I should be happy and excited, pero bakit pakiramdam ko ay kinakabahan ako? Ramdam ko sa dibdib ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, tila ba natatakot sa hindi malamang rason. Hindi ako mapakali at para akong tangang pabaling-baling sa magkabilaang gilid ko. Kasabay nito ay dinig ko ang bawat paggalaw ng kamay ng orasan. Lalo lang akong nababaliw na kagustuhan ko pang sampalin ang sariling pisngi. "Fvck! Calm down, Leigh!" giit ko sa sarili at kinurot pa ang balat sa braso. Madali lang nagdaan ang oras kanina. Matapos akong ayain ni Brayden ay namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng kwarto niya. Nakahiga na ako sa kama na parang tuod. Hindi ako nakagapos, pero ramdam ko ang paninigas ng katawan ko. Nagmukha akong bangkay, masyado ring nanlalamig ang katawang lupa ko. Ramdam na r

