Chapter 9
"Be cautious next time, Kyle," mahinahong saad ni Leester sa nakababatang kapatid. May hawak siyang baso na may lamang alak. Naroon sa tabi niya si Isabella na pormal na nakatingin kay Cathy na tila ba inihahanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari. Alam nila kung ano ang maaaring gawin ni Leester kay Kyle dahil sa nangyari kanina sa warehouse.
"I will, kuya," sagot ni Kyle. Hindi ito makatingin nang diretso sa kapatid. "I'm sorry."
Bumuntong-hininga sa Leester at inilapag sa ibabaw ng mesa ang hawak na baso. Nilingon niya ang mga taong naroroon sa study room na parang nahihiwagaan dahil kanina pa tahimik ang mga iyon. Si Javier ay nakaupo lang sa swivel chair at kanina pa inaalog ang hawak na baso na may lamang alak. Ni hindi pa nagawang bawasan iyon. Si Charlotte na katabi ni Cathy sa sopa ay tila nakikiramdam lang sa mga kilos ng panganay na anak. Paminsan-minsan ay nagkakatitigan sina Isabella, Cathy at Tooffer. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata patungkol ka Leester.
Tumayo si Leester. "Magpapahinga na ako. Bukas na lang tayo mag-usap. Napagod ako sa mga lintik na 'yon." Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang marinig ang boses ng ina.
"Rose, I need to talk to you," wika ni Charlotte saka tumingin sa gawi ng asawa. "I mean, we need to talk to you. It's been a month pero hindi pa rin malinaw sa akin, sa amin ang mga nangyari seven years ago. Ang alam lang namin ay ang car accident na kinasangkutan ni Leester. You did not even tell us na ikaw ang fiancee ng anak ko. Ang kambal-"
"That's because I told her not to tell anyone about our kids." Tumaas ang boses ni Leester kaya nagulat si Tooffer. Ngayon lang nito pinagtaasan ng boses ang sariling ina.
"Babe, lower down your voice," saway ni Isabella.
Biglang tumalim ang mga mata ni Leester nang bumalik sa tabi ng dalaga at muling naupo. Gumalaw na naman ang magkabilang panga nito kaya naalarma si Cathy. Hinawakan naman ni Isabella ang kaliwang kamay nito para pakalmahin.
"Bago kami nagkahiwalay sa dagat ay sinabihan ko siyang ilayo ang mga anak ko sa mata ng organisasyon. Ayokong danasin ng mga anak ko ang ganitong buhay. I want the best for them."
"I'm sorry, tita, tito," saad naman ni Isabella saka gumaralgal ang tinig. "Sasabihin ko naman po talaga sa inyo. Kahit si daddy ilang beses nagplano na sabihin sa inyo ang totoo pero nauunahan pa rin ako ng takot. May alitan kayo ni dad at hindi ko alam kung paniniwalaan ninyo ako kapag sinabi ko. Isa pa, may kasamang babae si Raine nang mangyari ang car accident. Suot niya ang engagement ring na isinoli ko noong nasa yate kami. Lalabas lang na sinungaling ako."
Muling nagtagis ang mga bagang ni Leester nang marinig ang sinabi ni Isabella. Hindi niya kayang makita na nasasaktan ang nobya. Napahawak siya sa sentido dahil sumakit iyon. Gusto niyang alamin kung sino ang babaing kasama sa car accident na iyon pero masyadong mailap ang kaniyang memorya. Hindi pa bumabalik ang lahat ng kaniyang alaala sa nakaraang pitong taon.
"Isa sa mga dahilan ko kaya ako nagbalik ay para hanapin si Raine dahil palagi siyang itinatanong sa akin ng kambal." May sumungaw na luha sa mga mata ni Isabella. Mabilis niya iyong pinunasan saka nagpatuloy, "kailangan kong mahanap si Raine dahil siya lang ang may alam kung sino ang tunay kong ina."
"Ampon ka, Rose?" sabay na tanong nina Cathy at Kyle.
"Well, not exactly. Si mommy, hindi talaga siya ang totoo kong ina at kinumpirma mismo iyon ni dad." Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Javier. "Dad told me that you killed my biological mom."
"That's not true," sabat ni Tooffer. Pansin ni Isabella ang mahigpit na pagkakahawak nito sa baso.
"'Yon mismo ang sinabi sa akin ni Raine noong papunta kami sa Isla de Majika. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na tanungin siya dahil dumating 'yong mga armadong lalaki at pinasabog ang yate." Muli siyang tumingin kay Javier. "Ang natatandaan ko lang ay sinabi sa akin ni Raine na kayo ang nakakaalam kung sino ang tunay kong ina."
"Damn!" saad ni Tooffer at tumingin sa gawi ni Leester na ngayon ay gulong-gulo sa nangyayari.
"Please, tito," pakiusap ni Isabella. "Kilala n'yo po ba siya? Ang sabi sa akin ni Raine noon ay buhay ang totoo kong ina." Nilingon niya ang nobyo. "Di ba, Babe? Ang sabi mo noong nasa yate tayo ay buhay ang totoong mommy ko, di ba?"
Napatingin si Leester sa mukha ng kasintahan, walang maapuhap na sasabihin. Mayamaya ay sinapo nito ang sariling ulo na tila may iniindang sakit. Napayuko ito saka itinukod ang magkabilang siko sa tuhod habang sapo ang ulo.
"s**t!" usal nito. "It hurts."
"Babe...?" Hinaplos niya ang balikat ng nobyo saka hinawakan ang kamay dahil unti-unti na namang kumukuyom iyon na tila handa na namang manuntok. "Calm down."
Nakatingin lang sa kanila ang mag-asawang Monteero, maging sina Cathy at Kyle. Hindi sila makapaniwala na kayang pakalmahin ni Isabella si Leester. Si Tooffer naman ay hindi makapaniwala na ganito na ang Leester na dadatnan niya.
Pinainom ni Isabella ng tubig ang nobyo saka inayos ang throw pillow at doon pinaunan si Leester. Dahan-dahan niyang minasahe ang noo nito at ilang minuto lang ang dumaan ay nakatulog na.
**********
Mag-a-alas kwatro na nang madaling araw nang magising si Leester. Naroon si Isabella sa may ulunan niya, nakasandal ang likod sa sopa habang hawak ang kamay niya. Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ng dalaga saka umupo. Napailing na lang si Leester, hindi niya akalaing babantayan siya nito.
Matapos bumuntong-hininga ay binuhat niya ang dalaga at dinala sa kwarto nila sa itaas para maayos itong makahiga. Nang makasalubong niya ang ina ay senenyasan niyang huwag maingay para hindi magambala ang natutulog pang si Rose. Naintindihan naman iyon ng ginang at binuksan ang kwarto ng panganay na anak.
"Gising na si papa, mama?" bulong ni Leester sa ina matapos ilapag si Isabella sa kama. Kinumutan niya muna ito at niyaya ang ina sa labas.
"Tulog pa, anak. Why?"
"I need to talk to him. About Tita Monica." Dire-diretso niyang tinungo ang kwarto ng kambal habang nakasunod ang ina.
Tulog pa ang kambal kaya inayos lang ni Leester ang kumot saka pinulot ang nahulog na stuff toy at itinabi iyon kay Nessa. Napapangiti naman ang ginang sa kilos ng panganay na anak.
"Malalaki na ang mga anak mo," napapaluhang saad nito.
"Shhh," saway dito ni Leester. "Let's go downstairs, mama." Inakay na niya ang ina pababa ng hagdan.
"Wait, anak. Matulog ka uli. Alas kwatro pa lang."
"Hindi na, mama," sagot niya at tumuloy na sa kusina para magluto. Tiningnan niya ang cupboard kung may ingredients pa para sa iluluto niyang lasagna.
"Let me guess," natatawang saad ng ginang matapos kumuha ng dalawang puswelo at nagtimpla ng kape. "You'll gonna cook lasagna, right?"
"Uhmm." Matapos mailagay sa kitchen island ang mga kakailanganing sangkap ay inabot sa kaniya ng ina ang tinimplang kape. Humigop muna siya ng kape saka naglagay ng tubig sa kaserola.
"How did you meet Rose?"
Naupo muna si Leester sa stool habang hinihintay na kumulo ang tubig. Muli siyang humigop ng kape at napangiti sa tanong ng ina.
"A day after I arrived here. Kasama ko no'n si Tooffer nang madaanan namin sila ng mga kaibigan niya sa highway. Nasiraan sila ng kotse." Lumuwang ang pagkakangiti ng binata. "Pagkatapos no'n, hindi na siya matanggal sa utak ko."
"I really like her, anak. At nagpapasalamat ako na natagpuan mo siya. Matagal na siyang pinapahanap ng papa mo, pero ni minsan walang nakaalam o nakakakilala sa kaniya. Ang akala ko nga bibigyan siya ng engrandeng debut ng Tito Al mo pero hindi nangyari."
"Isa si Elinita sa mga dahilan kaya itinago ni Al ang anak niya," saad ni Javier na naroon sa bungad ng pinto.
"Papa...? Kilala n'yo si Elinita?"
"Of course," sagot nito at umupo sa tabi ng asawa. "Ang kontrabidang stepsister ni Emilia."
Dumilim ang mukha ni Leester. "Si Elinita ang utak ng pagdukot kay Isabella no'ng annual party ng organisasyon pitong taon na ang nakalilipas."
"Si Rose ang kasama mo sa party na 'yon, anak?" Ngumiti ang ginang.
"Yes, mama."
"Bakit hindi mo man lang nagawang sabihin sa amin na natagpuan mo na ang anak ni Al?" pormal na tanong ni Javier.
"I want to surprise you." Mapait na ngumiti si Leester. "Pero hindi nangyari dahil sa pagsabog na iyon. Ayos na sana ang lahat. Nakaplano na ang engagement party, ang venue ng kasal. Si Tita Monica na lang ang kulang. Isa sa mga pangarap ni Isabella ang makilala ang tunay niyang ina bago kami ikasal." Kumuyom ang kamay niya. "Hindi ko sila mapapatawad. Hinding-hindi."
"So anong plano mo ngayon, anak?" Humigop ng kape si Javier habang pinagmamasdan ang anak na abala sa pagluluto.
"Honestly, Papa, gusto kong umalis ng bansa kasama ang mag-iina ko. Mas makabubuti na manirahan kami sa ibang bansa. Malayo sa gulo, malayo sa buhay na kinalakihan ko." Tumalikod na ang binata at tiningnan ang niluluto.
"Pero, anak-" Naumid ang dila ni Javier nang hawakan ng asawa ang kanang balikat nito.
"Let him decide for his own family, Javier."