KINABUKASAN, maaga akong gumising para gawin ang aking morning routine. Nakatanggap din ako ng mga message galing sa sekretarya ko pero hindi ko pinansin. Tulad ng sabi ko at sabi nila lola, huwag akong magtatrabaho sa oras ng leave ko. Gano'n naman kasi dapat. Kaya nga ako nag-leave e dahil hindi muna magtatrabaho, so why should I bother myself getting busy at the time of my leave? Kailangan ko rin magpahinga. Kailangan ko rin magsaya. "Good morning, apo," bati ni lola Mathilda na ngayon ay kakagising lang. Halata ko pa ang medyo nanininggit niyang mga mata dahil sa pagtulog. I smiled at her. "Good morning din lola," I greeted her back. "Morning routine?" she asked, casually. "Opo, pansin ko kasing medyo nadadagdagan na ang timbang ko," sagot ko habang hindi pinutol ang aking ehers

