THIRD PERSON POV Kinabukasan, halos sumabog ang puso ni Dodong sa kaba habang nakatingin sa cellphone niya. Ilang beses na niyang binuksan ang messenger thread nila ni Dadang pero walang kahit isang reply mula rito mula pa kagabi. Nabasa naman niyang seen ang huling chat niya “Ingat ka pag-uwi, baka malamig. Jacket ko suotin mo.” Pero hanggang ngayon, dead air. “Baka tulog pa…” bulong niya sa sarili habang nakahiga pa rin sa kama, pero alas-nuwebe na. Hindi na yata iyon tulog; baka nagpapatay-malisya lang si Dadang. Sa kabilang kwarto, narinig ni Dodong ang halakhakan ni Jude at ng kanilang mama. “Aba, anak, bakit kangiti-ngiti ka d’yan mag-isa? May nagte-text na ba?” tanong ni Mama mula sa kusina, habang nagtitimpla ng kape. Si Jude naman, biglang sumabat. “Ma, baka si Ate Dadang a

