MAGNUS POV Tahimik ang paligid ng Barangay San Roque, pero sa dilim ng isang kanto, may isang lalaking matagal nang hindi napapansin ng mundo o mas tamang sabihin, hindi pinapansin ni Dadang. Ako iyon. Magnus Villasorda, 33. Anak ng isang negosyanteng may koneksyon sa halos lahat ng residente dito. Tahimik. Disente. Malinis manamit. Mabango. May kotse. May pera. Pero kahit ano’ng meron ako… hindi ko kailanman nakamit ang isang bagay: Si Dadang. At ngayong gabing ito, habang nakatayo ako sa lilim ng poste, kasamang nakapwesto sa likod ko ang dalawang tauhan kong sina Rigo at Mandon, ramdam ko ang pagsakit ng bagang ko habang pinipigilan ang sarili. Nakikita ko sila. Doon sa may pintuan ng bahay nila Dadang. Si Dodong, nakapamewang, lasing, namumula ang pisngi, pilit tumatawa. At

