Chapter 65

1014 Words

TILA may bumara sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Paano ko sasabihin na ibinenta ko ang aking anak? Na pinagpalit ko ito sa pera dahil sa kahirapan. Wala akong nagawa kung 'di ang hayaan ang aking luha na tumulo nang tumulo. Patuloy naman si mama sa paghaplos sa aking likod. "A-anak? Bakit?" nag-aalala niyang tanong. Matapos ang ilang taon, inisip kong galit na galit sila sa akin pero nagkamali ako. Disappointed lang sila pero hindi tuluyang nawala ang kanilang pagmamahal. Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Alam ko na kung ano ang sinasabi nilang walang ina ang makakatiis sa kaniyang anak. Totoong hindi mo maiintindihan ang isang magulang hanggang hindi mo pa nararanasan maging isang magulang. "M-ma, may mga d-dala po kami para sa i-inyo," utal kong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD