HABANG pinagmamasdan ang lahat ng tinitingnan kong pinamili namin, parang gusto ko na lang ulit umatras. Parang gusto ko na lang ulit ituloy kung ano ang aking naunnag plano dahil baka hindi pa talaga ako handa. Baka kasi hindi ko pa rin sila kayang harapin. "Nandito lang kami." Hinawakan ni Justine ang aking kamay pero hindi ko pa rin maiwasang hindi matakot. Si Kyler naman ay halatang pinapakalma rin ako. "Huwag na lang kaya tayo tumuloy?" napupulot ang bahag kong sabihin. Malalim na napabuntong hininga si Kyler. "Kung natatakot ka na naman, hindi naman mawawala 'yan. Kung haharapin mo silang kasama na ang anak mo sa tingin mo ba hindi ka na matatakot no'n?" mahabang sabi ni Kyler. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Nakuha ko kung ano ang pinupunto niya at tama n

