DODONG POV Pagkatapos ng “hindi date pero obviously date” namin ni Dadang, halos hindi ko maialis ang ngiti ko. Habang minamaneho ko siya pauwi, panay tingin ko sa kanya sa side mirror. Nakahilig siya sa upuan, hawak ang iced choco niya na parang trophy, at panay ang smile sa labas ng bintana. “Anong ngiti ‘yan?” tanong ko, pilit kong tinatago ‘yung ngiti ko rin. “Wala ah,” sagot niya. “Ang lamig lang ng aircon.” “Lamig? Eh bakit parang natutunaw ka?” “Excuse me? Mainit ‘tong charm ko.” “Charm o kapal ng mukha?” “Dodong!” sigaw niya, pero halata sa mukha niyang pigil ang tawa. Tahimik sandali, tapos biglang may narinig akong “kilig giggle” ‘yung parang tunog ng taong gustong magpigil pero hindi na kaya. “Ha! Ayan oh! Nakita ko ‘yan! Kinilig ka!” “Hindi no!” “Eh ano ‘yung tunog

