Chapter 7

1848 Words
Chapter 7 Mga lalaking nasa edad singkwenta pataas ang makikita sa labas ng pamosong hotel na pag-aari ng mga Monteero. Sabay-sabay na dumating ang tatlong lalaking iyon sakay ng kani-kanilang magagarang sasakyan. Nagsipagbigay-galang ang mga guwardiyang nakatalaga sa bungad ng hotel nang papasok na ang tatlong lalaki kasunod ng kani-kanilang mga bodyguard. "Tiyak kong magugulat si Javier sa magiging panukala ko mayamaya sa pagpupulong," bulong ng lalaking medyo may katabaan sabay ngisi. "Tama ka, Compadre," pagsang-ayon ni Mr. Pong. Kinapa nito ang kaliwang tagiliran na tila ba may bagay na inilagay roon na hindi dapat mahulog. "Katunayan, kahit ako ay nagulat din nang sinabi mo sa akin ang plano mo sa organisasyon." "Wala nang magagawa si Javier." Tumingin ang lalaking may katabaan sa isa pa nilang kasama. "Maging ikaw, Mr. Ling, ay manghang-mangha sa mga plano ko." Napilitang tumango si Mr. Ling, nilingon ang mga guwardiyang naroon at sinenyasan ang dalawang kasama na manahimik. Waring nakuha naman ng dalawang lalaki ang nais nitong iparating kaya naglakad na sila patungo sa naghihintay na elevator. "Heto na ang pagkakataon para tayo naman ang magpayaman, mga compadre," muling saad ng lalaking may katabaan habang papataas ang elevator. "Hindi pwedeng si Javier lang ang makinabang sa lahat." "Tama," kaagad na sagot ni Mr. Ling. "At wala siyang magagawa kundi ibigay sa iyo ang posisyon." "Pero may isa tayong problema," sabat in Mr. Pong. "Buhay ang panganay niya. Papaano kapag—" "May amnesia si Leester, Mr. Pong," nakangising saad ng lalaking may katabaan. "Sinong tanga ang magtitiwala kung ang panganay ni Javier ang muling hahawak sa organisasyon?" Hindi na umimik pa ang dalawang lalaki dahil narating na nila ang palapag kung saan gaganapin ang pagpupulong. Nakaplaster ang ngiti sa labi ng lalaking may katabaan, subalit bigla rin iyong napawi nang mapansing may dalawang bakanteng upuan. "Alas otso ang pagpupulong!" Tumaas na ang boses nito. "Pero hanggang ngayon ay wala pa si Javier?" "Parating na po si Mr. Monteero, Mr. Ho," sagot ng lalaking naatasan na mag-asikaso sa mga darating na bisita. "Kasama po ang representative ni Mr. del Mundo." "Mr. del Mundo." Kinamot ni Mr. Ling ang sariling baba na tila ba nangangati iyon saka umiling-iling. "Ngayon lang nangyari na nagkaroon ng representative si Al." "At sino naman kaya iyon?" tanong ni Mr. Pong. "Possible kayang si—" Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil bumukas ang pinto ng silid at bumungad sa kanilang harapan sina Isabella at Leester kasunod si Anton. Matalim ang mga mata ni Leester na tila naghahamon ng away, samantalang si Isabella naman ay nakangiti sa mga bisita at aakalain mong isang anghel sa suot nitong puting business suit. Nakalugay ang hanggang baywang nitong buhok na lalong nagpatingkad sa angking ganda. Halos malaglag ang mga panga ng mga bisitang dumalo sa pagpupulong na iyon habang papalapit ang tatlo sa mesa. "At ano ang ginagawa ng isang babae sa pagpupulong na ito?" kaagad na tanong ni Mr. Ho. Pormal ang mukha nito habang nakatingin sa dalaga. "Oh, I'm sorry, Sir." Nakangiti pa rin si Isabella at tila wala sa kaniya ang galit na nararamdam ng lalaking katabi. "My dad, Mr. Al del Mundo wants me to attend this meeting." Inilahad ng dalaga ang kamay. "Nagkita na tayo sa annual party, but still I want to introduce myself. I am Isabella Rose del Mundo." Tiningnan lang ni Mr. Ho ang nakalahad na kamay ng dalaga saka tumingin sa gawi ni Leester. "Ang alam ko hindi puwede ang babae sa mga pagpupulong na kagaya nito, Mr. Monteero." "I know." Ngumisi si Leester pero matalim pa rin ang mga mata nito nang salubungin ang mga tingin ng lalaking katabi ni Isabella. "But Miss del Mundo is the only child of Mr. Al del Mundo. Bawal nga ang babae, pero hindi bawal um-attend ang tagapagmana ng isang miyembro ng organisasyon." Galit ang mababanaag sa mukha ni Mr. Ho sampu ng mga kasama nito. Hindi nila akalain na si Leester ang dumating imbes na si Javier. At ang masama pa ay kasama nito ang anak ni Al kaya hindi sila mapalagay dahil hindi nila alam kung ano ang binabalak ng batang Monteero. "Now, let's get into business," muling wika ni Leester matapos paupuin ang mga dumalo sa meeting. Nanatili itong nakatayo habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa mesa at isa-isang tinintingnan ang mga taong kaharap. "Oh, by the way, let us all welcome, Mr. Anton del Mundo." Ngumiti ito sa gawi ni Anton. "I heard umalis siya sa organisasyon seven years ago." "I'm back, hijo," saad ni Anton saka ngumiti. "So there's nothing to worry." "Thank you. Now, let's proceed." Umupo na si Leester at inayos ang suot na coat. Medyo malinis na itong tingnan ngayon dahil manipis na ang bigote pero nababanaag pa rin ang pilat sa pisngi. "Who among you wants to stay in this organization?" May awtoridad ang boses nito na tila kasing edad niya lang ang mga taong kaharap. "Because if you want to stay," ibinitin nito ang susunod na sasabihin at ibinagsak ang kamao sa mesa. "You need to do what I want you to do." "Really, Mr. Monteero?" patuyang tanong ni Mr. Ling. "Dahil sa pagkakaalam ko ang ama mo ang humahawak ng organisasyong ito at hindi ikaw." Hindi nagpatinag si Leester, matalim nitong tinitigan si Mr. Ling. "From now on, I'll be the one in charge—" "Talaga? Ikaw? Makakaya mo bang pamunuan ang organisasyong ito gayong may amnesia ka?" "Who told you that?" sabat ni Isabella. "Rumors are spreading like fire, Miss del Mundo." Ngumisi ito saka tiningnan isa-isa ang mga taong dumalo sa pagpupulong na iyon. "Kailangan nating magkaroon ng panibagong mamumuno sa organisasyon. Hindi ako papayag na ang isang kagaya ni Leester ang hahalili sa kaniyang ama." "It can't be!" sigaw ni Isabella. Napatayo ito at inihampas ang kamay sa mesa. "He—" "Okay," saad ni Leester dahilan para maupong muli ang dalaga. Pormal ang mukha nito nang titigan ang lalaking katabi ni Isabella. "If that's what you want, Mr. Ho, puwede tayong pumili ng bagong lider, right, Miss del Mundo?" Ngumiti ito nang magawi ang paningin sa dalaga. Umupo na si Isabella. "Okay. Kung 'yan ang gusto ninyo, pero huwag kayong umasa na tuloy pa rin ang transaksiyon ninyo sa grupo namin." Ngumisi na rin ang dalaga sa mga kaharap. "Well," sagot ni Mr. Ling. "Hindi iyon magagawa ni Al. May usapan kami at—" Biglang nagsalita si Anton, "Noon 'yon, Mr. Ling, iba na ngayon. Hindi na ang pinsan ko ang may hawak ng grupo." "You must be joking, Anton," sagot nito. "Hindi maaaring ibigay ni Al ang pamumuno sa anak niyang babae." "Mismo, Mr. Ling. Si Isabella na ang may hawak ng grupo ng pinsan ko at wala kang magagawa kapag pinutol na ng pamangkin ko ang pakikipagtransaksiyon sa grupo mo." Lalong napangisi si Isabella sa mga naririnig. Namumula naman ang mukha ni Mr. Ling sa galit. Hindi nito inaasahan na ang babaeng kaharap ang may hawak ng grupo ni Al. "See, Mr. Ling? May posibilidad na kumalas ang grupo ni dad kapag iba na ang namumuno ng organisasyong ito. Kayang tumayo ng grupo ko at grupo ng mga Monteero kahit wala kayo." Ang kaninang mala-anghel na awra ng dalaga ay biglang dumilim. Nakangisi pa rin ito ngunit may pagka-sarkastiko ang bawat salitang binibitiwan. "Aminin n'yo man o hindi walang maaabot ang grupo ninyo kung wala ang mga Monteero." Tigagal ang mga bisitang naroon habang nakikinig sa dalaga. Si Leester naman ay napapangiti sa nasasaksihan. Hindi kasi niya akalain na magagawa ng dalaga na ipagtanggol siya sa harap ng mga taong itinuring niyang mga halimaw sa mundo ng sindikato. Ngayon lang napagtanto ng binata na ibang-iba na nga ang nobya. Hindi na ito ang Isabella na iiyak na lang sa tabi sa tuwing may mang-aapi. Ang Isabella na manginginig sa takot sa tuwing may mga lalaking magtatangka ng masama laban dito. Napangiti na lang si Leester matapos magsalita ni Isabella. Ang madilim nitong mukha kanina ay umaliwalas at hindi iyon nalingid sa mga taong kaharap. "Kahit na," saad ni Mr. Ho. "Ayokong si Leester na naman ang hahalili kay Javier. Hindi iyon maaari!" "O, sige." Tiningnan ni Leester ang mga kaharap. "Kung iyon ang gusto ninyo, wala akong magagawa. Pero ito ang tatandaan ninyo, huwag na huwag ninyo akong sisisihin kapag bumagsak ang mga negosyo ninyo." "No," angal nang isang lalaking may mahabang buhok. "Kung sino ang may ayaw ng pamumuno ni Mr. Monteero, bakit hindi na lang kayo umalis sa organisasyong ito at magtayo ng sarili ninyo?" "Tama," sang-ayon naman ni Anton. "Ang mga Monteero at del Mundo ang nagtayo ng organisasyong ito. Kung ayaw ninyo sa pamamalakad, umalis na lang kayo." Ngumisi na naman si Leester. "I just want to warn you, gentlemen, my father and Tito Al are planning to merge their company soon. So," nagsalubong ang mga kilay nito, "it's up to you if you'll stay." Ikinurus nito ang mga braso sa ibabaw ng dibdib at tila nag-iisip kung papaano pababagsakin ang mga negosyo ng mga taong magiging hadlang sa layunin ng organisasyon. "Alalahanin ninyo, hindi ako ang mawawalan kapag nagkataon." Pulang-pula na ang mukha ni Mr. Ho tanda na kanina pa ito napipikon dahil hindi nasunod ang nais na mangyari. Ang dalawang lalaki na kasama naman nito kanina ay nakipagsukatan ng tingin kay Leester. Kalmado lang si Isabella pero alerto sa mga maaaring mangyari sa pagpupulong. "Okay," saad ni Leester mayamaya. "Those who-" Natigil sa pagsasalita si Leester nang biglang tumayo si Isabella at tinutukan ng baril sa sentido si Mr. Ho. Bigla namang naitaas ng huli ang mga kamay dahil naunahan ito ng dalaga. "Don't you ever underestimate her skills, Mr. Ho." Mabilis na kinuha ni Leester ang baril na hawak ng huli. Gulat naman ang mababanaag sa mata ng mga taong naroroon dahil sa bilis ni Isabella. "Ibaba ninyo ang baril o walang buhay kayong lalabas dito?" banta ni Isabella kina Mr. Ling at Mr. Pong na pawang may hawak na baril. "Guards!" sigaw ni Leester matapos ambahan ng suntok ang dalawa. Si Mr. Ho ay hindi makagalaw sa takot na baka tuluyan siya ng dalaga. Nakatingin lang ang iba pang mga kasapi ng organisasyon, si Anton naman ay mabilis na tumayo at binuksan ang pinto para makapasok ang mga tauhan ng mga Monteero. "Ayoko ng makita ang mga pagmumukha ninyong tatlo," muling saad ng binata at pinagsisipa ang tatlo palabas ng silid. "Matapos kong tulungan ang naghihingalo ninyong mga negosyo, heto pa ang igaganti ninyo sa akin? Ang kakapal ng mga mukha ninyo! Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin dahil hindi ko na kayo bubuhayin pa." "Kaiangan nilang mamatay. Makamandag ang tatlong 'yan." Akma nang kakalabitin ni Isabella ang gatilyo ng baril nang pigilan ito ni Leester. "Kailangan nilang mabuhay nang malaman ko kung hanggang saan ang kamandag ng mga 'yan." Hinawakan ni Leester ang kwelyo ng suot na polo ni Mr. Ling at bumulong, "Walang taong kumalaban sa akin na hindi ko pa naihatid kay kamatayan." Nag-aapoy ang mga mata nito nang sabihin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD