Halliyah's P.O.V
“Good morning, Halliyah,” bati sa akin ng guard sa DaFood pagkabukas niya ng glass door pero hindi ko na maalala ang pangalan niya.
“Good morning po,” bati ko pabalik at pumasok na sa loob.
Maaga palang ay mayroon nang iilang customer dito. Nasa tatlonv table na ang occupied at dalawang katrabaho kong service crew ko palang ang nandito. Nagtanguan lang kami bago ako pumasok sa banyo para magpalit ng uniform ko.
Ipinusod ko ang buhok ko at isinuot ang cap namin. Napaatras ako nang pagbukas ko ng pinto para sana lumabas na ay bumungad sa harapan ko ang manager naming si Sir. Winston.
Napalunok ako at kumurap-kurap. “G-Good morning po, sir.” Naging mahina lang ang boses ko kasabay ng malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko.
Dahil sa kaba.
Hindi na talaga nawala-wala ang kaba ko kapag siya ang kaharap ko. Hindi ko gusto ang presensya niya. Matagal na akong hindi komportable sa kaniya.
“Good morning, Halliyah,” bati niya pabalik at napakislot ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Mahina siyang natawa. “Chill, Halliyah. Parang napaka-nerbyosa mo naman.”
Napalunok na naman ako. Huminga nang malalim at umiling. “H-Hindi po ako nerbyosa, sir. Excuse me po, magtatrabaho na po ako,” sunod-sunod na paalam ko habang nakayuko pa rin.
Ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak niya sa braso ko. Mabilis akong umiwas at iniwan siya ro’n. Dumiretso ako sa puwesto ko sa cashier at napapikit nang mariin.
“Halliyah? Okay ka lang?”
Nilingon ko si Jessa, ang kasama ko rito sa cashier. Pilit akong ngumiti sa kaniya at tumango.
Ilang sandali lang ay may bagong customer ang pumasok at pumunta sa harapan ko. Hinintay ko siyang mag-isip muna ng o-orderin niya.
Habang naghihintay sa order nitong customer ay napansin ko si Sir Winston na palakad-lakad lang sa paligid at tatayo sa gilid ng table ng mga kumakaing customer at saka sila kakausapin nang nakangiti.
Napaiwas ako ng tingin nang napunta sa ‘kin ang tingin niya. Sinubukan kong sulyapan ulit siya kaso ay saktong tumingin ulit ito at ngumisi pa sa ‘kin.
“Miss, isang order ng Combo 4.”
Bumalik ang atensiyon ko sa babaeng umo-order. “Ano pong side and drinks, ma’am?” tanong ko naman.
“Fries and coke float.”
Tumango ako at ipinatch na ang order niya. Habang hinihintay ang resibo, kumuha ako ng tray at doon inilagay ang water, condiments na soy suace at chili sauce, at ang table number. Pagkalabas ng resibo ay inilapag ko na rin iyon sa tray bago iniabot sa kaniya.
Ngumiti ako at sinabing, ”Thank you for ordering po.”
Gano’n lang ang ginawa ko sa buong oras ng pagtatrabaho ko rito sa fastfood. Patok din ito kaya marami talagang dumadayo.
Nakakapagod lang dahil buong oras kang nakatayo kaya masakit talaga sa paa. Kailangan kong tiisin para sa pamilya ko.
Pagdating ng lunch time, na-realize ko na nakalimutan ko palang magbaon ng pananghalian ko. Hinayaan ko na lang na mauna munang kumain si Jessa.
“Ako na muna bahala rito, kain ka na,” sabi ko sa kaniya.
“Sige, sige. Una na ‘kong kumain, ah,” paalam niya rin na ikinatango ko lang.
Marami na namang customer dahil tanghalian na nga. Ako lahat ang sumalo sa kanila dahil ang tagal ding kumain talaga ni Jessa. Medyo mabagal tuloy ang service dahil nag-iisa lang ako rito sa cashier.
“Halliyah, is everything alright?”
Muntik na ‘kong mapatalon nang may nagsalita mula sa likod ko pero ang mukha niya ay nasa gilid ng tenga ko. Pabulong niyang itinanong sa akin ‘yon.
“S-Sir, opo, sir.”
Napalunok na naman ako at hindi naiwasang kabahan dahil sobrang lapit niya sa ‘kin pero pinilit kong ipagpatuloy nang maayos ang pagpa-patch ng orders kahit medyo nanginginig na ang kamay ko.
“Ang haba na ng pila, Halliyah.” Tumango lang ako at hindi siya pinapansin. “Mga ma’am, sir, pasensya na po sa delay. On break po kasi ang isang kahera,” paumanhin naman niya sa mga customer. Wala namang response mula sa kanila.
Para siguro hindi mahalatang ang suspicious niyang kilos. Hindi ako komportableng nasa likod ko siya at nararamdaman ko talagang sobrang magkalapit lang ang katawan namin.
Napahinga na lang ako nang maluwag nang umalis na siya. Nagpasalamat pa ‘ko kay Lord dahil buti na lang, pagtayo lang ang ginawa niya sa likod ko.
Lumipas ang ilang minuto, kaunti na lang ang natitira sa pila nang bumalik na si Jessa.
“Ako na rito. Kumain ka na rin.”
Walang Sali-salitang umalis ako sa cashier at pumasok sa locker room. Nandito na rin ang ibang katrabaho ko at kumakain. Inilabas ko ang wallet ko at tiningnan ang laman nito.
Dalawang daan.
Hindi ko puwedeng gastusin ‘to. Dito ko na kukunin ang mga pamasahe ko sa mga susunod na araw, e.
Napabuntong hininga na lang ako dahil kumukulo na ang tyan ko. Pasado ala-una na rin kasi.
“Halliyah.” Lahat kami rito sa loob ay napatingin kay Sir Winston na nasa pinto na pala. “Come to my office.”
“P-Po?” medyo nanlalaki matang tanong ko.
Hindi siya sumagot at umalis na. Napalunok na naman ako at tumingin sa mga kasamahan ko.
Ang dalawang babaeng crew na magkatabi ay biglang nagbulungan habang nakatingin sa akin nang mapanghusga.
Ano’ng kailangan ni sir sa ‘kin? Bakit pinapapunta niya ‘ko sa opisina niya? Dahil ba sa naging delay kanina? E halos araw-araw naman ay gano’n ang eksena rito kapag lunch time.
Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sa ‘kin at lumabas ng locker room. Huminto ako sa tapat ng pinto nitong opisina ng manager namin.
Kumatok ako at narinig ang sinabi niyang pumasok na raw ako. Pagkapasok ko ay hindi ko muna isinara ang pinto.
“Bakit po, sir?” tanong ko muna.
“Close the door.”
Hindi ako sumunod. Natatakot akong isarado ang pintong ito. Pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang mangyayari sa loob ng apat na sulok ng opisinang ito.
Hindi ko alam kung napa-paranoid lang ba ako o tama talaga ang kutob at iniisip ko sa kaniya.
Tumayo siya at naglakad palapit sa akin no’ng hindi ako kumilos. Napatayo na lang ako sa gilid nang siya na mismo ang nagsara niyon. Napapikit naman ako nang hawakan niya ‘kong muli sa braso pababa sa kamay ko.
“Come and join me here,” sambit niya at hinila ako papuntang office table niya.
Doon ay nakita kong nakalatag ang mga pagkaing ino-offer din dito sa fastfood. Mukhang hindi na siya lumayo ng bili at pinili na lang ang pagkain dito. Sa nakikita ko ay good for two persons ang pagkain.
“P-Po?” pag-aalinlangan ko.
“Kumain ka, Halliyah.”
Nakatitig lang ako sa mga pagkain dahil kanina pa ako nagugutom. Mas lalong kumalam ang sikmura ko dahil na rin sa mabangong amoy ng mga ito.
“Umupo ka na.”
Pagkasabi niya niyon ay wala nang pagdadalawang isip na umupo ako at sinimulang kainin ang chicken with rice. Hindi ko na nga inalintana na nasa harap ko lang si Sir Winston. Gutom na gutom na kasi talaga ako.
“Hinay-hinay ka lang,” paalala niya na ikinatango ko lang habang sunod-sunod sumusubo. “Huwag ka nang mahihiya sa ‘kin, ha? Napapansin ko kasing parang nahihiya kang makipag-usap sa ‘kin.”
Hindi ko pinansin ang sinasabi niya dahil naka-focus lang ako sa pagkain. Maging siya ay kumain na rin. Namayani ang katahimikan sa loob ng ilang minutong pagkain namin.
Nang matapos ako ay napasandal na lang ako sa upuan. Napadighay pa nga kaya nag-sorry agad ako kay sir. Tumawa lang siya nang mahina.
May itsura naman ‘tong si sir at mukhang naglalaro lang sa 27-30 ang edad kaso nga lang ay hindi ako komportable sa paglapit niya sa ‘kin.
“Halliyah, would you mind if ihatid na kita sa inyo mamaya—”
“Hindi po, sir. Kaya ko po ang sarili ko,” mabilis kong sagot at tumayo na. “Thank you po, sir. Una na po ako.”
Hinayaan lang ako nitong talikuran siya. Pagkalabas ko ay nakahinga na ‘ko nang maluwag pero may narinig akong bulungan.
“Mukhang may sumipsip na naman,” sabi ng isa sa mga babaeng nakita ko rin kanina na dumaan sa harapan ko.
Hindi ko sila pinansin at bumalik na lang sa cashier para tapusin ang trabaho ko. 9 ng gabi ay magsasara na kami kaya nag-book ako ulit sa FlashRide. Takot din kasi akong bumyahe mag-isa kapag gabi.
“Good bye, everyone. Ingat kayo sa pag-uwi,” paalam ni Sir Winston sa amin at sa akin huling tumingin.
Tumango lang ako at lumabas na ng DaFood. Nang nakita ko ang FlashRide na nandito na pala ay agad ko itong nilapitan.
“Kuya—” Kumunot ang nood ko nang nakilala ko siya.”
Nagsilabasan na naman ang maputi niyang ngipin nang ngumiti siya. “Hi, ma’am. Good evening po.”
Siya na naman?!