NAKANGITING pinagmasdan ko si lola Mathilda. Hindi ko alam kung bakit pero ang gusto ko lang ay yakapin siya. Nakakatuwa ang pakiramdam na maging isang bata pero ngayon, hindi naman na ako bata. "Apo," tawag sa akin ni lola na kaagad kumuha ng aking atensyon. Sa tono ng boses niya, mahahalata ang pagiging malumanay niya. "Lola," sambit ko. "Kapag nahihirapan ka sa mga ginagawa mo sabihin mo lang sa akin, ha?" Napangiti ako at napatango. Sa ngayon hindi ko pa naman naramdaman na mahirapan sa mga ginagawa ko. Napamahal na rin kasi sa akin ang lahat. Lalo na ang business. Masaya ako na narating ko ang lahat ng bagay na ito. Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang lapit na ng loob ko sa lahat ng mga itinuro ni lola. Napipilitan? No! Hindi ko nararamdaman na pilit ang lahat. "Opo, lola.

