Pamahiin "Kasal mo na talaga bukas!" Excited na sigaw ni Pia sa tenga ko. Tinampal ko siya habang pinipigilan ang tawa ko. Makasigaw naman parang gulat na gulat siya. "Tumahimik ka. Nakakahiya ka." bulong ko habang pinipilit kong hatakin ang kamay niya. Nasa Lifestyle kami ngayon at nagpaparty dahil magpapakasal na daw ako bukas kaya kailangan kong mag enjoy ngayong gabi. Ayaw ko nga sumama dito kaso pinilit ako at siya pa mismo ang nagsabi kay Kib. "Uwi na tayo." sabi ko sa kaniya habang hinahatak siya. Malakas ang naging tawa niya at binawi ang kamay niya. "Ano ka ba, Sierra. Magpapakasal ka na bukas kailangan mong magsawa sa mga lalaki." she said while dancing. "Ayokong mapuyat!" I shouted on her. Hapon pa ang kasal pero ayokong mapagod at mapuyat ngayon. Nakakaasar naman kasi

