Chapter 29: Tiwala at Bagong Pamilya

2281 Words

NAGUGULUHAN kong tiningnan si lola. Hindi ko maintindihan kung ano ang kaniyang sinasabi. Hindi ko alam kung ano ang aking iiisipin. “Lola,” usal ko na lamang. “Samantha, sana tulungan mo ako.” “P-Paano po?” naguguluhan kong tanong. Gusto kong malinawanan kasi napakaraming senaryong tumatakbo sa aking isipan. Gulong-gulo ang utak ko. “Samantha…” Hinawakan ni lola Mathilda ang aking kamay at hinaplos niya iyon. “Gusto kitang ampunin.” Parang paulit-ulit ang katagang iyon sa aking tainga. Gusto akong ampunin ni lola Mathilda at hindi ko man lang alam kung ano ang aking sasabihin o isasagot sa kaniya. Hindi agad ako nakasagot. Tila naging estatwa pa ako ng ilang segundo, bago tuluyang rumehistro sa aking isipan ang kaniyang nais na ipahiwatig. “P-Po?” nawawalan ng boses kong tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD