Again It's like a dream come true. I'm currently on my way to the boutique para mag sukat ng wedding gown. It's been a month after the proposal at ngayon pa lang ako mag susukat ng wedding gown dahil naging busy kami sa napakaraming bagay. "I'm on my way." Sagot ko sa tawag. It's Pia. Nakauwi na baliw kaya tinutulungan ako sa preparations para sa kasal ko. "Kanina pa yang on my way mo ha! Isang oras na ang nakalipas! Demonyo ka talaga." Bulyaw niya sakin. Napangisi ako sa sinabi niya. Ay ano ba yan masyadong bad naman itong kaibigan ko pero alam kong inis na inis na yan sakin dahil kagaya ng sabi niya kanina pa ako nagsabi na papunta na ako. "Sige na! Nakikita ko na yung boutique." Natatawa kong sabi. Mabilis kong binaba ang telepono. Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng boutique a

