DODONG’S POV Alas singko pa lang ng umaga, pero gising na gising ako. Hindi dahil sa sipag dahil excited ako. Bitbit ko kasi ‘yung bote ng Kulafu na parang holy water ng tapang. Habang naglalakad ako papunta kina Tito, tawa ako nang tawa mag-isa. Sabi kasi ni Papa kagabi, “Dodong, ‘wag mong inumin ‘yan ha, pang-matanda ‘yan!” Eh syempre, sino bang bata ang hindi curious sa lasa ng tapang? Hindi ko naman iinumin lahat tikim lang, para sa research. Pagdating ko sa bahay ni Tito, halos kumalabog ‘yung gate sa pagkatok ko. “Titooo! Titooo! Bukas naaaa!” May sumagot mula sa loob, paos at antok pa, “Sino ‘yan?! Alas singko pa lang ah!” “Ako po si Dodong! May dala akong good news at bad idea!” Pagbukas ng pinto, si Tito naka-boxers lang at sando na may butas sa kili-kili. Halos matawa ako

