HINDI ko maipaliwanag ang reaksiyon ni lola Mathilda nang makita ako. Her reaction is worthy to be captured. Gulat? Saya? Pareho. Gulat siya dahil sa hindi inaasahan kong pagbisita at saya dahil sa wakas ay muli na naman kaming nagkita. Kahit pareho kaming ewan, mahigpit ko siyang niyakap. Kahit ilang araw pa lang ay na-miss ko kaagad siya. Si lola kasi ay 'yong tipo ng tao na madaling ma-miss. 'Yon bang kahit ilang araw ka pa lang nahihiwalay sa kaniya ay kaagad mo na hinahanap ang presensiya niya, ang yakap niya, mga pangangaral niya at mga ngiti niya. Sa katunayan nga ay hindi naging madali sa akin ang paglipat sa condo. It is true that I am used to be alone noong nakaraan, pero simula nang dumating si lola ay natuto akong palaging may karamay at kasama. She is like a fairy godmother

