"Hoy, Pedro! Pakawalan mo ako!" sigaw ni Leon na siyang naabutan ko nang puntahan ko ito kung nasaan siya para sana kausapin siya sa sinabi nito kay Adriel. Laking gulat ko pa nang makita siyang nakatali ang mga kamay at dalawang binti. Nakasalampak siya sa sahig habang halos hindi makagalaw. Kaagad kong sinapo ang bibig nang bumagsak ang panga ko. "Kapag nakawala talaga ako rito ay humanda ka sa akin!" muling singhal ni Leon. "Lalong hindi kita pakakawalan!" balik sigaw ni Pedro na siya ngayong hinihimas nang paulit-ulit ang kaniyang pisngi. "Anong nangyayari?" tanong ko at pumagitna sa kanilang dalawa. "Ay, Ma'am! Sinapak ako ni Sir!" maagap na pagsusumbong ni Pedro at dali-dali pang lumapit sa akin. "Mabuti at nasipa ko siya! Ayun, nagkaroon ako ng pagkakataon na talian siya sa kam

