DODONG’S POV Peaceful. Tahimik. Romantic. Yan ang eksaktong vibe ng araw ko matapos ang kilig-overload-picnic-date namin ni Love-Dang. Walang sumisigaw, walang nag-aasar, walang sumasabog hanggang biglang may bumungad na boses na parang megaphone na may sariling amplifier. “KUYAAAA DODONGGG!!! I’M HEREEEE!!!” Napakurap ako. Oh no. Hindi. Hindi puwedeng siya ‘yon. Lumingon ako… at ayun nga. Parang kabayong naglalakad sa runway si Jhonalyn, pinsan kong imported ang arte, pero local ang address! “Kuyaaaaaa!” sabay takbo niya pa-slow motion papunta sa’kin, bitbit ang dalawang maleta at isang pink na payong na parang galing pa sa fashion week ng Divisoria. “OMG kuya, you look sooo provincial pero in a cute way ha!” Bago ko pa man makasagot, may sumigaw naman mula sa kabilang kanto

