HABANG pauwi ako sa mansiyon hindi ko maiwasan ang ma-excite. Pagkatapos ng ilang taon, babalik ako sa bahay na talagang nakatulong sa akin. Hindi ko alam kung sila pa rin ang mga madadatnan ko pero sobra akong umaasa na magawa kong makabawi sa lahat ng naging tulong nila sa akin. Gusto pa nga ako samahan ni Justine kanina kaso ako ang umayaw. Nagpumilit pa pero nang sabihin ko na magagalit ako, kusa naman siyang tumango. "Madam!" rinig kong may nagtawag sa akin. Napangiti ako sa isang medyo pamilyar sa akin na mukha. Hindi ko na tanda ang mga pangalan nila pero ang mukha nila ay hindi nawala sa isipan ko. "Hi, po sa inyo," bati ko sa kanila. "Salamat," dagdag ko pa nang kaagad niya akong tinulungan sa bitbit ko at ang isa naman ay inalalayan ako papasok. Pansin ko ang kakaibang dek

