Chapter 10

1454 Words
Chapter 10 "May I join you?" Natigil siya sa pagtipa sa cellphone nang marinig ang tinig na iyon. Nagulat siya nang iangat ang kaniyang paningin at mapagsino ang nasa harapan. Nakangiti sa kaniya ang isang lalaki na tila ba matagal na silang magkakilala. Tumaas ang kabilang kilay niya nang maupo ang lalaking iyon sa upuang kanina lang ay inuokupa ng kliyente niya. Hindi niya maiwasang mainis nang magtawag ito ng waiter. Lihim siyang nagmura. Sa dinami-dami ng mesa rito sa restaurant, doon pa ito naupo sa mesang inuokupa niya. "I am currently having a meeting," mahinahon niyang saad para umalis na ito. "So if you'll excuse me-" "O, come on, Isabella Rose del Mundo." Ngumisi ito at tinitigan siya. "The meeting is over. I've been watching you for," ibinitin nito ang sasabihin at tumingin sa suot na relos, "for three hours now." Tumayo na siya dahil naaalibadbaran siya sa lalaking iyon. "Excuse me. I have to go." "Ooops! Not so fast, lady.Why don't you join me for a lunch?" "Tapos na ako mag-lunch," sagot niya. Pumormal ang reaksiyon ng mukha ng taong kaharap ni Isabella. "Sa lahat ng ayaw ko ay ang taong sinungaling. Come on, join me. Who knows? May maibigay akong impormasyon sa taong matagal mo ng hinahanap." Ngumiti ito nang makahulugan at iminuwestra na maupong muli ang dalaga. Hindi iyon pinansin ni Isabella, bagkus ay tumalikod siya pero biglang nagsalita ang lalaki kaya't nilingon niya itong muli.. "Hinahanap mo ang tunay mong ina, right?" Uminom muna ito ng tubig na kalalapag lang ng waiter saka ngumisi. "I know everything about you, Isabella Rose del Mundo. The one and only daughter of Al del Mundo who happens to be the worst enemy of Javier Monteero." Ngumiti si Isabella para matakpan ang kabang kanina pa nararamdaman. "You must be mistaken, mister-" "Kenneth. Kenneth Braganza." "Kenneth Braganza," sambit niya sa pangalan ng lalaking kaharap. Saka lang niya naalala na ito ang lalaking bumunggo sa kaniya sa labas ng del Mundo Industries. Ito rin ang lalaking kasama ng Tita Elinita niya sa annual party ng organisasyon. "Hinahanap mo ang tunay mong ina, right?" Ngumiti ito. "Sit down and join me for lunch. I could give you some information about your biological mom. I bet my friend Leester never told you that he already found your biological mom seven years ago?" Lalong nadagdagan ang kabang kanina niya pa nararamdaman. Wala sa sariling napaupo siya nang marinig ang huling sinabi ni Kenneth. Hindi niya alam na kaibigan ito ni Leester. Nanatili ang peke niyang ngiti. "And you expect me to believe that? Walang alam si Leester sa buhay ko liban sa ako ang anak ng kaibigan ng ama niya. In fact, we are on a stage of getting to know each other." "Really?" Ngumiti nang makahulugan si Kenneth. "As far as I know, Leester told me about you seven years ago. Actually, ibinilin ka niya sa akin." Humalakhak siya kaya naguguluhan si Kenneth. "Ibinilin? E, almost two months pa lang kaming nagkakakilala. Are you taking your meds, Doc?" Napakahigpit ng pagkakahawak niya sa kaniyang cellphone dahil sa mga nalaman sa taong ito. Kailangan niyang magsinungaling sa kaharap. Hindi niya ito dapat pagkatiwalaan lalo na't may koneksiyon ito sa Tita Elinita niya. "As I've told you a while ago, Miss del Mundo, ayoko sa taong sinungaling. Kung inaakala mo na paniniwalaan ko ang mga sinabi mo, pwes nagkakamali ka. I know everything about you. Kung ano ka, kung sino ka at kung ano ang koneksiyon mo kay Emilia del Mundo. Pati na rin ang tungkol sa kambal na anak n'yo ni Leester ay alam ko." Ngumisi na naman ito kaya kinilabutan si Isabella. "You are really crazy, Doctor Kenneth Braganza!" patuloy na tanggi niya. "Papaano kami magkakaanak ni Leester, e, kakikilala pa lang namin?" Tumayo na siya. "Diyan ka na. You are not worth of my time." "If you want to know what really happened to your fiance seven years ago, just call me. I'll be there to help you. I know he's not fully recovered. May mga alaala pa siyang hindi bumabalik," saad nito ngunit hindi na iyon pinansin ni Isabella. Tuluyan na siyang lumabas ng restaurant na iyon. Pinaghahampas niya ang manibela ng kaniyang sasakyan. Hindi niya alam kung paano nalaman ng doktor na iyon ang tungkol kay Leester pati na sa kambal. Sa pagkakatanda niya ay isang beses lang siyang lumabas na kasama ang mga anak niya. "O, bakit nakasimangot ka?" tanong ni Cathy nang makauwi na siya. Sinalubong siya nito pagkababang-pagkababa pa lang niya ng kotse. "Nothing. The twins?" "Sa kwarto nila. Tulog. Alam mo ba, Rose, napanood ko 'yong video ni Kuya Leester habang tumitipa sa piano-" "And?" Putol niya sa iba pang sasabihin nito. Naiinis siya at wala siya sa mood para makipag-usap. "Tuwang-tuwa sina mama at papa. Naroon silang lahat sa study roon, hinihintay ka na nila. Tara. Dali." Hinawakan ni Cathy ang kanang palapulsuhan niya at hinila siya papunta sa study room pero tumanggi siya. "Pagod ako, Cathy," saad niya at umakyat na sa hagdan. Nagtaka naman ang huli sa ikinilos ni Isabella. Matapos matingnan ang kambal ay dumiretso siya sa kwarto nila ni Leester. Nang makapagbihis ay naupo siya sa gilid ng kama. Hindi pa rin mawala sa utak niya ang doktor na iyon. "Babe, may problema ba?" tanong ni Leester . Hindi niya napansin na nakapasok na pala ito sa kanilang silid. Tumayo siya saka nilapitan ang nobyo at ipinulupot ang mga kamay sa batok nito. Ngumiti muna siya bago nagsalita, "Babe, what happened to you seven years ago? Saan ka napadpad nang magkahiwalay tayo sa dagat?" "Isabella babe," wika ni Leester matapos yakapin ang dalaga. Akma na nitong aangkinin ang labi niya nang biglang bumukas ang pinto. "Ooops!" Boses iyon ni Tooffer na nagpagulat sa kanilang dalawa. "Sorry." "Damn you, Tooffer!" sigaw ni Leester. "Sorry, Dude." Nangingiti ito habang nakatingin sa kanilang dalawa na magkayakap pa rin. "Pinapatawag ka ni Tito Javier." Mabilis nitong isinira ang pinto at nagmamadaling bumaba ng hagdan. "Humanda ka sa 'kin, Tooffer," naiinis na bulong ni Leester saka binuksan ang pinto ngunit bumungad sa kaniya ang kambal. Halata na kagigising pa lang ng mga ito dahil kinukusot pa ang mga mata. "Daddy," sumbong ni Nessa. "Nell-" Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang kakambal. "I told you, I didn't intend to kick you," mabilis na sagot ni Nell. "It's just that I was on the edge of the bed. I might fall if I didn-" "See, daddy. He's so bad. He kicked me that's why I fell on the floor." Hinawakan pa nito ang ulo at tila maiiyak na. "It hurts, daddy." Yumakap pa ito sa ama at tila nagpapaawa. "Daddy," protesta naman ni Nell. "I didn't mean it. I swear." Itinaas nito ang kanang kamay na parang nanunumpa saka binalingan ang ina. "Mommy-" "Mommy," kaagad na saad ni Nessa matapos magpakarga sa ama. "I don't wanna share my room with him." "Really, Nessa?" Napipikon na si Nell sa kakambal. "It is also my room." "No. That's my room. You should sleep at Tito Kyle's room." "No. I want that room for myself, Nessa. You should sleep at Tita Cathy's room. You and Tita Cathy have the same attitude," ibinulong nito ang huling dalawang salita pero narinig pa rin nilang dalawa ni Leester. "And you and Tito Kyle have the same attitude too," sagot naman ni Nessa at nilabas pa ang dila para asarin ang kakambal. "See, mommy? Nessa is so maarte." "I'm not maarte," sigaw ni Nessa. "You are so mayabang. As if you could kick like Tito Kyle. Daddy-" Napahilot na lang sa sentido si Leester. Hindi niya akalain na ganito kung mag-asaran ang mga anak niya pero imbes na magalit ay napangiti na lang siya. "Okay, kids," sagot ni Leester. "From now on, you can have your own room." "Babe," protesta ni Isabella. "Masyado pa silang bata para magkaroon ng sariling kwarto. "Mommy," sabay na wika ng kambal. "That's daddy's decision." "I want my own room," saad ni Nell. "Me too, mommy," segunda naman ni Nessa. "Cause I don't wanna see Nell imitating Tito Kyle." Nagkatinginan sina Leester at Isabella sa sinabing iyon ni Nessa. "You know, daddy," sumbong pa nito sa ama. "Last night before I go to sleep, I saw Nell holding a gun. It's dangerous, right daddy?" Yumakap pa ito sa ama na parang takot na takot. "Ano?" bulalas ni Leester at napatingin sa anak na lalaki. "Is that true, Nell?" Naaalarma siya sa isiping sa murang edad ay naghahawak na ng baril ang anak. Iyon ang pinakaiiwasan niya dahil ayaw niyang matulad sa kaniya si Nell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD