INAYA kami ni mama na mag-dinner at hindi na kami nakatanggi. Sinasabi pa niya na umuwi na ako pero hindi ko naman magawa dahil marami pa akong reponsibilidad na dapat gawin at dapat kong unahin. Hindi ko dapat hayaan na maapektuhan ako nang ganito ng mga nangyayari sa paligid ko. Isa pa, nagkita na kami ni Vaughn. Paniguradong mag-uumpisa na ulit ang peligro ng buhay ko. Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko sinasabi sa kaniya kung nasaan si Raiden kahit na wala naman siyang karapatan. "Anak, sana naman makilala namin yung taong tumulong sa 'yo. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Gusto ko rin ipagpasalamat na kinupkop ka niya at pinag-aral dahil iyon ang nababagay sa 'yo. Kung anong buhay ang meron ka ngayon, lahat ng iyon ay dahik sa mga pinaghirapan mo." Nakangiting

