Crap I don’t even know what I’m saying this but… *sighs* okay, let’s get to the point. I really don’t know what it feels to love nor to be loved. I had an idea, like a hint or a preview if it… if it fits it.”
Anong preview pinagsasasabi ng kumag na ‘to? Movie ba itetch? May preview?
“Good grief I’m rambling!” pinikit niya ang mata niya sabay hugot ng malalim na hininga then to my surprise, he shouted. “SHEENA GONZALES! You have to listen to this dahil ngayon ko lang gagawin ‘to!”
Tumingin si baklitang Fu sa’kin, tapos nagsunod-sunod na yung tingin ng iba. Holy crap, a minute ago isa lang akong invisible na diwata sa paningin ng mga mortal na itetch. Ngayon nakikita na nila ako. Charing. xD
“Ang adik lang?” =___=a
We heard him murmured things in between ‘This is embarassing’ and ‘I’ll only do this once in my life’ then he goes to sigh again. “Paano tumawa si Dracula kung naging kapampangan siya?”
May tumawang lalaki sa harapan tas sumigaw ng ‘Paano?’
“Edi A! A! A! A! A! A!”
I looked at him quizically while majority of them laughed. Nakatingin siya sa’kin na parang nagmamakaawang tumawa ako. Shet ka lang, ba’t ako tatawa eh hindi naman nakakatawa ‘yun? Kung magde-deliver ka lang rin naman ng joke aba dapat ef na ef mo. Eh naka-poker face siya eh. Anong tawa ang naka-poker face?
Yet again, he sighed. “What is ‘if are?’”
“What?” they yelled.
“Gamot sa masil na nagkapili-pilipit.”
This time, Fu cracked up pero tinakpan agad niya ng kamay ang bibig niya. Nakatingin si Aldrin sa’kin na namumula at parang hinihingi ang reaksyon ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Ano bang ginagawa niya? o.O
“Bakit ginawa ang eroplano?”
“Bakit?”
“Kasi sira.”
The laughs again. Pati si Fu tawa na ng tawa. Nailing ako sa kanya. Then again he rambled. “Oh God, oh God… this is embarassing…”
Embarassing pala eh anong ginagawa mo? I doubt that he’s making me laugh kasi hindi naman nakaka…
TEKA NGA!!!!
*Flashback*
“No. I know I would love the first time that I would see a guy that can drop the funniest joke ever in history in public. Like super duper maraming tao. Tipong tatawa ako ng wagas.”
*Flashback ends*
Hala. 0____________0
“Anong apelyido ni Fan?”
“Ano?”
“Dango.”
s**t. Napangiti ako ng di sadya. Nakita niya! Hala s**t! There was something in his eyes that lit up that exact moment. Para siyang nabuhayan, para siyang nabigyan ng pag-asa. Napatakip tuloy ako ng bibig ko. Is that really what he’s trying to do?
“Ano ang tunog ng high heels ng babaeng makapal ang make up at naka-micro mini habang naglalakad ng gabi?”
“Ano?” everyone asked in chorused.
Ngumiti siya sa’kin. “Pok, pok, pok, pok…”
I chuckled habang nakatakip ang isa kong kamay. Di niya pwedeng makitang tumatawa ako shet. Mawawalan ako ng entertainment. :D
“Ano ang apelyido ni Sadako?”
“Ano?”
“Paroon.”
s**t. WAHAHAHAHAHAHA! :D Tumawa na ako talaga, di ko na kaya. XD
“Ano sa tagalog ang lap?”
“Ano?”
“Edi ‘Mwahahahahahaha!’”
I threw my head back laughing. “HAHAHAHAHAHAHA! SHET KA, ALDRIN, PANALO! HAHAHAHAHAHA!” :D
“Anong tawag sa mga lamok na umiilaw sa dilim?”
“Ano?”
“Lamok na may dalang flashlight.”
“HAHAHAHAHAHAHAHAHA!” :D hysterical kung hysterical tatawa ako. Hindi ko mapigilan eh, I find it funny na kahit hindi.
I heard him chuckled softly then sighed. “So, Sheena, natatandaan mo pustahan natin? The first who falls in love will be the winner.”
Tumatawa akong tumango. Aamin na ako, sige na… panalo ako! Mouhahahaha! “Pa—”
“Talo ka, panalo ako.” he then interfered with his ‘makalaglag-panty kasama na napkin’ na smile. “Nauna akong ma-inlove… sa’yo.”
May mga pumi-pito, mga nagpapalakpakan at humihiyaw. I looked around them, yung mga katabi ko tinutulak-tulak ako. Until nagkaharap kami sa gitna ng maraming tao. Bumaba siya at iniwan ang microphone sa emcee. “Huy, panalo ako.” I insisted.
Napakunot siya ng noo. “You dated? Hindi mo sinabi sa’kin.”
“Nakipag-date ka rin pero di mo sinabi sa’kin.”
“What? No! I never dated. I was just… avoiding you…” <__<
“Weh? Eh sino yung babaeng makinang kanina? Tsaka ba’t mo’ko iniiwasan?”
Tumawa siya ulit. “Date ni Lee ‘yun. Pinsan ko. Iniiwasan kita dahil ayokong biglain ka. I mean… paano ko sasabihing mahal kita? Malamang sasabihin mo mali pagkakaintindi ko sa pustahan. Isa pa… kahit kailan hindi ka natawa sa’kin. So paano mo’ko magugustuhan?”
Awww he’s pouting. *____*
“Alam mo kasi, Aldrin, wala namang joke na corny eh. Dahil walang hindi nakakatawang araw kapag kasama mo ang mahal mo. Kapag tumatawa ka ng walang dahilan, ibig sabihin nu’n mahal mo yung tao. Kapag tumatawa ka pa rin kahit puro Vice Ganda hirit ang mga jokes niya o kaya mala-Tito, Vic and Joey o Jose and Wally pa ang peg, tatawa ka dahil kasama mo siya. Your jokes wasn’t even that funny, corny sila. But they made me smile. They did… because… me, ang dyosang-dyosang Sheena Gonzales, ang engkantadang ito, eh nahulog sa isang mortal na may hindi kagandahang katawan pero pwede nang pagtyagaan, kaya nanalo ako so akina ang five hundred thousand ko.”
He was looking at me dumbfounded. Tipong parang di niya alam kung anong sinasabi ko. Natawa ako. Hinila ko ang necktie niya at nilapastangan ng bongga ang labi niya. In short, I kissed him. :P
And not so long after the shock, pumaikot ang kamay niya sa may bewang ko at ibinalik ang mga halik ko doble pa sa impact ng akin. Ngumiti ako habang hinahalikan niya. “Nanalo pa rin ako.”
“Hindi, nanalo ako, Missy. Kung hindi ako nag-confess di mo malalaman na mahal mo’ko. Kaya panalo ako.” katwiran niya.
“Hoy excuse me, ang usapan paunahang ma-inlove, hindi paunahang malaman kung inlove ka nga.”
“Hindi mo rin naman malalaman kung kailan ka na-inlove kung hindi mo mare-realize na inlove ka na nga di ba? Aish basta! Nauna ako. From day one I knew I love you. I love how you talk back, I love how you make fun at me, I love how you appreciate my existence, I love how you make me feel I’m needed, I love your eyes, I love your smile, I love you when you sleep, I love how you make me go crazy at night, I love how you invade my every dream, I love you when you laugh so hard about my faults that you couldn’t stop laughing when you start, I love everything about you, Sheena, so stop now, I want to kiss you.”
I laughed and kissed him again. Tatawa muna ako ngayon at paulit-ulit siyang lalapastanganin pero sisingilin ko pa rin yung five hundred thousand sa kanya noh.