HINDI ko magawang alisin ang aking paningin sa kaniya. Ilang taon na ang nakalipas at mas malaki ang kaniyang pinagbago. Ngayon ko lang siya nagawang tingnan muli nang ganito. Alam ko sa sarili ko na okay na ako. Alam kong hindi ko na siya mahal at alam ko ang nararamdaman ko ngayon ay galit na lang. Hindi na kailanman nagkaroon ng puwang sa puso ko ang salitang pagmamahal dahil alam kong hindi ko kailanman iyon maibibigay lalo na sa taong naging dahilan kung bakit ako naging ganito. Lalo na sa taong naging dahilan ng paghihirap ko. "Bess, baka naman mabasag mo ang baso." Pasimpleng bulong sa akin ni Kyler habang sinusundan ng tingin ang tinitingnan ko. Mukhang napansin naman ni Justine ang pagbubulungan namin kaya bumaba ang tingin nito sa aking kamay at kaagad iyong inilayo sa baso at

