KINABUKASAN, kaagad kong tinawagan si Justine. Atlis ngayon, hindi na ako ganoon kadala at kagulat sa mga nangyayari. Alam kong mali kung ano ang inasta ko kagabi pero hindi ko talaga iyon naiwasan. Mabuti na lang talaga at sobrang lawak ng pang-unawa ni Justine. Hindi man lang siya nagalit sa akin. Nag-sorry pa nga ito sa akin dahil akala niya ay mali ang kaniyang ginawa na pag-iiwas sa akin kay Vaughn. "Aga mo naman magising," biglang bungad ni Kyler sa akin. Napangiti na lamang ako sa kaniya. "natulog ka ba?" dagdag pa niya. Kaagad naman akong tumango at sinenyasan siyang maupo sa tabi ko. "Ayaw ko munang pumasok sa opisina, samahan mo ako sa pinakilalang private investigator sa akin ni lola. Magaling din daw iyon mag-portrait. Gusto kong ipahanap ang anak ko at ang lalaking pinakiu

