Chapter 11
"Kailangan na naming lumipat next week, Papa." Umupo si Leester sa sopa at kinuha ang baso na may lamang alak. Sasawayin na sana ni Isabella ngunit bigla na lang nagtagis ang bagang nito nang dumating ang nakababatang kapatid na lalaki.
"Kung ako lang ang masusunod," sabat ni Charlotte. "Mas gusto kong dumito kayo, Rose. Wala na ba talagang pag-asa na magbago ang plano ninyo?"
"Ayokong sumunod sa yapak ko ang aking mga anak." Mabilis niyang sinaid ang alak sa baso. Inisang lagok niya lang iyon saka inilapag ang baso. "Ayokong mamulat ang mga anak ko sa ganitong buhay. Ayoko silang makita na nakikipagpatayan para lang mabuhay. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa aking pamilya, Papa."
"Leester anak." Hinaplos ni Charlotte ang balikat ng anak.
"Mama, hindi ko kaya makita ang anak ko na naghahawak na ng baril sa murang edad. Kagabi nagsumbong sa amin si Nessa na palaging may hawak na baril si Nell."
"Saan naman niya nakuha ang baril na iyon?" Biglang nagbago ang kanina'y maaliwalas na mukha ng matandang Monteero. "Mahigpit ang bilin ko sa mga tauhan natin na huwag na huwag pakikitaan ng baril ang mga apo ko."
"Bakit hindi n'yo tanungin ang magaling n'yong anak?" Pinukol ni Leester ng matalim na tingin ang nakababatang kapatid.
"Kyle...?" Nilingon ni Javier ang anak. "May kinalaman ka ba sa bagay na ito? Huwag mong sabihing-"
"Papa." Rumehistro ang takot sa mukha ni Kyle. "Isang beses lang naman-"
"Damn you, Kyle!" nagngangalaiting sigaw ni Leester kahit hindi pa tapos magsalita ang kapatid. "Masama kang impluwensiya sa anak ko! Alam mo bang kahit laruang baril ay hindi namin binibilhan si Nell dahil ayaw namin na tumatak sa utak niya kung para saan ang bagay na iyon."
"Pero kuya, mas maiging bata pa lang alam na niya-"
"Walanghiya ka, Kyle!" muling sigaw ni Leester at kahit kaharap pa ang mga magulang ay hindi ito nagpatinag, mabilis itong tumayo at sinuntok sa panga ang kapatid. Galit na galit ito at kahit anong pigil ng mga magulang ay hindi nila maawat. Tulala naman si Isabella at kung hindi pa sumigaw si Kyle sa sakit na dulot ng mga suntok ng nakatatandang kapatid ay hindi kikilos ang dalaga.
Mabilis na niyakap ni Isabella ang nobyo. "Get out, Kyle! Get out!" bulyaw niya habang pinipigalan si Leester.
"Isabella, bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas na si Leester. "Papatayin ko ang lintik na 'yan!"
Mabilis na lumabas si Kyle sa sobrang takot. Unti-unti namang kumalas si Isabella sa nobyo pero nang mapansin niyang may balak itong sundan ang kapatid ay mabilis niya itong itinulak paupo sa sopa.
"Enough, Raine," mahinahon niyang saad. "Kapatid mo 'yon. Kausapin mo na lang na huwag ng uulitin."
"Matigas ang ulo ng lalaking 'yan."
"At ikaw hindi?" saad ni Isabella kaya lihim na napangiti ang mag-asawang Monteero.
"Kung hindi dahil sa kaniya, matagal na tayong nakaalis sa bahay na ito." Hinawakan nito ang doorknob dahil desidido talagang sundan ang kapatid.
"Leester, hijo," wika ng ginang. "Hayaan mo na ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya mamaya."
"Tama ang mama mo, anak," sabat naman ni Javier.
Inis na bumalik sa pagkakaupo si Leester nang hawakan siya ni Isabella sa braso. "Palagi n'yo kasing kinukunsunti kasi kaya namimihasa. Laging ako ang tagalinis ng kalat niya kaya puro kapalpakan ang alam ng kapatid kong 'yon."
Hindi na nagsalita pa si Isabella maging ang mag-asawang Monteero. Ayaw nilang salubungin ang galit ni Leester. Nagkasya na lang ang huli sa paglagok ng alak.
Sa gitna ng katihimikan sa silid na iyon ay tumunog ang cellphone ni Isabella. Rumehistro sa screen ang pangalan ng kaniyang ama kaya napatingin siya sa matandang Monteero. Nagpaalam siya na lalabas muna kaya nagduda si Leester.
"Dad?" sagot niya nang naroon na siya sa may veranda.
"Damn Isabella!" Kinabahan siya nang marinig ang boses ng ama. Waring may nalaman ito na hindi nagustuhan. "Ano itong narinig ko na diyan na kayo nakatira sa poder ni Javier? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado para sa mga apo ko kung mannatili kayo diyan?"
"I'm sorry, Dad-"
"Gusto kong umalis na kayo diyan ng mga apo ko ngayon din, Isabella! Mapanganib ang lugar na 'yan!"
"Pero, Dad, ito ang pinakaligtas na lugar para sa kambal. Siniguro naman po ni Tito Javier na maraming tauhang nagbabantay. Isa pa po hindi naman papayagan ni Raine na mapahamak ang mga anak niya."
"Kumusta na siya?"
"Maayos naman po si Raine. Pero hindi pa siya tuluyang gumagaling, Dad. May mga bagay pa sa nakaraaan na hindi niya pa naaalala."
"At ang trato sa 'yo ng pamilya niya?"
"They are so good to me, Dad. Don't worry, tanggap nila ako pati na ang kambal."
"Nagdududa pa rin ako, anak. Kakaiba mag-isip 'yang si Javier. Huwag kang paloloko sa mga taong 'yan pati na diyan sa ama ng mga anak mo. Kung ako ang masusunod, mas gugustuhin kong umuwi na lang kayo dito sa America."
"Dad?" naluluhang saad ng dalaga. "Can't you be happy for me? Sa amin ng kambal?"
"Kaligtasan n'yo ang hangad ko. At hindi kayo magiging ligtas sa poder ni Javier Monteero. Traydor ang taong 'yan."
"Dad, mabuting tao si Tito Javier." Hindi niya napigilang magtaas ng boses. "Hindi niya magagawa ang mga binibintang ninyo."
Napabuntong-hininga si Isabella nang hindi niya marinig ang boses ng ama. Nang tingnan niya ang screen, wala na roon ang pangalan ng ama tanda na pinutol na nito ang tawag. May agam-agam siya na hindi nagustuhan ng ama ang mga sinabi niya. Pumasok na lang siya at dumiresto sa kwarto ngunit hindi niya napansin ang taong kanina pa nakikinig sa pakikipag-usap niya sa ama.
"Not now, kids," saad niya nang makasalubong ang kambal at nagyayayang lumabas. "I'm tired."
Nang makapasok siya sa kwarto ay siya namang pagtunog ng kaniyang cellphone. Kinansela niya ang tawag nang makitang numero lang ang rumehistro sa screen. Ilalapag na sana niya ang cellphone sa mesita nang muli na namang tumunog iyon. Wala siyang nagawa kundi sagutin ang tawag.
"Hello, Miss del Mundo," bungad ng nasa kabilang linya. Sa tono ng boses nito ay alam na ni Isabella kung sino ang tumatawag.
"Kanino mo nakuha ang number ko?"
"I have my ways, Miss del Mundo." Tumawa ito nang mahina pero dinig na dinig iyon ng dalaga. "As I've told you before, ibinilin ka sa akin ni Leester kaya ginagawa ko ang parte ko."
"Sino ka ba talaga? At ano ang kaugnayan mo kay Leester?"
Tumawa ito kaya lalong nadagdagan ang inis ni Isabella. Gusto na niyang ibalibag ang cellphone pero hindi niya magawa. Waring may nag-uudyok sa kaniya na pakinggan ang mga sinasabi nito.
"The right question is, Ano ang kaugnayan ko sa 'yo, Miss del Mundo?"
Natameme siya sa sinabi nito. Lalo siyang naguluhan. Tatlong beses pa lang niyang nakita ang lalaking iyon pero hindi niya maintindihan ang sarili. May bahagi sa utak niya na pakinggan ang mga sasabihin nito pero naroon din ang takot na baka isa ito sa mga tauhan ng tiyahin niya.
Ngumisi siya kahit hindi niya nakikita ang kausap. "Siguro nga, Doctor Kenneth. Magkasama kayo ni Tita Elinita sa annual party, right?"
"It's not what you think it is," kaagad nitong sagot na lalong ikinangisi ni Isabella.
"Alam ko kung ano ang nakita ko, Doc. You can't fool me."
"Maybe your eyes are just playing a trick on you. Just bear in your mind, Miss del Mundo, na hindi lahat ng nakikita mo ay tototo. At hindi lahat ng totoo ay nakikita mo."
Nawala ang ngisi na kanina pa nakapaskil sa mukha ng dalaga. Parang sinampal siya sa sinabi ng doktor na iyon. Iyon di ang sinabi sa kaniya ng sariling ama kani-kanina lang.
"Bye for now," dinig niyang saad nito nang ilang minuto siyang walang imik. "Try to see who's the real enemy here. You might put your twins into a great danger. Be careful."
Sasagutin na sana niya ito pero biglang naputol ang linya. Nang tawagan niya ang numerong ginamit ni Kenneth ay hindi naman gumagana.
"Something's wrong, Babe?" tanong ni Leester nang makapasok sa kwarto.
Napaawang ang labi ni Isabella nang mapansing nakatigin ang binata sa hawak niyang cellphone. Hindi niya mapigilan ang pangigninig ng kamay niya hanggang sa mapansin iyon ni Leester at ikulong siya sa mga bisig nito.
"Sinong tumawag, Isabella?" Kinuha nito ang hawak niyang cellphone at biglang dumilim ang mukha nang makita ang unregistered number.
"Doctor Kenneth Braganza," saad ni Isabella. "Does it ring a bell? Do you know him?"
Kinapa ni Leester ang sariling ulo na waring may naaalala. Ipinikit niya rin ang mga mata at pilit na inaalala ang doktor na iyon. Nakatingin lang si Isabella sa nobyo saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Huwag mong pilitin ang sarili mo, Raine."
"Braganza," saad ni Leester at iminulat ang mga mata pero hindi inaasahan ni Isabella ang galit sa mga mata nito.