DADANG'S POV Sa sumunod na araw ay maagang bumangon si Tintin at ako naman ay maaga ding nagising pero hindi pa ako bumangon. Hinintay ko kasing umalis muna ang kapatid kong kulang sa aruga baka sa ganitong kaaga ay maaga din niya akong bwisitin na naman. Naalala ko kasi ang Jacket na pinahiram sa akin ni Dodong noong nag friendly meeting kami, oo igigiit ko talagang friendly meeting iyon wala ng iba. Kinuha ko ang Jacket na nakasabit sa aparador ko. Mabuti na lang at hindi ito agad nakita ni Tintin kung hindi ay wala na naman akong maipapalusot sa kanya. Kahit hindi ko itapat sa ilong ko ang jacket ni Dodong ay amoy na amoy ko ang pinagsamang amoy ng kanyang pabango na kahit cologne ay masculine na masculine pero amoy presko ang dating, at ang kanyang natural na amoy na hindi ko al

