HANGGANG sa makabalik ako sa table namin kanina kitang-kita ko pa rin kung paano ako habulin ng tingin ni Vaughn. Alam ko rin na nagngingitngit na ngayon ang ngipin ng kaniyang asawa dahilan upang makaramdam ako ng kaunting kasayahan. Hindi ko alam na ganyan pala kababa ang tiwala niya kay Vaughn. Well, kahit naman ako noon. Pinagkatiwalaan ko siya pero kaagad niya akong tinakbuhan. Kaagad niya akong kinalimutan at ipinagtabuyan. Ang masakit pa ay ang ipagtulakan. "Hanggang anong oras mo balak manatili rito?" tanong ni Kyler sa akin. Hindi naman ako nakaimik kaagad. Gusto ko pang makita ang hitsura nila. Gusto ko pa silang paglaruan dahil alam kong iyon naman talaga ang aking sadya. Ngayong partner na ang pareho naming kompanya, alam kong mas madalas kong mkikita ang mukha ni Vaughn at k

