Chapter 8
Tatlong doktor ang kausap ni Tooffer sa loob ng maliit na opisinang naroon sa warehouse. Mga ekspertong siruhano ang mga iyon na matagal ng nagsisilbi sa mga Monteero. Sa unang tingin makikita ang hindi pagsang-ayon ng mga ito sa suhestiyon ni Tooffer pero bigla ring nabago ang desisyon nang makita sa salaming bintana ang pagdating ni Leester kasama si Isabella.
"I thought he is already dead," saad ng doktor na medyo may katabaan.
"That beast has nine lives, Doc," nakangising sagot ni Tooffer. "May sa pusa 'yang si Leester kaya huwag na kayong magtaka."
Pinagmasdang maigi ng tatlong doktor si Leester habang inaalalayan si Isabella na makababa ng sasakyan at mayamaya ay nagsalita ang doktor na medyo maputi na ang buhok, "I never thought na makakaligtas siya sa ganoong aksidente."
"Indeed, Doc," sang-ayon ng ikatlong doktor. "Ibig sabihin, pinalabas ng mag-asawang Monteero na patay na ang panganay nilang anak." Napakamot ito sa ulo at nagbaba ng tingin na tila nahihiwagaan. "Weird. Kung kailan pabagsak na ang organisasyon saka sumulpot si Leester."
"Ano ang nangyari sa kaniya sa loob ng pitong taon, Tooffer?" tanong ng doktor na may katabaan.
"It's not my story to tell, Doc. Why don't you ask him?" Tumingin si Tooffer sa hawak niyang cellphone at muling tiningnan ang tatlong doktor. "Pitong taon din akong nawala rito sa bansa. Actually, kararating ko lang noong nakaraang buwan." Inilipat niya ang paningin sa labas at nang makitang wala na roon sina Leester at Isabella ay tumayo siya. "So, I presume you already understand what we have been discussed a while ago? If in case you need-"
"Of course, I understand," sabay-sabay na sagot ng tatlong doktor sa pautal-utal na boses kaya lihim na napangisi si Tooffer.
"Good. Rest assured that you'll get compensated as soon as it's done. Alam naman natin, Doc ang mga Monteero, lahat ng umaayon sa kanila ay nabibiyayaan nang husto." Nang may kumatok sa pinto ay pinagbuksan iyon ni Tooffer.
"Damn you, Tooffer!" mura ni Leester pagkabukas na pagkabukas ng pinto. "Anong ginagawa mo rito? Di ba dapat naroon ka sa kompanya?"
"Oops! Relax, Dude." Nakataas ang dalawang kamay ni Tooffer saka umatras para makaiwas sa nakaambang suntok ng bagong dating. "May inutos sa 'kin si Tito Javier. Isa pa kasama mo naman si Isabella." Ngumiti ito sa dalaga na ngayon ay nakatingin sa tatlong taong naroon sa opisina.
"Babe." Hinawakan ni Isabella ang braso ng kasintahan at pabulong na nagsalita, "May bisita si Tooffer."
"Who are they?" Nanlilisik ang mga mata ni Leester nang tumingin sa gawi ng tatlong doktor.
"Dude...? Don't tell me na hindi mo sila natatandaan?" anas nito.
"I said," matigas na saad ni Leester. "Who are they?"
"Who are they, Tooffer?" kaswal na tanong ni Isabella para hindi makahalata ang tatlong bisita.
"Ah, Isabella," tugon ni Tooffer. "This is Doctor Simon, Doctor Theo and Doctor Ian." Pasimpleng tiningnan ni Tooffer si Leester na kaagad dinama ang kanang bahagi ng ulo. "Gentlemen, this is Isabella, the daughter of Mr. Al del Mundo."
Gulat ang mga doktor nang malaman kung sino ang ama ng babaing kaharap. Si Leester naman ay maging mailap ang paningin sa tatlong lalaki.
"Nice to meet you." Isa-isang kinamayan ni Isabella ang mga bisita. Nakaplaster ang ngiti niya sa labi para hindi makahalata ang mga iyon tungkol sa kalagayan ng nobyo.
"Alright, Gentlemen," muling saad ni Tooffer nang mapansing tila walang plano si Leester na batiin ang mga bisita. "I'll just inform you about our next transaction. Good day." Kinamayan sila ni Tooffer at iginiya palabas ng opisina.
"Siguraduhin mo na hindi papalpak ang trabaho ng mga 'yan, Tooffer," pahabol ni Leester dahilan para kabahan ang tatlo.
Hinila ni Isabella ang nobyo paupo sa sopa dahil matalim nitong tiningnan ang tatlong doktor. Mabilis namang naisara ni Tooffer ang pinto at sinamahan ang mga doktor palabas ng warehouse na iyon.
"Hindi mo talaga sila kilala, Raine?" tanong ni Isabella sa nobyo na ikinailing naman ng huli. "Tingin ko matagal na sila sa pamilya n'yo dahil kung hindi, hindi sila papupuntahin dito ni Tooffer."
Nakayuko lang si Leester habang sapo ang noo gamit ang kanang kamay. "I tried to remember them, but I just can't..." Tila nanakit ang ulo niya dahil pumikit ang mata kasabay ng pagkuyom ng kaliwang kamao.
"Hey." Niyugyog ni Isabella ang balikat nito. "Something's wrong?"
"Hurts like hell," pabulong na saad nito na ikinabahala ng dalaga.
Niyakap ni Isabella ang nobyo at banayad na hinilot ang sentido nito. "Relax, Babe. Tatawagan ko ang doktor mo." Akma ng kukunin ng dalaga ang cellphone pero pinigilan siya ni Leester.
"No. Wala akong tiwala sa doktor na 'yon." Isinandal na lang niya ang ulo sa balikat ni Isabella saka muling pumikit.
"Pero..."
"Isabella." Mahina lang ang boses nito dahil sa iniindang sakit ng ulo. "Just do what I say. Mawawala rin ito mamaya."
Pinainom niya na lang ng tubig ang nobyo at hinayaang humiga sa sopa. Nang makatulog si Leester ay lumabas siya ng silid na iyon para hanapin si Tooffer. Walang tao sa labas ng silid pero naririnig niya ang sigawan sa di kalayuan na tila may pustahang nagaganap.
"Isabella...?"
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Tooffer. Maaliwalas ang mukha nito kaya nahuhulaan na niya na naging matagumpay ang pakikipagtransaksiyon nito sa tatlong doktor.
"Si Leester?"
"Nakatulog sa sopa." Tumingin siya sa silid kung saan naririnig niya pa rin ang sigawan.
Napangiti si Tooffer. "Ah, malamang pakana na naman 'yan ni Kyle. Wala na naman sigurong magawa. Gusto mong makita?" Nilagpasan siya nito kaya napasunod na lang siya. Gusto rin niyang makita kung ano ang nagaganap sa silid na iyon.
Nakabibinging ingay ang bumungad sa kanila nang buksan ni Tooffer ang pinto. Hindi na nagulat si Isabella nang makita ang dalawang lalaking nagpambubuno sa gitna ng pabilog na arena. Parehas pawisan ang dalawang iyon na tila galit na galit sa isa't isa. Wala silang hawak na armas kaya braso, kamay at paa lang ang maaari nilang gamitin para ipagtanggol ang sarili.
Abala sa panonood ang mahigit tatlumpung tauhan ng mga Monteero. Hindi man lang nila pinansin ang pagdating nina Isabella at Tooffer. Sigawan lang ang maririnig sa loob ng silid na iyon at maging si Kyle ay nakikipagsabayan sa pagsigaw ng mga tauhan lalo na nang bumagsak ang lalaking may tattoo sa kanang braso dahilan para ideklara ang pagkapanalo ng lalaking medyo may katabaan.
"Ooops!" sigaw ni Kyle. "Panalo ako!" Matapos makuha ang napalunan niya ay nilingon nito ang tauhan. "Gener, ibalik n'yo na ang dalawang 'yan sa kulungan bago pa malaman ni Kuya Leester ang nangyayari rito."
"Ma'am Isabella...?" kunot ang noong sambit ni Gener nang makita ang dalaga kaya napalingon na rin si Kyle.
"Rose! Akala ko nasa kompanya ka kasama si Kuya?"
Napangisi ang dalaga nang makita ang takot sa mukha ni Kyle. "Tapos na ang meeting, Kyle. Nandiyan ang kuya mo sa labas."
"Ano!" Napatayo ito at nilapitan ang dalawang lalaking nagpambubuno kanina saka sumigaw, "Gener, bilisan n'yo nga. Baka pumasok dito si kuya." Hinablot nito ang braso no'ng isang lalaki at hinila papunta sa kabilang pinto. Panay naman ang tawa nina Isabella at Tooffer habang pinagmamasdan ang mga iyon.
"O, tulungan n'yo na si Kyle," natatawang utos ni Tooffer sa iba pang tauhan na naroon. "Anumang oras papasok na 'yon dito si Leester. Baka mapagtrip-an kayong bugbugin n'on."
"Walang magsasabi kay kuya kung ano ang nangyari dito, ha," saad ni Kyle sa mga tauhan. "Kapag nagtanong, sabihin n'yo nagtangkang tumakas kaya binugbog."
"Opo, boss," sabay-sabay na sagot ng mga tauhan.
Napailing na lang si Isabella at lumabas na ng silid subalit sinundan siya nina Kyle at Tooffer.
"Rose, huwag na huwag mong sasabihin kay kuya ang nakita mo, ha. Yari na naman ako kapag nagkataon."
"Kyle naman. Hindi naman siguro magagalit si Raine dahil bihag n'yo 'yon." Hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang makahulugang tingin ng dalawa. "Bakit? May nasabi ba akong masama?"
Hindi na nakasagot ang dalawa dahil namataan na nila ang paglabas ni Leester sa kabilang silid. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa doorknob at tila hinihintay talaga ang kanilang pagdating.
"May bagong pasok sa grupo, Kyle?" bungad ni Leester sa kapatid.
"Meron, Kuya. Mahigit sampu ang dumating kahapon."
Biglang tumalim ang mga mata ni Leester. "At basta mo na lang silang tinanggap sa grupo?" Nang tumango si Kyle ay mabilis niyang hinablot ang kwelyo ng suot nitong damit at kinaladkad papasok ng opisina saka itinulak sa sopa. "Lintik ka talaga!"
"Raine, ano ba!" awat ng dalaga sa nobyo. Pumasok na rin ito sa opisina kasunod ni Tooffer.
"Lock the door!" sigaw ni Leester kaya biglang sinipa ni Tooffer ang pinto pasara.
"Raine, ano ba ang nangyayari?"
"Kuya...?" Bumadha ang takot sa mukha ni Kyle nang undayan ito ng suntok ni Leester at kung hindi naging mabilis ang pagkilos ng dalaga ay tatama iyon sa mukha ng nakababatang Monteero.
Hawak ni Isabella ang kanang braso ng nobyo kaya hindi natuloy ang isa na namang suntok na dadapo sa mukha ni Kyle. "Raine, kapatid mo 'yan-"
"Wala akong kapatid na tanga!"
"Ano ba ang nangyayari, Dude?"
Hinatak ni Leester ang sariling braso mula sa pagkakahawak ni Isabella at lumapit sa mesa saka sinipa kaya tumambad sa kanila ang bomba na nakakabit sa ilalim na bahagi niyon. Napakunot ang noo ni Tooffer at nilapitan ang mesa.
"Papaanong...?" Hindi makapaniwala si Tooffer sa nakikita. Maging si Isabella ay napanganga.
"See?" Matalim na tingin ang ipinukol ni Leester sa kapatid. "Hindi tayo bubuhayin ng bombang ito, Kyle. At hindi lang 'yan nag-iisa dahil meron pa akong nakita sa loob ng banyo. Ngayon lumabas ka at iharap mo sa akin ang mga bagong pasok sa grupo. Bilis!"
Nang lumabas si Kyle ay inayos ni Tooffer ang mesa habang si Leester naman ay nagtanggal ng relong pambisig. Hinubad niya rin ang suot na coat saka tinanggal ang necktie.
"What are you planning to do?" tanong ni Isabella.
"Hindi isang kagaya ko ang maloloko ng mga lintik na 'yon. May kalalagyan talaga sila."