NAPAG-USAPAN na namin pareho ni lola Mathilda na may kukuha siya ng mag-aasikaso sa aking maliit na negosyo. Ayaw ko naman itong pabayaan. Ayaw kong iwanan ang lahat ng aking nasimulan dahil lang sa bago. “Hija, gusto mo ba munang bumisita sa mini grocery mo?” tanong sa akin ni lola Mathilda. Mahina pa rin siya pero kahit papaano ay nakakalakad-lakad naman na siya. Kahit papaano ay nagagawa na rin niyang kumilos muli nang maayos. Nabawasan na rin naman kahit papaano ang pag-aalala ko sa kalagayan niya. Nakausap namin kanina ang doctor at ang sabi nito ay maraming pahinga na lang ng kailangan ni lola. Nasa recovery stage na rin naman siya. Inaalalayan lamang namin siya kung siya ay kikilos o ‘di kaya naman ay gusto niyang maglakad-lakad. Hindi pa naman niya puwedeng pwersahin ang kaniy

